Feeling sorry

75 2 2
                                        


Pagkalabas ko ng dressing room ni Ate Vice nakita ko si Ford sa tapat ng pinto muntik na nga akong atakihin buti na lang gwapo siya.

"Ba't ka ba nandiyan?" Inis na sabi ko kunware galit ako sa kanya at naglakad na.

"Baby Chloe naman" Sabi niya at natigil ako sa pagtawag niya sakin.

"Ano ba Ford? Pwede ba Chloe itawag mo sakin kapag nasa public tayo at lalo na kapag nasa guestings? Kapag may nakakita at nakarinig satin, malalagot tayo" Mahirap na ayokong maissue.

Nakita kong nalungkot siya "sorry Chloe, but.." Lumapit siya sakin at hinatak ako papunta sa isang tagong lugar. Meron pala dito?

"Anong gagawin natin dito?" Sabi ko.

Humarap siya sakin after niyang magpalinga linga baka kasi may nakasunod samin kanina.

"I really want to hug you" Sabi niya at niyakap ako ng sobrang higpit, yung tipong ayaw na niya akong pakawalan. "I really miss this and I really miss you, Chloe" He said between our hugs.

Napangiti ako at bigla na lang nawala ang galit ko sa kanya. Miss na miss talaga ako nito at miss na miss ko na rin siya.

"Miss na miss mo talaga ako no?" I said.

Kumalas siya sa yakap at tinitigan ako "sobra. Like I really want to shout that I really really love you in front of many people and even on national TV" He sincerely said.

Nalungkot ako ng sabihin niya yun "alam mo namang hindi pwede di ba?"

He holds my hand "I know but I really want to tell all over the world that you are my girlfriend"

Napabuntong hininga ako "kung pwede lang sana" I said at bumitaw na sa pagkakayakap, lalabas na sana ako ng yakapin ulit ako ng nakatalikod sa kanya.

"Please, stay with me here, just for a while" Sabi niya at napansin ko sa boses niya na naiiyak siya.

"Umiiyak ka ba Ford?" Sabi ko at kumalas sa yakap niya at hinarap siya.

Yumuko siya at pinunasan ang luha niya "sorry" He said.

Niyakap ko na lang siya para mapawi ang nararamdaman niya.

"I love you so much, Chloe" He said. Yan ang sobrang namiss ko na sabihin niya.

Napangiti ako "I love you too, Ford" I said it after so many years.

Maya maya lang nauna akong lumabas sa pinagtaguan namin at ilang hakbang ko lang ay lumabas na rin si Ford.

"Ford" Napatigil ako sa tumawag sa kanya at lumingon kung sino yun.

"Enrique!" Sabi ni Ford.

Friends sila? Nag bro fist sila at nag-usap. Humarap na lang ako at naglakad palabas ng building naghihintay na kasi si Zoeye sa kotse baka mainis na yun.

"Buti naman natapos na ang sched mo, teka. Asan si Ford?" Sabi ni Zoeye.

"Ayun may kausap. Si Enrique Gil"

Nakita kong nagulat siya at napatili pa. Sumakay na ako sa kotse at tumabi sa kanya.

"Ba't di mo hinintay? Baka hanapin ka niya"

Tinignan ko siya "okay ka lang ba? Gusto mo ba kaming ma-issue?" May halong inis ang pagkakasabi ko nun.

"Hehe, sorry naman daw. So, anong nangyari sa show?"

SL 2: Nothing Last ForeverWhere stories live. Discover now