"Amber, tara na!" yakag sa kanya ni Nicole, naliligo na ang kaibigan sa dagat. Katirikan pa ng araw at naghahanda na rin siya ng mga gagamitin.
"Susunod na ako!" sigaw nya at nagpahid na ng sunscreen sa katawan. Nagsuot siya ng black bikini bra na pinartneran nya ng puting surfer shorts. Pagtapos nyang maglagay ay isinuot nya muna ang puti ding long sleeves at itinupi ang sleeves nun hanggang sa siko. Hinayaan nya namang nakabukas ang tatlong butones para mapreskuhan pa rin siya.
Napatingin siya sa dagat. Malakas ang alon at tamang-tama sana kung nadala nya ang surfboard nya. Nanghihinayang na lang siyang naupo sa hammock na naroon at pinanood ang mga nagkakasiyahang mga kasama. Napansin din nyang wala doon si Taylor.
Nasaan kaya siya? tanong nya sa isip.
Tumayo siya para hanapin ang binata. Hindi pa siya nakakalayo sa hammock ay saka naman biglang sumulpot si Taylor sa harapan nya. At may dala-dala ito---Surfboards in blue and pink colors!
"Happy to see me or these babies?" natatawang tanong ni Taylor at maingat na nilapag ang dalawang surfboards sa buhanginan.
"Where did you get these?" manghang tanong nya at niyuko ang dalawang surfboards na nasa paanan. "Ang ganda nito!"
"Trace loves to surf too. Nahawa 'ata sa akin, Heather too. Pero syempre hindi na nila nagagamit 'to ngayon, baka biglang manganak si Heather kung gagawin nya yun." natatawang sabi ng binata at umupo sa tabi nya. Kinuha nito ang kulay blue na surf board. "We can use it, naitawag ko na din kay Trace."
"Really?" she chimed.
"Ayaw mo?"
"Hindi naman, Kaya lang, gamit nila 'to eh. Nakakahiya." sabi nya at pasalampak na umupo sa buhanginan, still looking at the board in front of her.
"No worries. Kaya tumayo ka na dyan. Sayang naman ang effort ko kung sisimangot ka lang na nakaupo dyan." nangingiting sabi ni Taylor sa kanya. "Kaso may isang problema pa ako."
"What?" nagtatakang tanong nya.
"May kulay itim ka pa bang swimsuit bukod dyan sa suot mo?" kunot-noong tanong ni Taylor.
She was stunned. Anong gagawin nito sa itim na swimsuit?
"Bakit?" she asked.
Itinarak muna ng binata ang hawak na surfboard sa buhanginan at umupo sa harap nya. Waring inoobserbahan pa nito ang mukha nya bago nito inilapit ang mukha sa kanya at binulungan siya sa kaliwang tenga.
"Susuotin ko. Papayag ba akong ma-etsapwera nyo? Syempre hindi." natatawang sabi ni Taylor at tinignan ang reaksyon nya. Nang di siya kumilos ay nagpaalam itong papasok sa loob at magpapalit daw ng pampaligo nito. Malapit na si Taylor sa pintuan ng bahay nang mag-sink in sa utak nya ang sinabi nito.
At dyusko, masabihan man siya na nasisiraan ng bait ng mga kasama nila pero wala siyang pakialam. Hindi nya mapigilang tumawa. At iumpog man siya sa pader ng oras na yun, hinding-hindi nya mai-imagine na magsusuot si Taylor ng swimsuit nya!
Unti-unti palang siyang nakaka-recover sa pagtawa ay napansin nya naman ang pagdating ng bangkang sinasakyan nina Nana Renya. At hindi lang ang mga katiwala ang kasama nitong dumating, may apat pang kasama ang katiwala. Isang lalaki at tatlong babae.
"Hey Vlad!" sigaw ni Eric sa nag-iisang lalaking kasama ng tatlong babae na siguro bisita din sa isla. Kumaway ito kina Eric pati na rin ang tatlong babaeng kasama nito.
"Sino 'yun?" narinig nyang tanong nila Kim at Queenie kay Eric habang hinihintay nila na dumaong ang bangkang bagong dating.
"That guy over there, that's Heather's twin brother, Vladimir. Our dangerously attractive cousin. The girl beside him, that's his wife, Raven. The girl in white is Heather's bestfriend, Bella. And yung naka-green... That's Luna. Taylor, Trace and Vlad's only girl bestfriend." sabi ni Eric at tumingin sa kanila, partikular na sa kanya. "Si Luna ang First Love ni Taylor."
BINABASA MO ANG
Taylor and Me (Completed)
RomanceWhat happens when a long time fan meets his/her long time idol? Meet Amber de Asis, isa siyang fan ng isang banda noong highschool palang siya. Nag-aral siyang tumugtog ng iba't ibang instrumento at nagtayo ng sariling banda sa pag-asang makikita ng...