Chapter 18: Secrets

469 43 65
                                    

Kambal na babae ang isinilang ni Heather na himalang malulusog kahit na kulang sa buwan. Napatingin siya sa mga sanggol na nasa incubator. Inoobserbahan pa ang dalawa para mas masiguradong okay ang mga ito.

"May lahing kambal din sila Taylor." Bulong nya na ikinatingin sa kanya ni Taylor. Gulat na napatakip naman siya ng bibig.

"May sinasabi ka? Parang narinig ko kasi yung name ko." sabi ni Taylor na ikinailing nya. Ngumiti naman ang nobyo at inakbayan siya. Nang akayin siya nito palapit sa incubator ay nakatingin pa rin ito sa kanya kaya na-conscious siya.

"Bakit ka nakatingin?"

"Wala, ang ganda-ganda kasi ng girlfriend ko." tudyo ni Taylor at lalo siyang tinitigan ng maigi. Umiwas naman siya ng tingin at tinignan na lang ang mga baby na nasa incubator. Pero walang effect dito ang pagpo-poker face nya, dahil unti-unti nya nang nararamdaman na nag-iinit ang pisngi nya.

"Parang sira. Nasa hospital tayo mamaya ka na magpa-cute." natatawang sabi nya at lumayo rito. Agad naman itong napahawak sa kamay nya at hinila siya sa upuan na katabi ng mag-asawang Raven at Vlad na tahimik na nagmamasid lang sa kanila.

Ngumiti si Taylor sa kanya na ikinabahala nya. Ano na naman ba ang nasa isip nito?

"May naisip akong gawin." pasimula ng nobyo na ikinalundag ng puso nya. Sinasabi na nga ba nya may kung anong kalokohan na naman 'tong naiisip.

"Habang hinihintay natin sila Heather, patagalan tayo ng pagtitig. Ang unang pumikit, talo. Hmmmm.. Ano bang magandang parusa?" tanong nito at tumingin sa mag-asawa.

"Kiss sa lips." agad na sagot ni Vlad. Mahinang tumawa naman si Raven na mahinang siniko ang asawa.

"Magkaibigan nga kayo."iiling-iling na tanong nya.

"KJ." sagot ni Vlad at agad ding tumayo nang lumabas si Trace sa pinto ng Delivery Room. Latang-lata itong napa-upo sa tabi nila, bukas pa ang ilang botones ng polo shirt nito at pawis na pawis.

"How's Heather?" tanong ni Vlad sa bayaw, ilang segundong hindi nakasagot si Trace na waring nauubusan nang lakas. Kinakabahan namang hinintay na lang nila ang sagot nito.

"She's okay, tinurukan muna siya ng pampatulog para makapagpahinga muna." sagot nito na sinabayan nila ng buntong-hininga.

"Yun na ang pinaka nakakatakot na naranasan ko sa buong buhay ko." sabi ni Trace na ikinatawa ni Vlad at Taylor. The two obviously encountered that. At sa kung saan ay bigla siyang nainggit kay Kelly.

Nasa tabi kaya nito si Taylor noong manganak ang babae?

"Feeling ko mamamatay na ako sa kaba at takot. I was dead worried to my wife at sa mga anak namin. And that was also the first time I heard Heather cursed."

"Same here, bro." sagot ni Vlad at tumingin sa asawa. "Mas gugustuhin ko pa na makipaglaban sa mga terorista sa Iraq kesa maranasan ulit yun."

Natatawang pinalo ito ni Raven at binigyan ng warning look bago tumingin sa kanya na waring inoobserbahan ang reaksyon nya.

"It's okay, Love. Mas maganda na sabihin na rin natin kay Amber ang totoo, she's part of our family now." nakangiting sabi ni Vlad at lumapit sa kanya. Naguguluhan namang napatingin siya kay Taylor na masuyong hinawakan ang baywang nya. Bumaling ito kay Vlad at tumango rito. Nakita nya pang tumingin muna si Vlad sa asawa saka bumaling uli sa kanya.

"Pamilya na ang turingan namin sa isa't-isa, higit sa lahat, alam mo na yan dahil pinsan namin si Taylor. At dahil ikaw ang minahal nya, nauunawaan namin na dapat din na ipagkatiwala namin sayo ang sikreto naming mag-asawa." umpisa ni Vlad at inabot ang kamay ng asawa at sabay na humarap sa kanya.

Taylor and Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon