We're okay

160 10 0
                                        

Chapter 26

Ford's Point of View

Pinaandar ko na ang kotse papuntang hospital dahil nawalan ng malay si Chloe.

I know this is all my fault kaya siya nawalan ng malay at idagdag mo pa ang pag-iyak niya dahil sakin at alam ko rin na hanggang ngayon nasasaktan pa rin siya lalo na sa mga nalaman niya kung bakit hindi ako nakarating sa 6th anniversary namin.

When we finally reached to the hospital, iningatan kong ilabas ng kotse si Chloe at nagpatawag ako ng nurse para ihiga siya sa hospital bed. Sinalubong kami ng doctor at sinabi ko kung anong nangyari sa kanya at sinabi na lang niyang maghintay na lang ako sa labas ng kwarto.

Nasa akin ang bag ni Chloe kaya hinanap ko ang phone niya para tawagan si Zoeye.

[hello Chloe, kumusta ang pag-uusap niyo ni--]

"Zoeye, this is Ford we're here at the hospital. Nawalan kasi ng malay si Chloe"

[ano?! Saan bang ospital?]

"Sa Mother Seton Hospital"

[sige, papunta na kami]

Then I ended the call and sat down on the chair.

Napakagat labi na lang ako habang naghihintay ng resulta.

This is all my fault, kung pumunta sana ako malamang kami pa rin ngayon at malamang din wala siya dito sa ospital.

Me and Lexie are not on a relationship, we're really just friends and that's all. Hope that Zoeye and my other friends will understand me about what happened last 3 years ago and the years that I've left Chloe.

--

Zoeye's Point of View

Nang sabihin yun ni Ford agad na umalis kami ng mall para puntahan na si Chloe. Buti na lang may kotse 'tong si Jared, para mapabilis kami sa pagpunta sa kanya.

"ano bang nangyari kay Chloe?" tanong ni Jaja habang nagmamaneho.

"nawalan kasi ng malay si Chloe kaya niya dinala sa hospital" sabi ko.

"Oh my gosh! Ja, bilisan mo!" sabi ni Bubbles.

"oo na nga" sabi ni Jaja

Makaraan ang ilang oras ay nakarating na kami sa kotse, pagka-park pa lang ay lumabas na ako ng kotse at tumakbo papasok sa loob.

Narinig ko pa silang sumigaw ng hoy pero binaliwala ko na lang sila dahil alam kong kailangan ako ni Chloe.

Tumakbo ako sa desk ng mga nurse para tanungin kung saan ang kwarto ni Chloe.

"saan po ba ang kwarto ni Chloe Olivar?"

"sa room 111 po" sabi ng nurse.

"thank you" sabi ko at tumakbo na. Buti na lang nasa ground floor ang kwarto niya.

Nang makarating na ako sa tapat ng kwarto ay agad akong pumasok at nakita kong sinusubuan ni Ford si Chloe.

Napatingin sila sakin at nakita kong ngumiti sakin si Chloe. Nahimatay ba talaga 'to? Iba kasi yung ngiti niya hindi yung tipikal na ngiti ng isang Chloe Olivar parang yung ngiting in love? Ewan!

Lumapit ako sa kanya "okay ka lang?" sabi ko at hinawakan ko ang noo niya, leeg at pisngi.

Natawa siya "oo okay lang ako. Nagpapasalamat ako kay Ford kasi nandun siya ng mawalan ako ng malay" sabi ni Chloe at tumingin ito kay Ford sabay ngiti niya ganoon din si Ford.

Tumingin ako kay Ford "salamat" sabi ko.

Niyakap ako ni Chloe at may sinabi siya sakin na nagpahinto ng mundo ko. "okay na kami"

Napataas kilay ako na nakanganga ng konti "seryoso?"

SL 2: Nothing Last ForeverWhere stories live. Discover now