Chapter 25: Confirmation

377 25 29
                                    

TAYLOR POV:

"Yes, Taylor. Kumpirmadong si Kelly nga ang may gawa nito." sabi ni Raven sa kanya at tumingin kay Vlad na nagsindi ng sigarilyo at iniabot sa kanya ang isa. Naroon sila sa gilid ng pool umupo paharap sa mga kasamang nagkakasiyahan sa kabilang panig ng pool.

"One of my men were tracking Kelly's phone conversations now, and any minute na kontakin ni Kelly ang kakutsaba nya ay mate-trace agad namin." sabi ni Vlad at humithit sa hawak nitong sigarilyo, inihagis nito sa kanya ang lighter at sinindihan nya naman ang sigarilyo nya. Tumingin siya sa mga kasamang masayang nagkakasiyahan doon.

"Paano nyo nalamang si Kelly ang may pakana nito?" he asked and puffed his cigarette, tumingin naman sa kanya si Raven.

"We hacked all the CCTV's na malapit sa pinangyarihan ng dalawang atake ng mga salarin at isa sa mga CCTV na na-access namin ay sa isang coffee shop na malapit sa bar na pinagtugtugan nila Amber nung gabi ng ikalawang atake. Suot ng babae ang dinescribe mong hitsura at damit sa nakita ninyo ni Wayne sa babaeng sinabi nyong tumakbo palabas ng bar." sabi ni Raven at uminom sa hawak-hawak nitong watermelon shake at nagpatuloy, "Pumasok sa coffee shop ang babaeng dinescribe nyo at umupo sa isang lamesa kaharap ang isang babaeng sa tingin namin ay naka-prosthetics din. Pumunta ito sa banyo at makalipas ang ilang minuto ay lumabas si Kelly at umupo uli sa katapat na upuan ng kaharap. At dahil nakilala si Kelly ng ilang taong naroon ay mabilis na hinila siya ng babaeng kausap nito at umalis sa coffee shop na iyon."

Napatingin siya kay Amber at sa mga kapatid na iginigiya ang nobya nya sa gazebo na naroon at doon nag-usap, mukhang may sasabihing importante ang mga kapatid kay Amber dahilan para lumayo pa ang apat sa mga kasama nila. Narinig nya namang bumungisngis si Raven na nakatingin din pala sa tinitignan nya.

"Relax, Taylor. Kung titignan ka parang gusto mo agad sundan ang mga kapatid mo at si Amber doon. Huwag kang mag-alala, sinabi lang siguro nila Eric kay Amber ang suggestion ng mga kapatid mo para sa inyong dalawa." sabi ni Raven na pigil ang ngiti.

"What do you mean?" tanong nya.

"Sila ang naunang nag-suggest na dapat ay kami ang magsasabi sa inyong dalawa. Yun din ang nasa isip namin ni Vlad nang narinig namin ang nangyayari kay Amber. Pero mas maganda kung sila ang magsasabi, after all..they are your brothers. Mas may epekto iyon kay Amber." sabi ni Vlad at kumindat sa kanya. Tumingin ito sa asawa na umiiling na tumingin naman sa gawi nila Amber.

"Epektong ano?" kunot-noong tanong nya. Gustong-gusto nya nang puntahan ang nobya. Shock na shock kasi itong nakatingin sa mga kapatid nya, natatawang tumingin naman sa kanya si Raven. Patayo na sana siya sa kinauupuan nila nang matanaw ang paparating na sina Trace at Heather.

"Mamayang madaling-araw, lilipad kayo ni Amber papunta sa Isla." sabi ni Trace at inalalayan ang asawa paupo sa tabi nya, umupo naman ang lalaki sa likod ni Heather at pinaikot ang braso nito sa baywang ng babae.

"Dun kayo pupunta ni Amber, magtatanan na kayo mamaya." nakangiting sabi ni Heather at hinawakan ang braso nya. Gulat na napatingin naman siya sa babae na wari'y tinitignan kung nagbibiro ito o hindi, pero nakangiti pa rin ito at tinatantya naman ang ekspresyon nya. Natatawa namang tinignan sila ng tatlo.

"Anong kalokohan ang sinasabi nyo? Bakit kailangan naming magtanan ni Amber at pumunta sa isla?" naguguluhang tanong nya sa dalawang pares na katabi, bumungisngis naman ang dalawang babae.

"Relax will you? Pakinggan mo muna kasi ang plano." pigil ang ngiting sabi ni Vlad na mahinang pinalo ni Heather sa braso, medyo napalakas kasi ang boses nito.

"This is a trap, bro. Gagawin natin 'to para ma-lure natin si Kelly at ang kasabwat nya." dagdag na sabi ni Vlad na pinababa ng kaunti ang boses, nakita nya namang naglakad na uli pabalik sa mga kasama nila si Amber at ang mga kapatid nya. Wala na ang shock sa mukha ng nobya, pumalit roon ang tipo ng ngiting halatang may tinatagong lihim. Natawa siya bigla. That was the first time he saw that smile, at sigurado siyang kung anuman ang pinagkausap nito at ng mga kapatid nya ay pumayag na ang nobya. And since ang mga kapatid nya ang nag-suggest nito, nasisiguro nyang hindi pababayaan ng tatlong kapatid nya ang mga nakabinbing TV Interviews ng banda nila, ang mga gigs naman nila ay sabay na ini-hold ni Ridz dahil sa nangyaring pag-atake kay Amber noong huling gig ng banda nito, kaya magiging open ang schedules nilang dalawa.

Taylor and Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon