Truth hurts

214 8 0
                                    

Chapter 13

Chloe's Point of View

"that's a wrap guys! Grabe! Talagang sinunod niyo ang sinabi ko. Magaling" sabay palakpak ni Direk pati na rin ang buong staff ng Love will lead you back.

"sabi ko sainyo eh, bigyan ng movie ang ChloFord!" sabi pa ni Ms. Carla.

Nagulat nga kami kasi nakapunta siya sa set. Nakipagbesohan kami sa kanya.

"mukhang nakaka-excite ang teleserye ng FordLex ah" sabi pa ni Ms. Carla.

"don't worry Chloe, gagawan namin kayo ng movie. Malay niyo pumatok sa mga manonood at sa mga fans niyo" dagdag pa ni Ms. Carla.

"talaga po?" sabi ko.

"yes. Okay rin ba sayo, Ford?" tanong ni Ms. Carla kay Ford.

Tumingin ako sa kanya at tumingin rin siya sakin "of course, basta kasama rin si Lexie" nang sabihin niya yun napasimangot ako.

Akala ko kami lang eh. Moment na sana yun kaya lang mukhang ayaw talaga ng tadhana na magkatrabaho kami na kami lang at walang kasamang girlfriend.

"Okay. Sasabihin ko ang management para magka-movie kayo" sabay ngiti ni Ms. Carla.

Napangiti kami at sinabing "thank you, Ms. Carla" at niyakap namin siya.

"at thank you rin po sa opportunity" dagdag ko pa.

"you're welcome My dear Chloe" sabi niya saka ngumiti.

"oh, siya nga pala wala pang kakanta ng theme ng teleserye niyo, willing ka ba Chloe?" tanong niya.

Medyo nabigla ako kasi hindi naman ako professional sa pagkanta eh.

"ako po talaga, Miss Carla?" di makapaniwalang sabi ko.

Medyo natawa siya "yes, of course. Don't worry may voice lesson naman" lumapit siya sa tenga ko "balak ko nga sana si Lexie eh, pero hindi ko nagustuhan kasi wala siya sa tono"

Medyo napangiti ako ng mapait "sige po, susubukan ko" sabi ko.

Sayang rin naman kung tatanggihan ko pera na rin yun para naman may pakinabang ang kursong pinag-aralan ko.

"waa! Thank you! By tomorrow magsisimula na tayo" nakangiting sabi niya.

Mas lalong napangiti ako "oh my gosh! Sige po. Aagahan ko po ang pagpunta" sabi ko.

''sige sige. Bye" paalam niya sakin pati na rin sa kanila.

"hey, mukhang ang saya ng baby ko ah" napatigil naman ako sa pagngiti dahil may nagsalita sa likod ko.

Baby ko? Iisa lang ang tumatawag sakin niyan eh.

Lumingon ako at nakita ko si Ford na nakangiti sakin. "ay! Ikaw pala yan. Oo nga eh, kasi binigyan ako ng offer ni Miss Carla" sabi ko.

"really? Wow. Hindi na ako magugulat kasi you have the potential to be in this industry"

Napangiti naman ako "wow. Thank you. Buti na lang nabigyan pa ako ng isa pang pagkakataon para maipakita ang talent ko sa pag-acting"

"yeah..Each one of us has the right to have another chance to shine"

Napatango ako. "eh tayo kaya.. magkakaroon pa ng isa pang pagkakataon?" wala sa sarili kong natanong kay Ford.

"ha?" parang wala siyang narinig.

"I mean kung magkakaroon pa ang loveteam natin na umusbong pa yung parang babalik sa dati" pag-iiba ko ng tanong.

SL 2: Nothing Last ForeverWhere stories live. Discover now