Chapter 26: Comeback to the Island

374 31 24
                                    

"Hindi pa rin ako makapaniwalang magagawa ni Bella ang lahat ng ito." naiinis na sabi ni Luna nang nasa himpapawid na sila, akbay-akbay ito ni Wayne na nakatingin sa kanila ni Taylor. Hindi man masyadong kilala ni Wayne si Bella dahil hindi naman nito masyadong nakakasama ang dalaga ay alam nyang kagaya nya ay hindi rin ito makapaniwala. Bella is Heather's bestfriend, sabihin pang mula highschool ay kasa-kasama na nila Heather ang dalagang sinasabing kasabwat daw ni Kelly.

"Ako man, Luna. Wala akong natatandaang inagrabyado ko siya o inagrabyado natin siya para makisali siya sa kalokohan ni Kelly. Hanggang ngayon iniisip ko kung anong rason nya at ginagawa nya ito." sagot naman ni Taylor at tumingin sa kanya. Hinawakan nya naman ang kamay ng nobyo, to reassure him that everything is gonna be alright. Wari'y nabasa naman ni Taylor ang gusto nyang ipahiwatig kaya bumuntong-hininga ito at tumingin sa labas ng bintana.

Madilim pa ang langit at ang tanging makikita lamang ay ang mangilan-ngilang ilaw na nanggagaling sa mga nadadaanan nilang mga building at  bahay, ang sabi ng piloto ay  malapit na sila sa isla. Pagtingin nya sa oras ay mag a-alas kwatro palang ng madaling-araw. Mapapaaga sila ng 20 minutos sa pagdating sa isla.

"Iisa lang ang maaaring maging dahilan nya." sabad ni Wayne na ikinatingin nila rito, tumingin naman sa kanilang dalawa ni Taylor ang lalaki.

"Kahit minsan ba, hindi mo naramdaman na baka may nililihim siyang pagtingin sa'yo?" tanong ni Wayne sa nobyo nya, bigla namang nahulog sa pag-iisip si Taylor. Pero sa halip na sumagot ito ay si Luna ang nagsalita.

"Oh, shoot! Remember when were on highschool? may crush siya noon kay Vlad di ba? But that meaniest brother of ours rejected her. Nagpakita siya ng interes sayo after that." sabi ng babae at mahinang hinampas ang tuhod ni Taylor, clueless namang tumingin lang dito ang nobyo nya.

"God, Taylor! You don't remember? She kissed you in front of Vlad, right?" dagdag na sabi pa ni Luna at tumingin sa kanya na wari'y tinatantiya ang reaksyon nya, nagulat naman siya sa sinabi nito. Kung noon pa may gusto si Bella kay Taylor, bakit nakikipag-sabwatan ito kay Kelly na ex naman ng nobyo nya?

"Naging sila ba ni Bella?" wala sa sariling tanong nya kay Luna na sana itatanong nya lang sa utak nya, hindi nya sinasadyang nasambit iyon sa mga kaharap nya.

"No, babe. Mabilis ang nangyari nun. Trace and I was about to console her dahil sa mga sinabi ni Vlad sa kanya. Ang nangyari, bigla nya akong hinalikan. All this time inisip namin na ginawa nya yun to make Vlad jealous. Hindi ko naman siya maitaboy nun dahil kaibigan din namin siya. More importantly, bestfriend siya ni Heather. At walang malisya sa akin ang mga ginagawa nya, gaya ng ginagawa sa akin ni Luna kapag pinapaselos nya noon ang ex nya." sabi ni Taylor, na sinimangutan ng kaibigan.

"Ayun nga, sayo walang malisya. Eh sa kanya? Kaya pala after naming makilala for the first time itong sila Amber sa Isla, nagpaalam sa akin si Bella na pupunta itong Milan dahil may bagong boyfriend daw itong...Wait a minute..." putol ni Luna sa sinasabi at pumitik-pitik sa ere, nang maalala ang iniisip ay saka ito tumingin uli sa kanilang dalawa ni Taylor.

"Matagal na siguro nilang binalak na gawin ito!" dagdag na sabi ni Luna na mahinang napapitik sa harap nila.

"Paano mo naman nasabi yan?" nagtatakang tanong nya sa babae.

"Bago pa mag-birthday si Jasper, tumawag sa akin si Bella  na nagkita daw sila ni Kelly dun sa Milan. It's too coincidence na pareho din na naroon sila sa birthday ni Jasper. Ang ipinagtataka ko lang, bakit nung kayo pa ni Kelly, never siyang gumawa ng way para pasakitan ang babaeng yun?" mahabang sabi ni Luna, tumingin naman si Taylor sa kanila at nagbuntung-hininga.

Taylor and Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon