Chapter 4
Chloe's Point of View
Naglakad na kami pabalik sa look test room at nakita namin si Lexie na siya na ang kinukuhanan ng larawan.
Tumabi ako kay Zoeye. "mas maganda ka pa rin, girl" sabi niya habang nakatingin kay Lexie.
"uy grabe ka. Mas maganda siya" sabi ko.
"heh! Mas maganda ka noh!" napatigil siya "nagkausap ba kayo ni Ford?" sabi niya.
"oo"
Nakita kong nagulat siya "anong sabi? Makikipagbalikan ba siya?" sabi pa niya.
Napakanoot noo ako. "ha? Hindi noh!"
"weh? Memetey?"
"hindi nga sabi eh" inis na sabi ko.
"oh. I see. So, anong pinag-usapan niyo?" tanong niya.
"kinongrats niya lang ako noh"
"telege be meme?" di pa naniniwala.
"oo nga, tapos ayun sinabi ko pa na fan nila ako at susuportahan ko sila hanggang sa huli"
Kinurot niya ako sa braso "aray! Nakakarami ka na ha"
"alam mo? Baliw ka. Martir! Hay nako Chloe, kelan ka kaya magpapaka-martir?"
"actually, kanina lang ako naging martir, yung hindi pa niya sinasambit ang salitang 'mahal din kita... as a Fan of our loveteam' yung time na sinabi niya yun dun na ako tumigil umasang magkakabalikan kami kasi parang sinampal na niya ako sa mga salitang binitawan niya"
"buti naman at natauhan ka na! Pero sa kabilang banda, I feel so sorry sayo Chlo, siguro kung ako ang nasa sitwasyon mo malamang masasaktan rin ako kasi biruin mo naman ang pagsasama ninyo noong kayo pa, halos magtransform na ang asin bilang asukal ng pagmamahalan niyo eh tapos makaraan ang tatlong taon parang walang nangyari sainyo, yung para bang hindi naging kayo?"
"nagbago na nga siya di ba? Yung sabi mo"
"talaga? As in? Nakita mo?"
"Oo, nakita ko na yung ibig mong sabihin. Tinitigan ko talaga ang mga mata niya, pilit kong inaaninag yung pagmamahal niya sakin at yung dating Ford na sobrang in love sakin pero wala na talaga Zoe. Wala na. Napalitan na. Lahat nagbago, lahat ng nasa mata niya nag-iba na" nakakapanghinayang man pero yun talaga ang katotohanan.
Sa mga mata niya kasi ako na-inlove eh. Doon lang. Dahil kakaiba ang mga titig niya. Yung para bang namamagnet ka sa bawat pagtitig mo sa kanyang mga mata.
Niyakap ako ni Zoe "okay lang yan. Tanggapin mo na lang Chlo... kahit masakit"
Napatulo ang luha ko, agad ko naman yung pinahiran.
"okay. Ngayon naman, kayong dalawa ni Ford" sabi ng Photographer.
Todo project naman yung dalawa. Ang sweet nga eh. Nakayakap sila sa isa't isa habang magkatitigan sila.
"ano? Masakit pa ba?"tanong ni Zoe.
"ha? Pinagsasabi mo?"
Tinulak niya ako ng mahina "huwag kang magbingi bingihan diyan! Alam ko masakit pa rin"
Napabuntong hininga ako "Oo na. Aaminin ko masakit pa rin siya Zoe. Pinatatatag ko na lang ang sarili ko" niyakap niya ako ng pa-side.
"okay lang yan bebe Chlo, time will come mawawala rin ang sakit na dinulot niya sa puso mo" Sana nga...
Kahit anong pilit kong hindi tumingin sa kanila ay hindi ko magawa, pilit pa rin akong napapatingin sa kanila dahil hindi mawala wala ang pagiging fan girl ko sa dalawang yan. Masakit nga talaga kapag yung EX mo ay may MAHAL ng IBA, ang mas malala pa Fan ka pa Nila at makakasama mo pa sila sa iisang teleserye. Martir ba talaga ako?
"next, kasama na si Chloe" nagulat naman ako sa sinabi ng photographer.
Napapalakpak naman si Lexie ng sabihin niya yun si Ford naman nakayakap lang naman sa likuran ni Lexie. Inaamin ko nakakaselos na, pero wala naman akong karapatan dahil EX niya lang ako.
''kailangan talagang naka-back hug? Psh!" narinig kong sabi ni Zoeye.
Napailing na lang ako at naglakad papunta sa kanila.
"okay. Ganito. Ikaw Ford sa gitna ka ng dalawa, ikaw naman Lexie dito ka sa left side at ikaw Chloe ay sa right side ka ni Ford" sabi ni Ms. Carla.
"ikaw Chlo, haharap ka kay Ford while yung left ng kamay mo ay naka-cling sa arms ni Ford and you Ford you will hold the hands of Lexie then magtitigan kayo. Ikaw Chlo, titingin ka sa camera with a fierce look, okay?"
Tumango na lang ako bilang sagot sa sinabi niya.
Nang bago kami kuhanan may narinig ako sa dalawang idol ko na nagpasakit ng puso ko.
"I love you" sabay nilang sabi.
Ang sakit na nga yung sinabi ni Ford kanina mas dumoble pa ang sakit ng marinig ko ang tatlong salita na dating sinasabi sakin ni Ford nung kami pa. Buti na lang napipigilan ko pang umiyak.
Nang makuhanan na kami nag-suggest pa ng isa pang pose si Ms. Carla, this time binaliktad naman ni Ms. Carla yung posisyon ko kanina which is hahawakan ni Ford ang mga kamay ko habang nakatitig kami isa't isa at si Lexie ay naka-cling lang sa arms ni Ford habang naka-fierce look sa camera.
Wala bang I love you diyan Ford?
Nakatingin nga siya sakin pero wala na akong maramdaman na pagmamahal sa kanya. Lahat na nga nagbago sa kanya. Wala na yung Ford na minahal ko ng sobra. Naglaho na... naglaho na parang bula.
YOU ARE READING
SL 2: Nothing Last Forever
KurzgeschichtenFrom CRUSH to become FRIENDS. From FRIENDS to IN A RELATIONSHIP. From BEING HIS GIRLFRIEND to FANGIRL. From FANGIRL to Showbiz Actress. From Actress to ??? . . What will be her label this time? ----- All Rights Reserved ©2016