Chapter 10: Fireflies

653 97 194
                                    

"Meet Amber Alison de Asis. My beautiful girlfriend." sabi ni Taylor na hindi hinihiwalay ang tingin sa kanya at waring binabasa ang ekspresyon nya.

As if makakapag-react siya! Ayun at tila isa siyang na-estatwang naka-tingin lang din dito. Narinig nyang napasinghap ang mga babae kasabay ng pagsipol nina Eric at ng kambal. Sa gilid ng mata nya ay nakikita nya namang kinikilig si Nicole na sinasambunutan ang buhok nila Blaire at Charles.

Hindi pa siya nakaka-recover sa sinabi ni Taylor, ay masuyo namang hinawakan nito ang pisngi nya at hinalikan naman siya sa noo at sa tungki ng ilong nya, saka nito pinagkiskisan ang dalawang ilong nila at iniumpog ang noo nito sa noo nya, creating the most adorable gesture na napapanood nya lang sa mga paborito nyang romantic movie.

At, at... Hindi siya makahinga!

"Oh my God!" kinikilig na sigaw ni Nicole with matching tili habang hawak na nina Blaire at Charles ang dalawang kamay nito. Sabay-sabay namang napa-takip ng bibig ang ibang mga babae na nagpipigil ding mapatili.

At siya? Ayun, estatwa pa din.

"Breathe, Honey. Alam kong ayaw mong ipaalam sa kanila, pero paano ko maitatago? Wala namang dapat itago sa kanila di ba?" tumingin si Taylor sa mga kasama at isa-isang tinignan ang mga nasa harap. "Sorry, guys. Bago palang sila Amber sa GBA, ayaw namin na maging issue ito. Kaya kung maari sana, i-sikreto na lang natin itong nalaman nyo." sabi uli ni Taylor at hinawakan ang kamay nya. Masuyong tinignan muna nito iyon, bago hinagkan. Nakaramdam siya ng maliliit na boltahe na parang kinukuryente siya. Shocked and amazed, huminga siya. Para siyang matagal na nasa ilalim ng tubig na nangangailangan ng oxygen.

Come on, Amber. Read between the lines! sigaw nya sa isip at tumingin kay Taylor.

"Totoo ba ito, Amber?" Hindi pa ding makapaniwala na tanong ni Queenie. Magkadaop pa ang palad ng babae na parang nagdadasal sa harap nila.

"Y-yes." nauutal na sagot nya. Gulat na napatingin naman sa kanya si Taylor. Hindi siguro nito aakalain na makakasagot agad siya. Kung ano man ang rason nito ay handa nyang pakinggan mamaya. Malaki ang koneksyon ng nangyayari sa pagdating ng apat, at yun ang gusto nyang malaman.

Tumingin siya kay Taylor na humawak sa baywang nya, para siguro makalma siya ng kaunti. Tumikhim naman siya para matanggal ang tensyong nararamdaman nya. Pero bago pa siya nakapag-salita ay inunahan na siya ng binata.

"Medyo mabilis din kasi ang pangyayari sa aming dalawa eh. Basta hindi ko na i-elaborate, okay? Ibalato nyo na lang sa amin ni Amber ang nangyari. Ang mahalaga, alam nyo na ngayon at sobrang ipagpapasalamat namin kung magiging sikreto lang muna sana ito sa ngayon. Kami na ang bahalang gumawa ng paraan ni Amber kung paano namin ipapaalam sa media." Mahabang sabi ni Taylor na nakatingin lang sa mga nasa harap nila. Synchronized namang nagsi-tanguan ang mga ito. Tuwang-tuwa naman si Nicole na palakpak ng palakpak sa tabi nila Blaire at Charles. Lagot siya mamaya, nakikinita nya nang ihahampas siya nito sa pader kapag nakalapit ito sa kanya.

"Pero curious ako, Kelan pa nagsimula? I mean, lagpas 1 week palang kayo nagkakilala di ba?" tanong ni Kim na ngiting-ngiti na nakatingin sa kanila.

"Hush Kim, hindi na komportable si Amber oh." natatawang awat ni Eric sa hipag na halatang madami pang itatanong. Lumabi na lang ang babae at ngumiti sa kanila. Napatingin naman siya kay Taylor na nakatitig pa rin sa kanya habang hawak ang kamay nya na masuyong pinipisil.

We'll talk later. yun ang nababasa nyang mensahe sa mga mata nito. Wala naman sa sariling napatango na lang siya.

Naging masaya at animated ang kwentuhan nilang iyon sa pangunguna na rin nila Raven, Bella at Luna. Masayang kasama ang tatlo, nakaka-intimidate nga lang sa unang tingin pero gumagaan na din naman ang pakiramdam nya sa mga bagong kasama. Si Raven naman ay madaling pakibagayan. Palangiti kasi ang babae at masayang kausap.

Taylor and Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon