Chapter 22: Second Attempt

428 37 52
                                    



"Pwede na ba nating itigil ito?" tanong nya kay Taylor, nasa sasakyan sila papuntang Quezon Avenue dahil may gig sila ng gabing yun. It was a rainy Saturday night.

From Take the Walk campaign nila Taylor at Album promotions ng banda nito ay uuwi lang ang nobyo sa sariling bahay para sunduin si Jasper tapos ay didiretso na sa bahay nila. Dun na din minsan natutulog ang mag-ama sa katabing guestroom ng kwarto nya at sa ibabang guestroom naman sina Charles at Blaire. Kaso mas madalas ay naaabutan nyang sa sala natutulog ang tatlong lalaki, except kay Jasper na minsan ay itinatabi nya sa kama nya.

Nag-alok na rin ng tulong ang mag-asawang Raven at Vlad kung sakaling kakailanganin nya ng Professional Security, pero may feeling siya na hindi lang basta mga guards ang ipapadala ng dalawa. Tinanggihan nya yun dahil sa tingin nya ay di naman aabot sa kung ano ang dapat nilang i-expect. It's been almost a week mula nang may nagpadala sa kanya at  nakakahiya na rin sa mga kaibigan nya at kay Taylor. Nagprisinta pa rin kasi ang tatlo na babantayan siya kahit may dalawang guards nang kinuha ang daddy nya. Gumagaan lang pag pumupunta din si Nicole sa bahay nila at kapag naisasama ni Taylor si Jasper, in that way nawawala sa isip nya na binabantayan siya ng tatlo. Kulang na lang kasi pati sa kwarto nya ay sumunod ang mga tatlo.

"Itigil ang alin?" tanong ni Taylor at tumingn sa kanya.

"Itong pagbabantay nyo sa akin. Hindi naman sa nasasakal ako, wala naman kasi akong lalakarin kundi sa mga gigs lang eh. Madalas sa bahay lang ako, and I don't think kailangan nyo pa rin akong bantayan pati dun." sabi nya at nilingon ang mga kabanda nyang nasa likod ng van.

"Wag mo kasing isipin na binabantayan ka namin." sabi ni Charles na inakbayan si Nicole na tumango-tango.

"Oo nga,  baka malay mo  tumityempo lang sayo ang may kagagawan nito. Mabuti na yung handa tayo." dagdag ni Blaire.

Taylor sighed. Hininto nito saglit ang sasakyan sa tapat ng isang sikat na coffee shop at bababa na sana nang pigilan ito ni Nicole at Charles. Nakasanayan na kasi nilang dumaan sa mga coffee shops at convenience store bago pumunta sa venue ng gig. At dahil may sakit ang driver nila, si Taylor ang nagprisintang mag-drive sa gabing yun. Feeling nya nagkaroon siya ng instant all around bodyguard-manager.

"Babe, kung hindi namin gagawin 'to, mag-aalala lang kami. Atleast kung makakasama ka namin, mapapalagay kami. Saka, ayaw mo nun? Hindi ka na palaging nag-iisa sa bahay nyo." nagpipigil ang ngiting sabi nito at tinignan ang tatlong unggoy na kabanda nya sa likod na tahimik lang na nakikinig sa kanila.

"And besides, palaging wala sila Mommy Gretchen at Daddy Arnulfo. Mas mapapalagay sila kung nandun din kami." nanunuksong dagdag ng nobyo sa kanya.

"Mommy at Daddy?" amused na sabi nya rito. Tito at tita kasi ang tawag ni Taylor sa mga magulang nya.

"Hmmmm. Ayaw mo ba?" balik na tanong sa kanya at tinitigan siya sa mata.

"Huwag mo ngang iligaw ang topic." natatawang sabi nya. Infairness, na-distract siya bigla. Yun kasi ang naiimagine nya kapag pumupunta ito sa bahay nila kasama si Jasper. Him as her husband, and Jasper as his son.

"Hindi kita inililigaw. Ang amin lang, isipin mo na lang na parang ealang nangyari, na walang threat." sabi nito at hinawakan ang kamay nya.

"Tama si Taylor, Amber. Isa pa, hindi abala sa amin yun. We love to hang-out. Nag-e-enjoy naman kami sa pagtambay, ang sarap kaya nung mga food trip natin." sabad ni Blaire na nabatukan ng mag-nobyo.

"Hoy ano ba! Masakit yun ha!" sabi nito na hinimas ang ulo na natamaan, patuloy naman sa pagpalo si Nicile sa  braso nito.

Nang makarating sila  sa venue sinabi  sa kanya ni Taylor na tumawag si Luna rito para manood daw ng gig nila. Kasama daw ng babae si Wayne na dumaan sa malapit na TV Station at may kinamustang artista na doon nagtatrabaho.

Taylor and Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon