Chapter 5: Welcome Party

959 143 294
                                    

"A penny for your thoughts." Nakangiting lapit sa kanya ni Taylor. Lumabas siya sandali at umupo sa isa sa mga bench sa labas ng GBA Recording kung saan ginaganap ang Welcome Party nila.

Pagkatapos ng presscon at ang pagpirma ng kontrata ng banda nila ay pinatugtog na sila bilang pagbubukas ng party na iyon. Parang walang katapusang pakikipagkamay at pagpapakilala ang nangyari nang mag-umpisa. May mga iilang artista din siyang nakilala na sumusubaybay din sa kanila.

Nasa kanila ang atensyon ng lahat. Kanina pa siya ngumingiti at kumakamay sa mga taong noon lang din niya nakilala. Sobra pa kasi sa warm welcome ang natatanggap nila. Kahit sa mga gigs nila ay bihira lang siyang nagtatagal.

"Nagpapahangin lang, hindi na ako makahinga sa loob." She grinned, umupo ang binata sa tabi nya at ngumiti.

"Bored?"

"I'm really not a fan of socializing" sabi nya.

"At vocalist ka ng lagay na yan ha."

"It's just me and my nonchalant era. Tulog pa yung OA side." Ngumiti siya at pasimpleng tinignan si Taylor. He's wearing a black body hugger shirt na pinatungan nito ng itim na coat at khaki pants. Strikingly handsome. He had an honest face, na kung magsisinungaling siguro ito ay hindi paniniwalaan.

"To be fair, I understand.Nakakapagod nga naman mag-socialize. Anyway, ready na kayo para mamaya?" tanong ni Taylor sa kanya. Ang tinutukoy nito ay ang pag-alis nila mamayang madaling-araw papuntang Isla Heatheria.

"Yeah. Nadala na din namin mga dapat dalhin." sabi nya. Tumango-tango lang ang binata pagkatapos.

Base sa kwentuhan ni Taylor at ng mga kapatid nitong nasa table din nila ay may-ari daw ang pamilya ni Heather ng isang yate, at iyon ang sasakyan nila papunta sa isla. Nakadaong iyon sa hindi kalayuan sa Manila Bay. Natawagan na din daw ni Taylor ang mag-asawa kaya maabutan pa nila ang dalawa bago lumipad ang mga ito papuntang Italy.

"How's your parents?"

"They're good.. I guess? They're currently out of the country. Sabi ko kapag hindi ako naka-uwi ng ilang araw, wag silang mag-alala, hindi naman kidnap 'yon."

"Ano lang?" tanong ni Taylor, his eyes on her, na parang hinuhuli nito ang tingin nya.

"W-wala, wala. Bigla ko naisip na corny pala." Bawi nya. Tumayo siya na sinundan din nito ng tayo at pilit pa rin na hinuhuli ang mata nya. Pigil ang ngiting tumingin siya rito.

"Try me." Sabi ni Taylor, iiling-iling naman siya at tinalikuran ang binata para bumalik uli sa inupuan nila. Hindi pa man siya nakakabawi ay nagsalita ang binata.

"You looked really lovely on that dress."

Namula siya. She's wearing a laced black puffy dress na ang dulo ay umabot sa tuhod nya. And her favorite white sneakers. Wala siyang kahit na anong make-up at burloloy bukod sa bracelet at hikaw nya.

"Thanks. You looked reallyyyyyy good too." Naka-ngiting sabi nya, tinaktak naman ni Taylor ang kinuha nitong isang kaha ng sigarilyo sa bulsa and subtly pointed one at her na sinagot nya ng iling.

"The way it sounds parang ayaw kong maniwala ah?"

"Luh? Gwapo mo kaya? Wag mong sabihin na di ka aware tatapon kita sa dagat mamaya." Sabi nya, natawa ang binata at bahagyang umurong palayo sa kanya.

"Okay lang?" alanganing-tanong ni Taylor, ang tinutukoy nito ay ang pagsindi nito ng sigarilyo.

"Of course. I mean, sure. Go ahead. I won't mind." Nagulat siya na naninigarilyo ang binata. Hindi naman sa bawal, parang hindi lang bagay dito ang manigarilyo.

Taylor and Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon