"Amber are you ready?" tanong sa kanya ni Blaire na tinanguan nya. Nasa gitna siya ng stage na napapaligiran ng mga nakasinding kandila.It was their album launch that night at yun din ang kaunahang gig nila mula nang gabing magtapat sa kanya si Taylor ng feelings nito sa kanya.
"Yeah." maikling sagot nya at sinimulan nang tumugtog nito ng gitara, yun ang palaging pang opening nito kapag nasa stage na sila. But it was a bit different this time, yun ang pakiramdam nya. Parang may mali sa nangyayari.
Pagbukas ng lona na nakatabing sa stage ay nagsihiyawan ang crowd, kasunod yun ng pagbato sa kanya ng mga tissue at kung ano-anong madampot ng mga taong nasa harap nya. Agad siyang tumayo at hinanap sina Taylor, pero hindi nya makita ito dahil sa dami ng tao na naroon.
"Amber, halika na!" hila sa kanya ni Charles, dahil feeling nya napako ang paa nya sa gitna ng stage. Nagpahila naman siya dito na inakbayan siya hanggang sa makapasok sila ng backstage. Nag-aalalang naka-abang sa kanila si Nicole na nang makita siya ay agad na binigay sa kanya ang jacket nya at ang tubig na hawak nito.
"They don't... they don't..." hindi nya maituloy ang sasabihin nya sa shock at nerbyos na nararamdaman nya. Pero ang lalong ikina-shock nya ay ang sumunod nyang nakita.
Si Taylor. Yakap-yakap ng isang babae na hindi nya maaninag ang mukha, she smiled mockingly to her at iniwan si Taylor para harapin siya. Hindi naman gumagalaw ang lalaki sa kinauupuan nito na nakatingin lang sa kanya.
"Babawiin ko ang lahat ng pag-aari ko na inaangkin mo." sabi ng babaeng di nya pa rin maaninag ang mukha at tumawa ng malakas. She walks back to Taylor and give him a kiss. Biglang nanikip ang dibdib at ang pangangapos ng hininga nya. Kasabay iyon ng hiyawan at pagbato uli sa kanya ng crowd. Hindi siya bibigay, hindi siya iiyak. Hindi siya...
"Babe, wake up!" narinig nyang tawag ng lalaking gumigising sa kanya. Pagdilat nya ay ang nag-aalalang mukha ni Taylor ang nakabungad sa kanya. Ganun na lang ang relief na naramdaman nya nang maisip na nananaginip lang pala siya.
"Shhhh, it's alright. It's only a dream." sabi nito sa kanya at masuyong niyakap siya. Pagtingin nya sa paligid ay saka lang pumasok sa isip nya na nasa studio sila, nakatulog pala siya habang break nila. Tumingin siya kina Blaire na noon ay pumasok na rin sa booth, kasunod sina Nicole at Charles.
"I'm okay, gising na ako." sabi nya at kumawala dito. "Where's Jasper?"
"Nasa sleeping area, kasabay mo atang nakatulog habang nagluluto si Taylor sa kusina ng canteen" sabi ni Nicole.
"Why are you sleeping here anyway?" tanong ni Taylor sa kanya at tumingin sa paligid ng booth nila, nang tumingin siya sa kisame ay napatingin din ito.
"Nagmumuni-muni lang ako, di ko namalayang naka-idlip pala ako." sabi nya at tinignan isa-isa ang mga maliliit na ilaw na tila bituin na nakalagay sa kisame.
"Come on, gutom lang yan. Halika na at pinagluto ko kayo ng makakain." sabi ng nobyo at kinuha ang kamay nya para itayo siya. Paglabas nila ng booth ay agad nyang nakita ang sinasabi nito. Palabok at lumpiang shanghai.
"Where'd you get the ingredients? Libre din ba sa canteen ang paggamit mo ng ingredients nila?" tanong nya at ngumiti rito, saglit na nakalimutan ang panaginip.
"Wet market." sagot nito, para namang nakakita silang magkakaibigan ng isang aparisyon na napatingin dito. Hindi nga sila celebrities, pero hindi ibig sabihin nun ay hindi na ito pagkakaguluhan sa palengke. Patunay yun noong kumain sila ng balot.
"Sinong kasama mo?" sabad naman ni Nicole habang kumukuha ng platito at tinidor at binigay sa kanila.
"Sila Trace at Vlad. Kanina kami namalengke bago ko pa sunduin si Amber. Nagpasama sa akin ang dalawa para sa gaganaping celebration sa pagdating ng bagong kambal ng pamilya. Since kami ni Amber ang nagprisintang magluluto, nagpasama na din sila." amused na sabi ni Taylor habang nakatingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
Taylor and Me (Completed)
RomanceWhat happens when a long time fan meets his/her long time idol? Meet Amber de Asis, isa siyang fan ng isang banda noong highschool palang siya. Nag-aral siyang tumugtog ng iba't ibang instrumento at nagtayo ng sariling banda sa pag-asang makikita ng...