Taylor POV:
Pasikat na ang pang-umagang araw sa bahaging iyon ng karagatan kung saan kanina pa nya tinitignan, at hanggang ngayon ay hindi pa siya dinadalaw ng antok. Hindi nya maintindihan pero kanina pa siya nangingiti at tumatawa habang inaalala ang mga nangyari kagabi.
Sigurado na siya na attracted siya sa isang babae.
Kay Amber.
Nang kinausap siya ng tatlong kapatid kanina ay inakala niyang tungkol yun sa kung ano mang related sa banda. And next thing he knew, pinag-uusapan na nila si Amber. Napapansin daw kasi ng tatlo na nagiging malapit na siya sa dalaga.
"Pag-aralan mo ang nararamdaman mo sa kanya, bro. Huwag mong madaliin ang lahat. Hindi ako kailanman nagkamali ng judgment sa isang tao, at alam kong iba si Amber kesa kay Kelly. But just take things slowly." Sabi ni Eric.
"Am I that transparent?" tanong nya. Sabay-sabay namang tumango ang mga ito.
"Huwag mong hayaan ang nakaraang masamang karanasan mo kay Kelly ang maging dahilan para di ka maging masaya sa iba." Sabi naman ni Jake at inakbayan siya, while Eric patted his shoulder.
"Dadating din ang talagang babae para sayo bro. Si Amber man iyon o hindi." Hindi naman pahuhuling sabi ni Jordan. "And of course she's someone worth loving." Dugtong nito at umakbay din sa kanya.
It hit him. Para siyang iniuntog ng tatlo sa isa sa mga bakal na naroon. He knew he was attracted to her the first time he saw her. At habang tumatagal ay lumalalim ang atraksyong iyon.
Napangiti siya ng maalala ang pag-uusap nila ni Amber sa labas ng GBA. Tahimik lang itong nakinig sa kanya. Ni hindi nagbigay ng komento sa mga sinabi nyang sikreto. Sa halip ay tumingin lang ang babae sa langit na parang may kinakausap doon.
And God knows kung paano nya pinigilan ang sariling wag hawakan ang mukha ni Amber at halikan ito. Kaya sa halip ay pinisil nya na lang ang ilong ng dalaga at tumayo. Nang mapatingin si Amber sa kanya ay ngali-ngaling bumalik siya sa tabi nito para ituloy ang paghalik dito.
Heavens! Her luscious lips was slightly parted and the look on her eyes was wonderment na parang naka-kita ito ng isang Greek God na bumaba sa langit. Amazed and stunned. Kaya bago pa nya gawin iyon ay tumakbo na siya. Laking tuwa nya nang hinabol siya ni Amber. Bumabata ang pakiramdam nya kapag kasama nya ito.
Gusto nya din ang pakiramdam nang buhatin nya ito kanina. She's perfectly fit in his arms, na parang doon talaga nababagay ang dalaga And goodness! Inggit na inggit siya sa coat nya na nakasuot dito.
Yes, his coat. And Lord, it looked good and sexy on her. At sobra-sobra ding pagtitimpi ang ginawa nya kaninang hindi sinasadyang napahawak ang dalaga sa balikat nya. Instantly ay umalalay siya at nagawang balansehin ito para hindi matumba, mabuti na lang at nakuha agad ng bangkero ang atensyon nya.
The attraction was too strong para maipagsawalang-bahala nya. He couldn't remember the last time he was affected by a woman so strongly, kahit kay Kelly man o sa mga past girlfriends nya.
Kahit ang mabining amoy ng pabango nito ay naka-stuck pa sa kanya---numbing his senses. Hindi nya alam kung good o bad sign ba 'yun dahil ayun at para siyang engot na mag-isang nakangiti roon.
Napatigil siya sa pag-iisip nang may matanaw siyang naglalakad patungo sa likod ng yate. Sinundan nya iyon at napangiti ng mapagsino.
Si Amber.
May dala-dala itong tasa na hula nya ay kape at umupo roon at tumanaw sa walang hanggang dagat na nasa harap nito. Bahagya nya pang narinig ang mabining paglanghap ng dalaga ng sariwang hangin as she shut her eyes and smile.
BINABASA MO ANG
Taylor and Me (Completed)
RomanceWhat happens when a long time fan meets his/her long time idol? Meet Amber de Asis, isa siyang fan ng isang banda noong highschool palang siya. Nag-aral siyang tumugtog ng iba't ibang instrumento at nagtayo ng sariling banda sa pag-asang makikita ng...