Chapter 23: Luna's house

384 30 39
                                    


"Where are we going?" tanong nya kay Taylor habang nagmamaneho ang nobyo sa isang daan na papunta sa isang bahay na itinuro nito sa kanya. Nasa itaas iyon ng isang maliit na burol na napapaligiran ng mga puno ng mangga, sa paitaas na daan naman nun ay madaming pananim na pinya.

"Kina Luna, yung bahay na yun na tinuro ko sa'yo, yun ang bahay nila." nakangiting sabi ng nobyo at hinawakan ang kamay nya. Pagtingin nya sa paligid ay tumambad sa kanila ang marami pang puno ng kape, may mga mangilan-ngilang mga trabahador din doon na sa tingin nya ay mga nag-aani ng mga kapeng ilalako sa mga mamimili.

Nasa tagong bahagi sila ng Amadeo, Cavite. Ang lugar na yun ang sinasabing Coffee Capital of the Philippines kaya hindi na nakapagtatakang mga kape nga ang mga punong nakikita nya. Laking Tagaytay siya kaya kahit papaano ay may alam siya sa kape, pero ito ang unang beses na makakapunta siya sa isang farm.

Ipinarada ni Taylor ang kotse nito sa isang magandang kubo, may mga mangilan-ngilang puno ng buko doon at mga rambutan. Inalalayan siyang bumaba nito, papasok na sila ng kubo nang marinig ang pamilyar na boses ng dalawang babae. Pagharap nya ay ganun na lang ang gulat nya sa hitsura ng dalawang pares. Sina Raven at Luna, kasunod sina Vlad at Wayne.

"I'm glad na naka-bisita kayo." sabi ni Luna nang makalapit ang apat sa kanila. Pinupunasan nito ang sariling pawis at tumingin kay Wayne na ibinigay sa isang trabahador ang dalang malaking timba na puno ng coffee beans, ganun din ang ginawa ni Vlad na ngiting-ngiting nakatingin sa kanila. Mula sa kinatatayuan nila ay tanaw pa rin doon ang bahay ni Luna, simple lang iyon at di masyadong kalakihan. Malayo sa inaasahan nya base na rin sa lifestyle nito.

"Tag-kape na kasi ngayon. Isa ito sa dahilan kung bakit yearly ay umuuwi ako dito sa Pilipinas. Iba pa rin kasi ang may sarili kang negosyo." dagdag na sabi ni Luna at tinawag ang isang kawaksi na nasa kubo para maghanda ng maiinom at mamemeryenda nila. Iginiya naman sila nito na pumasok na sa kubo.

Tumingin siya sa dalawang pares na naka-ngiting bumati sa kanila kahit pa parang mga pina-gulong ang mga ito sa putikan sa dumi ng damit, para bang hindi alintana ng mga nasa harap ang pawis at dumi.

"Halika na kayo at pumasok na tayo sa loob, may mga pamalit na dun na inihanda para makasama kayo sa amin sa pag-aani." Sabi ni Vlad at nagpatiuna na kasama si Raven, napatingin naman siya kay Taylor.

"Maiba naman. Hindi kita mailabas basta-basta atleast here we are sure na safe. And I know you miss doing activities, kasi halos nasa bahay lang tayo parehas." Sabi sa kanya ng nobyo. Naka-ngiti namang hinawakan ni Luna ang kamay nya at hinila na siya.

"Mag-aani tayo?" tanong nya.

"Sabi ni Taylor isa sa hilig mo ang mag mountain climbing, wala akong bundok dito pero may mga trails papuntang ilog, nasa silangan banda ang main house. Makakadaan muna tayo ng batis bago tayo makarating sa mismong bahay ko." Mahabang sabi ng dalaga.

"Akala ko ito na mismo ang bahay nya." Namamangha nyang sabi at tinapik ng bahagya ang nobyo.

"Totoo naman din. Pero usually dito lang nag-i-stay na  bumibisitang friends or co-workers. Itong sila Vlad lang talaga, nag-prisintang tutulong sa pag-aani ng mga kape. Nung mga bata pa kasi kami, kapag panahon na ng pag-aani, madalas na nandito yang mga yan." Si Luna at umabrisiete kay Wayne na naka-sunod lang din sa kanila. Si Taylor naman ay nakahawak sa kabila nyang kamay.

"Nakaka-relax naman din talaga ang mag-ani." Sabi ni Taylor at nagpatuloy, "Maraming tanim dito babe, may mga iba't ibang berries at grapes pa malapit sa main house."

"Mag-uwi na lang kayo mamaya. Pangkabuhayang showcase gusto nyo ba?" natatawang sabi ni Luna at tumingin kay Wayne.

"Maghahanda na ako ng mga sako-sako." Natatawang sabi naman ni Wayne.

Taylor and Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon