Chapter 9
Chloe's Point of View
"Ate Chloe" tawag sakin ni Baby Matt.
"yes baby?"
"can I ask you po?"
"yes baby, ano yun?"
"ahm, are you and kuya still together?" nagulat naman ako sa tanong niya.
So, hindi pa niya alam?
"no baby, hindi na. Wala na kami" I said the truth. Ayoko naman magsinungaling sa batang 'to.
Nakita ko siyang nalungkot. "but why?"
"hindi ko alam baby eh"
Nagpout siya at parang iiyak siya. "but you and kuya are perfect to each other, why you're not together?" ayan na ang luha ni baby Matt, nagbabadya na.
Hinagod ko ang braso niya para patahanin siya. "siguro baby, hindi talaga kami tinadhana kaya ganoon. Stop crying na ha? I know masaya si Kuya Ford sa piling ni Ate Lexie" habang sinasabi ko yun parang ako naman yung naiiyak.
"no, I want you to be kuya's girlfriend forever!" naiiyak na sabi niya.
"shh.. tahan na baby, may mga bagay talagang hindi nakalaan para satin kaya ganoon. Alam kong hindi mo pa ko maiintindihan kasi bata ka pa, maiintindihan mo na lang yan kapag lumaki ka na" sabi ko at pinunasan ang mga luha sa pisngi niya.
"but I know you're still love kuya, right?" he said. Niyakap ko na lang siya para hindi ko na sagutin ang tanong niya.
"tama na ang iyak ha? Strong ka di ba? Kaya huwag ka ng umiyak" sabi ko at inayos ang buhok ni Baby Matt.
"O apo, ba't ka nandiyan?" napatingin naman ako sa may kitchen kung saan papalapit sila Lola Marge at Ford.
"uh, kinuha ko lang po 'to" sabi ni Ford at pinakita kay Lola ang hawak niyang first aid kit.
"bakit? Sinong may sugat?"
"si Chloe po" sagot niya at nilatag sa mesa ang first aid kit.
"ah, si Baby Chloe mo? Yiee" sabay sundot ni Lola sa tagiliran ni Ford.
Natawa naman ng konti si Ford. "si Lola talaga"
Natawa naman ako "Lola, may Lexie na yan" sabi ko kahit labag sa kalooban ko.
"ay oo nga pala. Sorry. Nasanay kasi akong ikaw ang huling girlfriend niya" Napangiti ako ng mapait sa sinabi ni Lola.
"si Lola talaga" sabi ni Ford saka lumuhod siya sakin para gamutin ang sugat ko.
"o, napano si baby Chloe, Ford?" biglang tanong ni Lola.
"nadapa po kasi" sabi niya sakin habang ginagamot ako.
"nadapa? Saan?"
"diyan po sa garden"
"buti hindi masyadong malalim"
"oo nga po eh. Di kasi nag-iingat" sabay tingin niya sakin.
"eh kasi siya Lola binitawan ako, kaya ako nadapa" parang batang sabi ko.
"ay! Ikaw naman pala baby Ford eh! Ba't mo naman binitawan si Baby Chloe ko? Kawawa tuloy ang baby ko" sabay hug ni Lola sakin.
"eh Lola, nabitawan ko siya. Ang dulas kasi ng kamay ko kaya yun"
"hmp. Sabihin mo apo gusto mo talaga siyang bitawan dahil ayaw mo na" Hala?! Pati si Lola humuhugot din?
YOU ARE READING
SL 2: Nothing Last Forever
Short StoryFrom CRUSH to become FRIENDS. From FRIENDS to IN A RELATIONSHIP. From BEING HIS GIRLFRIEND to FANGIRL. From FANGIRL to Showbiz Actress. From Actress to ??? . . What will be her label this time? ----- All Rights Reserved ©2016
