Chapter 33: Surprises

445 15 8
                                    



"Bru!!" narinig nyang tawag sa kanya ni Nicole at dali-daling lumapit sa kanya, it's their album launch that night.

Isang buwan matapos ng nangyari ay tinawagan siya ni Ridz para itanong kung maari na silang bumalik uli sa dati. Ayaw nya pa sana, dahil mahigit isang linggo na ang nakararaan mula ng ilabas si Taylor sa hospital ay hindi pa rin nya nakikita o nakakausap man lang ang nobyo.

"Buti nakaabot pa ako. Asan si Charles?" hanap ni Nicole sa fiancé nito, agad na tinuro nya ang lalaki na masayang nakikipagkulitan sa mga kabanda nila. Tinignan lang ng bestfriend nya ang lugar kung saan naroon ang boyfriend nito at tumingin uli sa kanya.

"Bakit nag-iisa ka dito? Bakit malungkot ang Disney princess na yan?" tanong ng kaibigan na kumuha ng buong atensyon nya, and then narealize nyang nasa bar sila kung saan sila unang nagkakilala ni Taylor.

Déjà vu! Ganito ang nangyari sa kanila ni Nicole noon!

"Hoy! Anong nangyayari sayo? Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong sa kanya ng kaibigan.

"Wala ka bang...Hindi mo ba napansin na parang nangyari na 'to? Dito din sa bar na 'to, eto yung lugar kung san natin unang nakilala si Taylor di ba?"

"Dito ba yun? Hindi ko na maalala. Ano nga palang balita dun, nagkausap na ba kayo?" tanong ulit sa kanya ni Nicole, bahagya naman siyang umiling rito. Bumuntong-hininga naman ang kaibigan at tumingin sa likod nya. Nang sundan nya ang tingin nito ay palapit sa kanila si Charles.

"Amber, mag-start na daw yung show. Pumasok na tayo." yakag sa kanila ni Charles at umakbay sa fiancée nito, nang magkatinginan lang sila ni Nicole ay si Charles naman ang napa buntong-hininga.

"Seriously girls, tayo na sa loob." natatawang sabi ng lalaki na lalong nagpaiba ng nararamdaman nya. Weird, bakit may feeling siya na nasabi rin ni Charles yun noong panahon na una silang nagkita ni Taylor sa lugar ding yun?

"Oh, bakit ganyan ka makatingin sa akin?" tanong ni Charles sa kanya.

"I feel...weird." sagot nya at tumingin sa dalawa. Alam nyang hindi dahil sa kundisyon nya kaya nya nararamdaman iyon, dahil alam nyang meron talagang kakaiba sa nangyayari ng oras na yun.

"Kailan bang hindi? Hay nako bru, huwag mong sabihing kinakabahan ka sa performance nyo ngayong gabi?" tanong ni Nicole sa kanya na sinagot nya ng iling.                     

"Nako, buti naman. Tara dun na tayo sa table natin, nagsisimula nang tumugtog yung pangalawang banda." sabi ni Charles at iginiya na silang dalawa ni Nicole sa mesa nila.

"Ano kayang nangyari kay Taylor at bigla na lang hindi nagparamdam sayo? Sinubukan mo na bang puntahan sa bahay nila?" pagsisimula ni Nicole nang makaupo na sila, isa-isa namang tumingin sa kanya ang mga kabanda nya.

"Yeah. Wala daw siya dun. Maski si Jasper wala din. Hindi din alam ng mga katulong kung nasaan siya, natanong ko na rin sina Vlad. Ganun din ang mga kapatid at hipag nya, walang nakakaalam kung saan siya nagpunta. Nakaka-frustrate na." sabi nya at kumuha ng ilang tissue na nasa lamesa at pinagpira-piraso iyon. Inagaw naman sa kanya ni Blaire ang ilang piraso na nasa kamay nya.

"Hey, Amber! Hi guys!" bati nina Jake at Jordan sa kanila at isa-isa silang inapiran. Pagtingin nya sa likuran ng dalawa ay naroon ang mga asawa ng mga ito na isa-isa ring humalik sa pisngi nila. Kasunod ng mga ito sina Ridz at Eric na sumaludo sa kanila. Palihim na hinanap ng mata nya si Taylor.

"Hindi namin siya kasama, Amber. Hanggang ngayon hindi namin alam kung nasaan siya." sabi ni Jordan at tumingin kay Jake na abalang inaayos ang mga mesa at upuan katulong sina Blaire at Charles, gaya ng dati ay pinapahaba uli ng mga ito ang mesang pagsasaluhan nila.                   

Taylor and Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon