(Continuation...)
BELLA POV:
"You look good on that gown." sabi sa kanya ni Luna habang inaayos nito ang buhok ni Heather. Nasa condo unit sila ni Heather sa Makati, dalawa ang pag-aaring unit ng pamilya ng mga ito. Ang isa ay para kay Vlad kung saan nag-i-stay si Trace at minsan naman ay si Taylor kapag may gig ito kinagabihan.
Naiinggit siya sa klase ng pamilya at pamumuhay meron ang mga kaibigan nya. Kung tutuusin ay hindi naman mayaman ang pamilya nya. Nakapag-aral lang siya sa eskwelahang pinapasukan nina Vlad dahil sa sustento sa kanila ng ama nyang kahit minsan ay hindi pa nya nakikilala. Ang Mommy nya lang ang nagpalaki sa kanya.
"Salamat.. Kayo ring dalawa." maikling sabi nya at tumingin sa salamin na nasa harap. Tumingin naman sa repleksyon nya si Heather na nilalagyan na lang ng hair clips ni Luna.
"Ikaw, okay ka na sa hairstyle mo?" tanong sa kanya ni Heather, tumingin ito sa salaming nasa harap nya at tinignan ang pagkakaayos ni Luna sa buhok nito. Mukha namang nagustuhan ni Heather iyon at nakangiting tumingin kay Luna na inaayos ang pagkaka-make up rito ng make-up artist, at aaminin nya uli, magaling talaga ang mga kamay ng dalaga. Ayun na naman ang pamilyar na inggit na nararamdaman nya.
"Yeah. Okay na 'to. Mas bagay talaga ang French braid dito sa gown na suot ko. Ikaw, Luna? Hindi mo na talaga paaayusin yang buhok mo?" tanong nya at tinignan ang hindi pa naaayusang buhok ng dalaga. Ang straight at itim na itim na buhok nito ay hinayaan lang nitong nakalugay matapos i-blower.
"Okay na 'to. Hindi naman choosy si Trace. Saka kaya lang naman ako nag-ayos last year dahil na rin pinapaselos ko si Alex. Buti na lang effective yung ginawa namin ni Taylor, kaya lang sorry siya. He's too jerk to notice my worth, kaya bye-bye ang ending nya." natatawang sabi ni Luna.
"Tapos na ba kayo? Naghihintay na sa inyong tatlo ang mga... Oh my!" natutuwang sigaw ni Mrs. Monterforte nang makita silang tatlo. Isa-isa pa silang niyakap ng ginang at tinignan.
"Irina! Halika at tignan mo ang mga anak natin." excited na tinawag ng ginang ang kaibigan sa labas ng kwarto ni Heather. Maya-maya lang ay sumungaw na sa pinto ang ina ni Luna. Napasinghap ang babae ng makita sila.
"Matutuwang tiyak ang mga binatang naghihintay sa inyo sa labas." sabi ni Irina at tinignan si Luna nang may paghanga. Nagba-blush namang yumakap ang dalaga sa ina.
"Dalaga na talaga sila. Mahirap na din talaga ang tumatanda." sabi naman ng mommy ni Heather at hinawakan sa baywang ang anak na hinagkan naman sa pisngi ng dalaga.
"You're beautiful too, Bella. Bumagay sayo ang gown na suot mo." Bati sa kanya ni Mrs. Monteforte at hinagkan siya sa pisngi at pagkuwa'y niyakag na palabas ng kwarto ni Heather. Papunta na sila ng sala ng condo nang makita nya ang tatlong lalaki na naghihintay sa kanila.
The three looked mesmerized and contented sa kung ano man ang nakita ng mga ito sa kanilang tatlo. Naunang makabawi si Trace sa pagkamangha at inabot ang kamay ni Heather, palihim na nagtinginan naman sina Mrs.Park at Mrs.Monteforte..
"Bellissima" Trace said gently and kissed Heather's hand. sabay na tumikhim naman sina Luna at Vlad.
"Nagkamali ka ng inabot na kamay, Trace." sabi ni Vlad at pigil ang ngiting sumimple ng tingin kay Heather na namumula na ang mukha.
"Here's my hand, dear Romeo. Come here before the dog barks on you." sabi naman ni Luna at tumingin kay Vlad, marahang tumawa lang ang binata.
"Papalampasin ko yang pang-aasar mo, Brat. I was about to say something nice na sana, but never mind. Baka ma in-love ka pang bigla sa akin." Vlad smirked at tumingin sa direksyon nya.
BINABASA MO ANG
Taylor and Me (Completed)
RomanceWhat happens when a long time fan meets his/her long time idol? Meet Amber de Asis, isa siyang fan ng isang banda noong highschool palang siya. Nag-aral siyang tumugtog ng iba't ibang instrumento at nagtayo ng sariling banda sa pag-asang makikita ng...