Taylor POV:
"Can you slow the melody, kuya Eric? Kaunti lang." sabi nya nang nakasalang na siya sa loob ng booth.
Nasa recording studio na sila kasama ang kuya Eric nya at si Amber para i-record ang collaboration song nila. Wala namang part sa kanta ang kambal na kapatid nya, pero dadaan daw ang dalawa sa studio para manood at kung kakailanganin ng opinyon nila.
Kakatapos lang nina Eric at Amber pakinggan ang buong kanta. At so far, wala pang komento si Eric.
"Okay, about the song, gaya ng narinig nyo, di pa talaga siya yung pinaka-tono ng kanta. Iibahin yung ibang part, kasi medyo lame. So I'll try the first verse now, tapos tignan nyo kung ano mas maganda sa dalawang version." sabi nya na tinanguan lang ng dalawa, kaya nagsimula na uli siyang kantahin ang first verse.
♫♪♫ Waking up this morning, Thinking this can't be real
But they say there is nothing love can't heal
Why don't you come on down, So you can feel what I feel ♫♪♫"Tay' you should try the whispering thing on the line This can't be real and love can't heal." sabi ni Eric at tumingin kay Amber na katabi nitong nanonood sa kanya.
"I think so too." sabi naman ni Amber na may nakakabit na headphone sa tenga nito para mas mapakinggan ang boses nya. Sinunod nya naman ang dalawa at kinanta uli ang first verse. Nang matapos ay sabay pang ngumiti ang dalawa sa kanya. Pinatugtog ni Eric ang part na kinanta nya para mapakinggan nya kung magugustuhan nya o hindi. Tumango lang siya at kinuha ang maliit na bote ng tubig na naroon.
"I think that's great. Let's proceed on refrain." sabi nya at pinagpatuloy ang pagkanta.
♫♪♫ Sitting all alone in this place, Even though we're here face to face
There is nothing gone, But there's something wrong ♫♪♫Pagtapos ng line ay pinatay uli ni Eric ang tugtog at nagkumento uli.
"Power voice on the last line." sabi nito.
"The whole line?" he asked.
"No, only on the wrong word." sabi ulit nito na kinanta ang last line para ma-point ang sinasabi nito. Tumingin naman siya kay Amber na umayos ng upo. Kinanta nya naman ang last line ng refrain.
"Not too powerful." sabi ni Amber at itinali ang buhok ng basta na lang na ipinusod, tapos ay nilagay uli ang headphone sa tenga. "Sa tingin ko mas maganda kung medyo i-mellow mo siya ng kaunti, gaya ng ginagawa mo sa mga accoustic version nyo ng mga songs nyo."
"Okay." sabi nya at ginawa ang sinabi ng dalaga. Pinapakinggan na nila ang narecord nilang part ng biglang sumungaw sa pinto si Ridz na may dala-dalang laptop.
"Good Morning, Ridz" sabay na bati nila Amber at Eric. Sumaludo naman siya.
"Good Afternoon, guys." bati ng manager nila at inilagay ang laptop sa harap nila Amber at Eric. Sabay na tumingin pa ang dalawa sa relo ng mga ito.
"Sorry to interrupt you, but have you check your social media accounts?" tanong ni Ridz na sinenyasan siyang lumabas sa booth.
"Why?" tanong ni Eric na takang tumingin dito. Pinakita dito ni Ridz ang nasa screen ng laptop. At dala na rin ng curiosity nila ni Amber ay naki-tingin din sa tinitignan nito.
"Taylor and Amber are trending. Kalat na din ang video at pictures nyo na magkasama sa ibang social medias. What was this all about?" tanong nito na ikinatawa nilang dalawa ni Amber.
"Napagtripan lang naming kumain ng balot kagabi. Galing kami sa birthday ng anak ng kaibigan ko." sabi nya kay Ridz at tinignan ang mukha ni Amber na natatawa sa kinauupuan nito.
BINABASA MO ANG
Taylor and Me (Completed)
RomanceWhat happens when a long time fan meets his/her long time idol? Meet Amber de Asis, isa siyang fan ng isang banda noong highschool palang siya. Nag-aral siyang tumugtog ng iba't ibang instrumento at nagtayo ng sariling banda sa pag-asang makikita ng...