Literal na nag shut down ang utak nya. Ramdam na ramdam nya ang pagtalon ng puso nya. Tama ba ang narinig nya?
Waring para siyang sumisid sa pinakailalim ng dagat. Habol nya ang paghinga. Nang tumingin siya sa mga taong nasa paligid nya, amused faces of Taylor's in-laws ang unang nakita nya. Nang tumingin siya kay Nicole ay parang maiiyak pa ito sa galak habang hawak-hawak ang cellphone na sa tingin nya ay bine-videohan ang nangyayari. Naramdaman nya naman sa balikat nya ang mga kamay nila Blaire at Charles na masuyong tinatapik iyon.
Nagsipulan ang mga taong naroon kasabay ng mga tilian ng mga babaeng nakiki-usyoso sa kanila. Sumunod na bumaba sa stage si Taylor at binigay ang hawak nitong bouquet ng yellow rose sa kanya na lalong nagpalakas ng tilian at sigawan ng crowd.
"Basahin mo yung note na andyan sa bouquet after ng song." Sabi nito at bumalik na uli sa stage. Nagtataka man ay napatango na lang siya kahit wala na ang kausap sa harap nya. Kinuha ulit nito ang tambourine at harmonica at ngumiti sa kanya.
"Sana magustuhan mo ito..Here we go, one, two, three.." sabi nito at nagsimula nang tumugtog.
The melody is superb.. Hindi ganoon kabilis pero masarap sa tenga, siguro dahil na rin sa pagtugtog nito ng harmonica. Taylor's really good at playing instruments. Feeling nya mapadikit lang ito sa kahit anong instrumento ay kaya nitong tugtugin.
Nang magsimula na ito sa first verse ay napahawak siya sa dibdib.
♫♪♫ Every single time I see you I start to feel this way
Makes me wonder if I'm ever gonna feel this way again
There's a picture that's hanging in the back of my head
I see it over and over.
I want to hold you and love you in my arms and then
I want to need you cause I need to be with you til the end
Then I hear myself reply you've got to hold it in
This time, tonight ♫♪♫
Tinamaan siya sa lyrics. Ito ba ang way ni Taylor para magtapat sa kanya? Naguguluhan siya. Gusto nya nang umasa, gustong-gusto nya na.
"Amber, alam kong natatakot ka. Pero kung hindi ka susugal, hindi mo malalaman kung ano talaga ang nararamdaman nya para sayo." Sabi sa kanya ni Charles at tumingin sa stage kung saan nakaupo si Taylor, tapos ay bumalik uli ang tingin sa kanya. "Gaya namin ni Nicole noon. Para kaming tanga, gusto na pala namin ang isa't-isa pero pareho pa kaming pigil na pigil. If he's worth the risk, go ahead. Huwag mong pagdudahan ang pinapakita nya sa'yo. Higit sa lahat kami ni Blaire ang unang makakaramdam nyan dahil lalaki rin kami." Mahabang sabi nito at tumingin kay Blaire.
"Hindi naman namin sinasabing maging aggressive ka, huwag mo lang pigilan ang nararamdaman mo." Sabi ni Blaire at tinanguan naman ng mga babaeng naroon. Engrossed na engrossed naman si Nicole sa pagkuha ng video kay Taylor habang kagat-kagat ang isang panyo sa kamay nito. Ang sarap batukan ng bruha, feeling ata nito, ito ang ginawan ng kanta.
♫♪♫ If only I had the guts to feel this way
If only you'd look at me and want to stay
If only I'd take you in my arms and say
I won't go cause I need you ♫♪♫
Tugmang-tugma sa nararamdaman nya ang lyrics na ginamit ni Taylor sa kanta. Pagtingin nya sa lalaki ay nakatingin lang ito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Taylor and Me (Completed)
RomanceWhat happens when a long time fan meets his/her long time idol? Meet Amber de Asis, isa siyang fan ng isang banda noong highschool palang siya. Nag-aral siyang tumugtog ng iba't ibang instrumento at nagtayo ng sariling banda sa pag-asang makikita ng...