Chapter 31: Ring

268 15 8
                                    


'Nasa bayan lang ako kasama nina Nana Renya. Pinagluto na kita ng breakfast mo, eat a lot 'kay? Babalik ako agad. I love you.'

– Taylor.

Napangiti siya pagkabasa sa note na iniwan ni Taylor at tinignan ang pagkaing niluto nito na nasa mesa, masyadong marami iyon para sa kanya. Bigla nyang naalala sina Wayne at Luna. Nasaan na kaya ang dalawa?

"Aww, ang sweet talaga ni Taylor." sabi ng pamilyar na boses na bahagyang ikinagulat nya. Pagtingin nya sa likod ay naroon si Luna at nakangiting nakadukwang sa hawak-hawak nyang note. Tipid ang ngiti namang kumaway sa kanya si Wayne na nasa likod nito.

"Buenas estardes, Binibini." Wayne said to her and pull Luna closer to him, narinig nya naman ang bahagyang pagtawa ng dalaga. They're heartbreakingly looked good together. Gaya nina Heather at Trace ay namamahika na rin ata siya ng dalawa. Isipin nya palang, napapangiti na siya.

"Napakaaga para magmuni-muni ka, Binibini." sabi ni Wayne, the two mockingly smile while looking at her.

"Good morning din." ismid na sabi nya at umupo na. Inaya nyang mag-almusal ang dalawa at umupo na rin sa harapan nya.

"So kamusta kayo ni Taylor sa magdamag na wala kami? May nangyari bang....maganda?" simulang tanong ni Luna na ikinatigil nya sa pagsubo ng pagkain, pagtingin nya kay Wayne ay umiinom lang ito ng juice at parang balewalang nakikinig lang sa usapan nila. Nang bumalik ang tingin nya sa dalaga ay naramdaman nya na ang pamumula ng pisngi. Bakit ba kasi sa dinami-dami ng pwedeng itanong ay yun pa ang naisipan nito? Mas kaya nya pa atang sagutin kung paano lulutasin ang Global Warming.

"W-wala naman. M-maganda at maraming bituin kagabi kaya naman nag-ano... nag-stargazing lang kami. Kayo? Saan naman kayo nagpunta?" tanong nya naman at inilihis na ang usapan. Totoo naman ang sinabi nya. After ng nangyari sa kanila ni Taylor ay doon na sila nagpalipas ng gabi. Magkayakap na tinanaw nila ang langit hanggang sa makatulog siya. Paggising nya ay naroon na siya sa kwartong tinutulugan nya.

"Mas magandang hindi mo na malaman, binibini. Ayokong maeskandalo ang ating pagkakaibigan." sagot ni Wayne at tumingin kay Luna na namula na rin ang pisngi. Wayne chuckles and gently touch Luna's  hair as he brushed her cheeks. Napatingin naman rito ang babae and lovingly gaze at the man. Para siyang nanonood ng romantic film.

Wayne is a good man, she's sure of that. Nakikita at nararamdaman nya sa binata ang pagmamahal para kay Luna. Pero hanggang kailan magiging ganun ang dalawa? Paano kung sa susunod ay hindi na makabalik si Wayne at maiwan si Luna? Paano kung------

"May problema ba, Amber?" tanong sa kanya ng babae.

"Huh? Wala naman, wala. Bakit mo natanong?" balik-tanong nya.

"Kanina kasi nakangiti kang nakatingin sa amin. Tapos bigla kang sumimangot. May inaalala ka ba?" tanong ulit ni Luna sa kanya at kumuha ng baso sa kalapit na counter, agad na sinalinan naman iyon ni Wayne ng juice at sabay na umupo ulit.

"Sorry, wala 'to. Medyo kinulang lang siguro ako sa tulog." sabi nya at nginitian na ang dalawa.

Nang matapos silang mag-almusal ay tulong-tulong silang nagligpit ng pinagkainan. Lumipas ang ilang oras ay hindi pa rin dumadating si Taylor. Pinauna pa nitong pinauwi sina Nana Renya na wala namang sinabi sa kanya kung saan nagpunta ang nobyo, agad na nagpaalam ang katiwala na ipagluluto na sila para sa pananghalian.

"Come on, Amber. Babalik din yun si Taylor. Mas maganda kung mag-isip na lang tayo ng mapaglilibangan habang hindi pa siya dumadating." sabi ni Luna habang naglalaro ito at si Wayne ng chess.

Taylor and Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon