Everything has changed

177 11 1
                                        

Chapter 5

Chloe's Point of View

"ngayon naman sweet moments nina Ford at Chloe" sabi ni Ms. Carla.

May napatili naman at nagsabing.

"waaaa! Namiss ko ang ChloFord"

"oo nga! Waaa!"

"My favorite LT!"

Pati na rin si Ms. Carla nakitili na rin.

"Imprompto na lang ang gestures niyo ha. Kaya niyo na yan. Magaling kayong magdala." sabi ni Ms. Carla.

"Yes Ms. Carla" Ford said at tumingin sakin.

"let's pretend we're in love" sabi ni Ford.

Ngumiti ako saka tumango.

So, ayun. Todo sweet moments naman kami ni Ford na sinabi ni Ms. Carla, kahit anong pilit niyang magpretend kaming inlove sa isa't isa.. hindi ko pa rin nakikita sa kanyang mga mata ang pagmamahal niya sakin noon.

Paano? Kung si Lexie na ang sumakop sa buong sistema ni Ford. O, may laban pa ba ako dun? Kung si Present Girlfriend na ang kalaban ni Past Girlfriend? Syempre wala na noh! Okay na 'to para magtigil na rin ako sa kakaasa na magkakabalikan pa kami dahil kapag pilitin ko pa mas lalo lang akong masasaktan pa tsaka mas okay na 'to, kahit wala pa kaming closure. Mukhang okay na siya ngayon nakapag-move on na siya sakin--samin. Kaya ako mag-mmove on na rin alang alang sa career ko at magpopokus sa role bilang Thiara Marie Lopez.

Gagawin ko ang lahat para maging masama ang karakter ko kung kailangan may pahirapan gagawin ko. Sa role ko na lang ilalabas ang lahat ng sakit sa dibdib ko.

SL 2: Nothing Last ForeverWhere stories live. Discover now