Chapter 21: First Attempt

411 40 53
                                    





"How are you and your Taylor?" tuksong tanong sa kanya ng mommy nya habang nag-aalmusal sila sa pool area ng umagang iyon. Nakita nyang umiling ang daddy nya habang nakaharap ito sa binabasang dyaryo.

"We're okay." tipid na sagot nya at naiiling ding sumubo ng kinakaing agahan.

It was fine and beautiful Sunday morning at nagugulat pa rin siya sa mga bagay na ginagawa ni Taylor para sa kanya. Mula nang naging sila, waring gumigising siya araw-araw sa isang puzzle. Gaya kaninang umaga, nagising siyang may note sa salamin ng tokador nya, galing iyon sa binata. Habang tumatagal ay pahirap ng pahirap ang mga binibigay nitong problem solving sa kanya.

Tatlong sets ng question iyon at kada sagot nya ay may isang lugar sa bahay nila kung saan naroon ang regalo nito na naghihintay sa kanya. Sa dalawang question ay dalawang panda stuffed toy ang nakita nyang nasa isang maliit na wrapped box. Isang blue at isang pink, may nakalagay sa damit nun na mga pangalan nila. The blue one named Taylor, and the pink one named after her. At ang huling regalo nya para sa araw na yun...ayun at nasa banyo. Napapalibutan ng yellow rose petals pagpasok nya doon. Isama pa ang mga nakasinding lavander candles na hanggang sa gilid-gilid ng bathtub ay mayroon. Napangiti siya, sinabi nga nitong liligawan siya habang-buhay, pero hindi literal na araw-araw. Kakutsaba nito ang mga katulong nila lalo na si Yaya Nelda na mula pa noong bata siya ay nakabantay na sa kanya. Botong-boto ang mga ito sa nobyo nya.

"Are you and him.....?" nag-aalangang sabi ng daddy nya na pasimpleng tumingin sa kanya. Pinanlakihan naman ito ng mata ng mommy nya.

"What?" kinakabahang tanong nya.

"You know, he's an healthy guy." sabi uli nito at binalik ang tingin sa binabasang dyaryo.

"Dad!" sigaw ng mommy nya dito na pinamulahan agad ng mukha.

"You know dad, i don't know if you're asking me if I already do the deed with him or you're asking me indirectly if I''m a V." amused at umiiling na sabi nya na lalong ikinapula ng mukha ng mommy nya. Naramdaman na rin nya ang pag-iinit ng mukha nya.

"Isa ka pa Amber Alison. Kayo talagang mag-ama." sabi ng mommy nya at pumasok na sa loob ng bahay. Sabay pa silang natawa ng daddy nya, pero maya't-maya lang ay sumeryoso ito.

"You know I like him for you, Sweetheart. But please, wag kayong mag-take advantage ni Taylor sa tiwalang yun. Ayaw kong magkasira kami ni Ruel dahil lang sa maaaring mangyari sa inyo." seryosong sabi ng daddy nya. Naalala nyang bigla ang daddy ni Taylor. Ibinigay nya ang numero ng daddy nya rito noong araw na nakilala nya ang matanda sa birthday ni Jasper. At kinabukasan nga ay bumisita ito agad sa mga magulang nya.

For almost a week ay halos hindi mapaghiwalay ang tatlo, lalo na ang parehong mga ama nila. The two seems to be good buddies in college, at ang alam nya mamayang hapon ay maggo-golf naman ang dalawa.

"Dad, hindi po ba masyadong maaga na pag-isipan nyo kami ng ganyan? Nasa getting to know stage palang kami."

"I'm only just reminding you sweetheart. Don't get me wrong hija, but Taylor is a guy too. And I really admired him for being so consistent on taking care of you. " sabi nito at uminom ng kape.

"Don't worry, Dad. Hindi po siya ganun.." maikling sabi nya.

Ilang beses nya na bang napatunayan yun? Palagi ay umiiwas sa kanya si Taylor kapag nararamdaman nyang lumalalim ang mga halik nito sa kanya. And it's kind of frustrating on her part. Ewan, pero yun ang nararamdaman nya. Pero di nya din maiwasang humanga pa lalo sa nobyo nya, self-control was never easy. Siguro'y nagiging maingat lang din ito pagdating sa kanya, at hindi nya alam kung dapat nya bang ipagpasalamat ang nangyari rito at kay Kelly. Of course it was connected to her, Kelly and Taylor's was a whirlwind romance.

Taylor and Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon