"We should do this often." sabi ni Trace na katabing yakap-yakap ang asawa sa tabi nila ni Taylor. Nasa kabilang side nila ang mag-asawang Vlad at Raven at nasa harap ang bagong dating na sina Luna at ang fiance nitong si Wayne. Nasa itaas sila ng treehouse na dati nang tambayan ng magkakaibigan. Tumingin uli siya sa kasama ni Luna na mula kaninang ipinakilala ito sa kanila ay tumitingin-tingin na sa kanila ni Taylor, lalo na sa kanya.
Kung gaano kasi ka-intimidating tignan si Vlad ay mas lalo ang lalaki, o yun lang ang nasa isip nya. But like the three gorgeous and handsome men na nasa harap nya ay hindi rin papahuli si Wayne. Equally handsome.
Pasimple siyang tumingin uli sa lalaki, this time ay kay Vlad na nakatingin. Parang nagsusukatan ang tingin ang dalawa, kung bakit ay hindi nya alam. Sumunod na tumingin ito kay Taylor na katulad ni Vlad ay nag-iba ang ekspresyon ng mukha. Hinawakan nya na lang ang braso ni Taylor para makuha nya ang atensyon nito. Tinignan naman siya ng katabi at tinapik-tapik ang kamay nya. Ibinaling na lang nya ang atensyon sa paligid nila, nang ma-gets naman nito ang tingin nya ay tumingin din si Taylor sa paligid.
Somehow, the place reminded her of Isle Heatheria. Sinindihan na kasi ang lahat ng ilaw na nakasabit sa bawat puno na naroon, at nagmumukha iyong mga alitaptap sa paningin nya. The view was beautiful enough para mawala ang nararamdaman nyang pagkailang kay Wayne. Nang bumaling siya kay Taylor ay nakangiti na ito sa kanya.
"Sino ba kasi ang bigla-bigla na lang nag-asawa noon at tumira sa Amerika?" tukso ni Luna at tumingin kay Taylor.
"Nauna ka sa akin. Naging busy ka na sa career mo bago pa ako nagpakasal." sagot naman ni Taylor, ngumuso naman ang babae bilang tugon.
Masaya silang nagkukwentuhan at nagtutuksuhan nang biglang tumayo si Wayne at nagpaalam na mauuna nang umuwi. Agad na sumunod naman si Luna na kakausapin lang daw ang lalaki. Naiwan naman silang nagtataka.
"He's rude." Sabi ni Raven.
"And scary," dagdag ni Heather at tumingin sa kanila ni Taylor. "Kanina pa siya tumitingin kay Amber." she said in a worried tone. Sabay-sabay naman na kumunot ang noo ng tatlong lalaki, na synchronized ding umakbay sa kanila. Parang biglang nag-appear ang protective instinct ng tatlo.
"Baka nagtataka lang siya sa mata ko, kaya siguro tumitingin-tingin. Pero tama ka dun Heath, medyo scary nga ang personality nya." natatawang sabi nya at uminom na lang sa basong iniinuman nya. Ngumiti naman si Trace na agad na-gets ang tempo ng tono nya at nagbukas uli ng ibang topic, sinegundahan naman iyon ni Raven na pinakuha kay Trace ang keyboard nito na nasa loob ng treehouse.
Nang makabalik si Trace ay inaya nitong makipag-duet si Taylor dito na parang ayaw nang umalis sa tabi nya. Hinila lang ito ni Trace sa gitna at naupo uli sa harap ng keyboard. She genuinely smiled at him, yun lang ata ang hinihintay ni Taylor dahil ngumiti na rin ang binata sa kanya. Pagtingin nya kay Vlad ay nakangiti na rin ito at sumisipol-sipol na nang mag-umpisa si Trace tumugtog.
It was Boys II Men's I'll Make Love to You.
♫♪♫ Close your eyes, make a wish, And blow out the candlelight
For tonight is just your night, We're gonna celebrate, all thru the night ♫♪♫"Don't look at me like that, Amber. I'm having a goosebumps." Biglang sabi ni Vlad sa kanya na hindi nya namalayang nakatitig na pala siya rito.
"What?" she asked.
"Huwag mo nang hintayin na tatayo ako rito at makiki-kanta sa kanila. That's not going to happen." natatawang sabi ng lalaki na ikinatawa nilang tatlo nina Heather at Raven.
"I'm sorry. I didn't mean to stare." natatawa pa ding sabi nya at nakinig na lang sa dalawang kumakanta sa gitna. Taylor's on lead, second voice naman si Trace. And God, napakaganda ng boses ng dalawa. Taylor's powerful seductive tone matched with Trace's smooth-velvetly voice.
BINABASA MO ANG
Taylor and Me (Completed)
RomanceWhat happens when a long time fan meets his/her long time idol? Meet Amber de Asis, isa siyang fan ng isang banda noong highschool palang siya. Nag-aral siyang tumugtog ng iba't ibang instrumento at nagtayo ng sariling banda sa pag-asang makikita ng...