Chapter 1: First Gig

1.7K 184 367
                                    





"Bruhaaaaa!" narinig nyang tawag sa kanya ng best friend nyang si Nicole, kumakaway-kaway pa ang kaibigan bago makalapit sa kanya.

Ngayon ang gig nila at maya-maya lang ay magsisimula na sila. Boyfriend nito ang drummer nilang si Charles kaya palaging present ang kaibigan kahit na ba sobrang layo ng mga tinutugtugan nila.

"Buti nakaabot pa ako. Nasaan si Charles?" hanap ni Nicole sa boyfriend.

"Ayun oh." maikling sagot nya at tinuro ang lalaking katabi ng iba pang mga kabanda nya.

Pupunta na sana ang bestfriend nya sa kasintahan ng nagtatakang tumingin ito sa kanya. "Eh bakit naman malungkot ang Disney Princess na yan?"

"Wala, sige na pumunta ka na dun."

"Ahh.. Alam ko na.." napangiti ang kaibigan at inakbayan siya. "Relax ka lang kasi, Bru.  It's not like he knows you. I mean, personally."

"Yun na nga, Bru. Ito ang unang beses na makikita ko siya sa personal. Anong gagawin ko? Sobrang excited na ako." ngiting-ngiting sabi nya.

Sinong makapagsasabing sa loob lamang ng isang taon ay namayagpag ang pangalan ng banda nila sa indepedent music scene. Dumami agad ang mga tumangkilik sa kanila. Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit kanina pa siya parang bulate na hindi mapakali.

Makakasabay kasi nilang tumugtog sa gabing iyon ang bandang matagal nya nang hinahangaan. Pero bukod dun, makikita na nya sa personal si Taylor Evans. Keyboardist at siya ring vocalist ng bandang Mayday. Ang mga kapatid naman nito ang mga kabanda ng binata.

1st year high school siya ng mag-debut ang banda nila Taylor, at una palang niyang napanood ang music video nito sa MVT ay nagkagusto na siya rito. Ang lalaki ang pinakabata sa magkakapatid na noo'y nasa 3rd year high school palang.

At dahil mga bata pa ng na-discover ay mabilis na nakilala ang magkakapatid sa music industry. Gustong-gusto nyang puntahan ang mga gig nito na malalapit lang sa kanila, pero hindi siya pinapayagan ng mommy nya. Ayaw kasi na ma-impluwensiyahan siya ng mga ganun. Kaya nagulat siya nang ini-enrol siya ng daddy nya sa isang music school at nang matuto siya'y pinag-aralan niya ding tumugtog ng iba't-ibang musical instruments.

At nang mag first year college siya ay laking tuwa nya. Nagpaalam siya sa mga magulang na magbubuo silang magkakaibigan ng isang banda. Pumayag naman agad ang mga magulang dahil sina Charles at Blaire naman ang mga makakasama nya. Isama pa si Nicole na noon ay siyang unang nagmamakaawang pumayag ang mga magulang nya. Ang tanging kundisyon lang ng mommy at daddy nya ay palagi siyang magiging hatid-sundo ng driver nila kahit saan sila pupunta. Convenient pa sa kanya iyon dahil medyo mabigat ang keyboard na siyang ginagamit nya kapag tumutugtog sila.

Kung kelan naman may pagkakataon na siyang makita ang Mayday sa gigs nito ay saka naman nag-announce ang banda nina Taylor na pansamantalang mamamahinga ang banda nito sa music scene, at ang sumunod na nalaman na lang nya ay  magpapakasal na ang idolo sa noo'y nobya nitong isang half Filipina-American ramp model sa Amerika. Iniyakan nya ng todo ang balitang iyon.

Ang huling interview ni Taylor na napanood nya ay nang matapos ang biglaang pagpapakasal nito. Nagpapahiwatig ang lalaki na hindi na ito makakablik sa pagbabanda.

Sa tatlong taon matapos ang huling interview ng lalaki ay binuhos nya ang atensyon sa mga activities ng banda nila. Nagsimula silang mag-variety sa iba't-ibang bar sa metro. Hanggang sa magdalawang taon ang banda nila ay dun nila naisipang pasukin ang Indie scene. Sinubukan nilang gumawa ng orig na kanta. Nang makabuo sila ay pinarinig nila ang mga demo songs nila sa isang maliit na company na nagsu-support sa mga independent bands. At isang taon nga pagkatapos noon ay dumami ang tumangkilik sa kanila. Pero kahit na ganoon, ay hindi naalis sa isip niya ang pag-asang makitang muli si Taylor.

Taylor and Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon