Chapter 2
Chloe's Point of View
Newest Teleserye? Akala ko movie? Di ba kapag teleserye everyday ang taping? So, sino kaya si Thiara Marie Lopez?
"ahm, sino po ba si Thiara Marie Lopez?" magalang na tanong ko.
"well, Thiara Marie is a very well known bitch and an antagonist. So, I've seeing you that you can portray this role" Ms. Carla.
"yes, Carla is right and I guess you'll definitely loving her role" Ms. Karen said.
Shocks! Ibang iba 'to sa pagkatao ko! Pero sige.. tatanggapin ko na sayang naman. Bibigyan ko ng hustisya ang role na 'to.
"so, are you willing to accept the role?" Mr. Lawrence asked.
Nag-isip muna ako "yes po, I'm willing to accept the role of Thiara Marie Lopez" sabi ko at pinakita ko ang matamis kong ngiti.
Nakita kong napangiti sila at lumapit sila sakin para yakapin ako.
"finally! alam mo ba ikaw lang yung hinhintay namin na mag-audition?" Ms. Carla.
"oo nga! At alam mo rin ba na sayo lang talaga 'tong role ni Thiara Marie Lopez?"
"talaga po?" di talaga ako makapaniwala.
"yes. Ikaw lang yung taong hinahantay naming bumalik ulit sa showbiz tsaka malay mo baka madami ka ng tv guestings" Mr. Lawrence.
Ngiting di makapaniwala ang tanging sagot ko sa kanila. Akala ko nga matatagalan ang audition eh at hindi ko inaakala na ganito ang magiging resulta ng audition ko.. para ngang ang bilis ng pangyayari.
"thank you po sainyo. Pangako po gagalingan ko po ang pag-portray sa character ni Thiara"
"don't worry mmake-up-an ka na pang kontrabida ang itsura"
"yeah, napaka-angelic kasi ng personality mo"
"hehe, salamat po" sabi ko. Totoo naman kasi eh.
"bakit ka hiniwalayan ni Ford? Sayang naman ng relationship mo. Sayang nga eh kasi may ka-loveteam na siya at may girlfriend pa" Carla.
"huwag na po nating ibalik... tapos na po yun eh" sabi ko.
"sayang talaga. Sobrang bagay pa naman kayo" Ms. Karen.
"tama. Nako, sadyang may mga lalakeng ganyan" dagdag ni Ms. Carla.
"tama na yan. Basta galingan mo ha? Bukas na yung look test para sa teleserye" sabi ni Mr. Lawrence
"sige po sir. Salamat po ulit" sabi ko at nakipag-besohan sila sakin.
Pagkaalis ko nakita ko sa waiting area si Zoeye na abalang mag-scroll sa cellphone niya. Naglakad ako papunta sa pwesto niya.
"ehem" sabi ko.
Napatingala siya sakin "o, kumusta ang audition? Pasok ka ba?" sunud-sunod niyang tanong.
Umakting naman akong malungkot "hindi eh!" inis na sabi ko at saka umupo sa tabi niya.
"ha?! Bakit? Eh ang galing mo kaya!"
"yun na nga eh.. tsk!"
"ano ba kasing nangyari?"
"kasi naman ako yung gaganap na Thiara Marie sa bagong teleserye nila!" sabi ko na medyo nagpipigil ng tawa.
Napatayo siya "ha?! OH MY GOSH! Talaga?! Waaaaaa!" Di makapaniwalang tanong niya at saka nagtitili.
Natawa ako "Oo bes! Pasok nga ako! My gosh! At alam mo ba kung ano ang role ko?"
Napatigil siya at hinawakan ako sa magkabilang braso "ano?"
"kontrabida lang naman" sabi ko.
"talaga?! Waaaa! Exciting yun! Shems! Aabangan ko talaga 'yang role mo. Huh! Hindi ko yan palalampasin!"
"talaga? Salamat. Pero hindi ko alam kung paano gampanan ang pagiging kontrabida" Promise. Hindi ko talaga alam, hindi kasi ako marunong magalit at mainis sa isang tao.
"sus! Ang dali lang kaya!"
"talaga? Paano?"
"ganito lang yun" sabi niya at naglakad na kami palabas.
"isipin mo yung taong nagpasakit ng puso mo, dun ka dapat mag-focus"
"eh? Hindi nga ako marunong magalit"
"tsk! Yan ang hirap sayo eh. Kahit kelan kasi hindi ka naiinis sa mga pang-aasar ko sayo. Dapat kasi marunong ka ring magalit dahil kapag nagagalit ang isang mabait na tao hinding hindi na siya aapak-apakan pa dahil nakita na nila kung paano magalit ang mabait. Ganoon lang yun"
"talaga?"
"yes. Di ba sa isang teleserye parang totoong buhay na rin ang pagkakasalaysay, para madama talaga ng mga nanonood. Kaya kung kontrabida ang role mo, patunayan mo na kaya mong gampanan ang role ni Thiara dahil kapag nagampanan mo siya ng mahusay... magkakaroon ka na ng fans at syempre bashers kasi kapag may bashers ka na ibig sabihin lang niyan ay effective ang pagkakawawa mo sa role ni Lexie.. Kaya i-push mo yan bes! Ikaw pa?"
Natawa naman ako "sige bes, kakayanin ko 'to!"
"yan! Push lang ng push! Don't worry kapag sumikat ka na ako na ang magiging P.A mo. Willing akong pagsibilhan ka Chloe kasi alam ko na hindi ka magbabago"
Napangiti naman ako "salamat Zoeye" sabi ko.
"wala yun" sabi niya at sumakay na kami sa taxi pauwi ng bahay.
Chloe Olivar as Thiara Marie Lopez. Wow, parang nakaka-excite nga ang pagiging kontrabida. Promise pag-aaralan ko kung paano makawawa ang isang tao.
YOU ARE READING
SL 2: Nothing Last Forever
Short StoryFrom CRUSH to become FRIENDS. From FRIENDS to IN A RELATIONSHIP. From BEING HIS GIRLFRIEND to FANGIRL. From FANGIRL to Showbiz Actress. From Actress to ??? . . What will be her label this time? ----- All Rights Reserved ©2016
