Chapter 19
"grabe ka Chloe ah, imagine nakaya mong harapin ang ex mo, hindi mo ba siya sinampal o sinigawan?" tanong ni Jaja bago kumain.
"hindi. Bakit ko naman gagawin yun?" sabi ko at sinubo ang pizza.
"talaga? Alam mo ikaw yung tipo ng ex na hindi mapanakit. Di ba guys?"
Um-agree naman sila sa sinabi ni Jaja.
"tsaka parang wala lang sa kanya yung break up nila" sabi ni Bubbles.
"tama, pero mahal mo pa ba siya?" tanong ni Che.
Napatigil naman silang kumain para marinig ang isasagot ko. Tinignan ko sila "uh.. kapag sinabi kung hindi parang niloloko ko ang sarili ko dahil sa katunayan..." Ngumiti ako sa kanila "oo mahal ko pa rin siya"
Napapalakpak ng isang beses si Jaja. "sabi ko na eh! Totoo talaga yung First Love Never Dies..."
"tama ka jan siszums! Kaya lang you know naman the true character of Ford, di ba? Na when he fall in love to a girl as in ubos biyaya ang peg! Ganoon din ba ang pinaramdam sayo ni Ford nung kayo pa?" sabi ni Boom.
Napangiti ako "Oo" with matching kilig pa yan ah!
"ayieeee!" sabi nilang apat.
"hay nako! Parang ang sarap naman mainlove" sabay daydream ni Che.
Natawa naman yung tatlo except kay Zoeye "eh hindi na nga maibabalik sila sa dati eh!" inis na sabi ni Zoeye.
Napatingin naman kami sa kanya "bakit naman?" sabay naming tanong.
"eh kasi sinabi na ni Ford sa sambayanang Pilipino na sila na ni Lexie Muñoz...!"
"at sinabi pa niya samin na he really love her and he think she's the one for him" dagdag ko pa.
Napatigil sila sa sinabi ko. "ano?! Seryoso?!" di makapaniwalang sabi ng apat.
"oo. Hindi ba kayo naniniwala? Ako nga naniwala eh tsaka yung pagkasabi niya nun parang wala ako dun sa pag-uusap namin nila Direk" nangingiti ngiting sabi ko kahit gusto ko ng maiyak sa harapan nila.
"talagang sinabi yun ni Ford?" sabi ni Bubbles.
"nakakainis di ba? Ang sarap murahin noh? Nyeta lang!" sabat ni Zoeye.
Sinaway naman siya ni Boom ''ang rumi na ng bunganga mo! Linisan mo nga yan. Kaya walang nagkakagusto sayo eh!"
Tinaasan niya ng kilay si Boom "ano naman? Eh buhay ko 'to. Tsaka ito ako eh, parang hindi ka na nasanay sa kakamura ko!"
"yun na nga, alam mo naman na babae ka di ba? Tsaka nakakababa ng tingin ang isang babaeng palamura"
"o, sorry na. Hindi ko lang kasi mapigilan eh! Dahil hanggang ngayon inis na inis na ako sa Ford na yun!"
"bakit? Ikaw lang ba? Eh sa bawat na sinasabi ni Chloe, hindi ba kami naiinis at napapamura sa isip namin? Gosh!" sabat ni Jaja.
"o, kayo din pala eh! Kaya 'di niyo rin ako masisisi" sabay cross arms ni Zoeye.
"tama na nga yan! Hindi tuloy nakasagot si Chloe sa tanong ko kanina" sabi ni Bubbles.
"Oo Bubbles, sinabi niya talaga yun sakin ng harapan kahit hindi niya alam na nag-eexist ako sa kusina na yun"
"grabe naman 'tong si Ford, ano bang pinakain ng Lexie na yan sa kanya? Eh di ba dati hindi naman siya ganyan?" sabi ni Cherry.
"oo, hindi siya talaga ganyan nung dati tsaka dati pa ni hindi yan umiimik" Jaja.
''anyare ngayon? Psh" iritadong sambit ni Zoeye.
Napailing ako "people change talaga, kahit hindi naman siya ang nasaktan!" sabi ko ng nakatingin sa kawalan.
Naramdaman kong hinimas ni Che at Bubbles ang magkabilang braso ko. "hayaan mo na lang siguro siya Chloe, mag-move na lang tayo.." sabi ni Che.
"anong mag-move on?! Hindi...!" naputol ang sasabihin ni Jaja ng may tumawag sa phone ko.
"excuse muna!" sabi ko at pumunta muna sa labas ng pizza hut.
Tinignan ko ang screen ng phone ko at nakita kong si Ms. Carla ang tumatawag, in-accept ko yun.
"Hello po" sabi ko.
[magsa-sign ka pala ng contract sa AVI Records after ng recording session mo, don't forget ah?]
"Opo, Ms. Carla" nakangiting sabi ko at binaba na ang tawag.
Napangiti naman ako. Grabe. Nagsisimula pa lang ako may contract of signing na! Waaa! Hindi pa nga aka nakakapag-voice lessons eh.
Babalik na sana ako sa loob ng may tumawag pa sa phone ko.
Mama... Calling
Napangiti ako ng si Mama ang tumatawag namimiss ko na kasi siya eh.
"Hello Ma"
[Hi anak, balita ko kasali ka sa bagong teleserye]
"Oo nga Ma, alam niyo ba kung sino ang mga kasama ko?"
[o sino?]
"ang FordLex Ma! Ang saya po di ba?" sarkastikong sabi ko.
[eh anak? Hindi ka ba naiilang na katrabaho mo sila?]
"Hindi naman po Ma, tsaka ba't naman po ako ang maiilang kung sila naman ang dapat maging ganoon sakin, di ba?"
[oo nga naman. Basta anak kapag kailangan mo ng makakausap tawagan mo ko ah?]
Napangiti ako "sige po Ma"
[o sige, love you nak]
"love you too, Ma" sabi ko at in-end na ni Mama ang tawag.
Papasok na sana ako sa loob ng tumunog uli ang phone ko.
Grabe naman, masyado akong in-demand sa mga tumatawag sakin. O baka naman namimiss lang nila ako.
Tinignan ko naman kung sino ang tumatawag.
Ford... Calling
Napakunot noo ako ng siya ang tumatawag. Ano naman kaya ang kailangan niyang sabihin?
YOU ARE READING
SL 2: Nothing Last Forever
Short StoryFrom CRUSH to become FRIENDS. From FRIENDS to IN A RELATIONSHIP. From BEING HIS GIRLFRIEND to FANGIRL. From FANGIRL to Showbiz Actress. From Actress to ??? . . What will be her label this time? ----- All Rights Reserved ©2016