Chapter 4: GBA Recording

968 142 296
                                    

Taylor POV:

"Okay, thanks Ridz." Paalam ni Eric sa manager na nasa kabilang linya. Gumagawa sila ng kanta para sa comeback album ng banda nila, ang Mayday. Mayroon silang sariling recording studio sa GBA Recording Company, at apat na araw na ang nakakalipas mula nang gig nila ng gabing iyon.

"What was that?" kunot-noong tanong nya.

"May pinakita kaming video ni Jordan kay Ridz the day after our gig last Saturday at pinakita nya iyon sa management at..." natigilan ang kapatid at waring nakuha ang atensyon nito sa pyesang tinutugtog nya.

Ginagawa nya kasi ang pangalawang kanta na sinusulat nya para sa araw na yun. At sa totoo lang, malapit nang matuyo ang utak nya.

Hindi nya alam kung bakit atat na atat ang mga kapatid sa pagbubuo ng album nila. May dalawang buwan pa bago ang recording nila at nakaka-limang kanta na siya para sa buwan na yun.

"Hmm? Anong nangyari dun sa pinakita ni Ridz sa management?" tanong nya, hindi naman nito sinagot ang tanong nya at pinaulit sa kanya ang tinitipa nya. Nakatapos na sila ng kanta ay hindi na nito nasagot iyon.

Tumayo siya sa pagkakaupo sa harapan ng keyboard at pasalampak na dumapa sa sofa na naroon at pumikit. Tinignan naman ng Kuya Eric nya ang dalawang kanta na naisulat nya at kinapa iyon gamit ng gitara nito.

"Ako naman ang uuwi mamaya. Nami-miss ko na si Jasper." Nakapikit pa ring sabi nya. Sa apat na araw na naroon sila ay ang tatlong kapatid nya lang ang salit-salitan na umuuwi. Dinadalhan na lang siya ng nito ng damit na pamalit nya. Mabuti na lamang at meron doong banyo na pwedeng pagliguan at maliit na kwarto na matutulugan. Kung meron man siyang alalahanin ay yun ay ang batang iniwan sa kanya ng dati nyang asawa.

His son. Legally adopted son. May kasunduan sila ni Kelly na papayag siyang legal na aampunin ang bata, pero hindi na ito maghahabol ng kung ano sa kanya. Ang ex-wife na rin naman ang nagsabi na hindi na siya nito gagambalain. At siya na rin ang bahala sa lahat ng pangangailangan ng bata.

Yes. Sa panahon ng pagsasama nila ni Kelly ay nagawa nitong magtaksil sa kanya. At ni hindi nya alam kung paano nito ginawa iyon samantalang halos magdamag silang magkasama. Alam nyang hindi sa kanya ang bata. Dahil isang taon palang ng pagsasama nila ay hindi na sila magkatabing natutulog sa iisang kwarto.

Anim na buwan matapos ang unang anniversary nila ay pinilit nyang maayos ang pagsasama nila. Pero nang minsang galing siya sa pamimili ng grocery ay narinig nyang nagdududuwal ito sa banyo. Paglabas nito ay bigla itong nag-sorry habang umiiyak. Hindi man magsalita si Kelly ay alam nya ang nangyayari dito.

Habang nagpapaliwanag ang babae ay gusto nyang magalit, pero hindi nya ginawa. Nanaig pa din ang pagiging mabuting tao nya. Saan nga ba ito pupunta samantalang nag-iisa na ang babae sa buhay? Ang tanging sinabi lang ni Kelly ay hayaan na lang nya itong itago ang pagbubuntis sa pamamagitan nya.

Para siyang nabunutan ng tinik sa pangyayaring iyon. Kaya sa buong durasyon ng pagbubuntis ni Kelly ay naroon siya sa tabi nito. Ewan ba nya, hindi nya magawang iwan ang babae sa ganoong kalagayan nito. At dahil nagi-guilty si Kelly ay minabuti nitong makipag-divorce sa kanya pagkatapos makapanganak. Babalik na daw ang babae sa pagiging modelo, pero hindi daw nito isasama ang bata. Gusto raw nitong iwan na lang ang anak sa isang bahay-ampunan.

Hindi nya alam na ganoon si Kelly. Mas pinili pa ang sariling kagustuhan kesa sa anak nito. Kaya ng makapanganak ang babae ay sinabi nyang legal na aampunin nya ang bata. At ilang buwan nga pagkatapos noon ay ang pagpa-file nito ng divorce at siya naman sa adoption. Agad naman iyong ini-aprubahan ng judge.

Hinahatak na siya ng antok nang marinig nya ang boses ni Ridz, ang manager nila.

"The management likes them. And I already talked to their vocalist. Pumayag na silang mag-sign ng contract and they will be here later around 7pm para makilala ng management."

Taylor and Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon