"What?" hindi makapaniwalang tanong ni Nicole sa kanya at tumingin kina Heather at Raven. Bisita nya ang tatlong babae sa bahay nila dalawang araw pagkatapos ng gabing nagtapat sa kanya si Taylor. At sa apat na araw din na yun ay todo iwas siya sa bruhang bestfriend nya na pinaglihi sa anino na sunod ng sunod sa kanya.
Sabay na bumungisngis ang dalawa sa reaksyon nito, maski siya ay hindi makapaniwalang nasabi iyon kay Taylor.
"Nicole, dear. Calm down. It's a private joke sa pagitan nila Trace at Vlad. Unfair kung hindi pagdadaanan ni Taylor yun. Hindi nya ginawa yun nung nanligaw siya kay Kelly, kasi hindi nya naman niligawan yung babaeng yun" sabi ni Heather na nangingiting inakay si Nicole paupo sa tabi nya.
"Pero binasted nya si Taylor." Parang sasakit ang ulo ni Nicole na tumingin sa kanya.
"No Niks, hindi nya binasted si Taylor. Well, technically sila na. Hindi lang tuwirang um-oo si Amber." nakangiting sabi ni Raven na prenteng nakaupo sa harap nya habang umiinom ng juice. Tumabi naman uli si Heather rito at kumindat sa kanila ni Nicole.
Ipinagpasalamat nya na narito ang dalawa kundi kanina pa siya nakalbo ni Nicole. Tinawagan nya ang dalawa na tuwang-tuwa nang ibinalita nya sa mga ito ang nangyari. Alam naman na daw ni Taylor ang gagawin kaya sinabihan na lang siya na pupuntahan siya sa bahay nila ng araw na yun para sa ikahuling gagawin ng binata.
Sa dalawang araw ay consistent ang pagpapadala sa kanya ni Taylor ng bulaklak. Konti na lang magiging flowershop na ang kwarto nya, pero hindi ito nagpupunta sa kanila o dumadalaw sa recording studio nila, pero tumatawag naman ang binata at palaging nagme-message sa kanya. Bumalik naman agad ang mga magulang nya kinabukasan sa Cebu matapos magtapat ni Taylor sa kanya. Palaging tumatawag sa kanya ang Mommy nya na kinukulit na din siya na sagutin na ang binata.
Kahit alam nya na dadating sina Heather at Raven ay nagulat pa rin siya. Halos kakasikat palang din kasi ng araw at nakapantulog pa siya.
Saktong kakatapos lang nilang mag-breakfast at nagkukwentuhan sa sala nang dumating naman ang bestfriend nya na alam nyang mangungulit na naman, at yun nga ang reaksyon nito.
"Paanong naging sila? Eh hindi nga um-oo si Amber?" naguguluhang tanong nito at tumingin sa kanya. Kung wala lang sila Heather ay na-murder na siya ng kaibigan.
"Believe me Niks, Taylor already knows Amber's answer. Medyo lalagyan lang natin ng twist ang mangyayari." Sabi ni Raven at kinuha ang tumutunog na cellphone sa bulsa nito.
"Hello, Love? Malapit na kayo? Okay, sasabihin ko sa kanila." Sabi nito at binalik ang cellphone sa bag. Tumayo na ito at tinanong kung saan ang pool area nila. Nang masabi nya ay hinila na siya ng babae papunta roon. Sumunod naman sa kanila si Nicole na nakahawak sa baywang ni Heather.
"Malapit na daw sila, at sabi ni Taylor dito na lang daw tayo maghintay." Sabi uli ni Raven na hindi mapigilang ma-excite. Ngiting-ngiti naman si Heather na halatang nae-excite din sa mangyayari. Nagtatakang tumingin naman sa kanya si Nicole na nginitian nya. Nakita nya na kasing umaktong ganun si Taylor, and somehow natutuwa siyang gagawin ulit iyon ng binata.
"Kinakabahan ka 'no?" tanong sa kanya ni Raven, tumango naman siya na ikinatawa ni Heather.
"Si Vlad ang unang gumawa nun, pero si Trace ang nakaisip. Kaya nung niligawan ako ni Trace, hindi pumayag si Vlad na hindi rin gawin yun ng asawa ko. Kaya same goes to Taylor. I was so curious, kasi nangungulit sa akin si Raven na pagbigyan ko ang kagustuhan ni Vlad na silang dalawa ang bahala sa panliligaw ni Trace sa akin. At nung gawin ni Trace yun, hindi ko alam kung mahihiya ako o matatawa. Too bad, wala ako dito noong nanligaw ang kakambal ko kay Raven. And believe me Amber, it was the most hilarious, funniest and romantic courtship I had." mahabang sabi ni Heather at hinimas ang tiyan, medyo napakislot ang babae na ikinabahala nila, pero ngumiti lang ito at sinabihan silang sumipa lang ang bata na nasa tiyan nito. Alam nya ay pitong buwan palang itong buntis.
BINABASA MO ANG
Taylor and Me (Completed)
RomanceWhat happens when a long time fan meets his/her long time idol? Meet Amber de Asis, isa siyang fan ng isang banda noong highschool palang siya. Nag-aral siyang tumugtog ng iba't ibang instrumento at nagtayo ng sariling banda sa pag-asang makikita ng...