Chapter 20: Jasper's Birthday

411 41 46
                                    

Tatlong buwan matapos magtapat ni Taylor ay nag-celebrate sila ng first birthday ni Jasper at ginanap iyon sa bahay ng nobyo nya. At iyon din kasi ang araw na ipapakilala siya ni Taylor sa Daddy nito.

Kasalukuyan siyang tumutulong sa pagluluto ng nobyo nang dumating ang mga kapatid at hipag nito. Nagpaalam naman si Taylor na tatawagan ang ama dahil hindi daw kasabay dumating ng mga kapatid, tumango na lang siya at pinagpatuloy ang pagluluto.

Isinalang na nya ang spaghetti sauce nang pumasok sila Queenie at Kim sa kusina at nag-insist na tumulong. Ngumiti naman siya at sinabi sa dalawa ang gagawin.

"Where's Makie?" tanong nya nang magsimula na ang dalawa sa paghihiwa.

"Nasa labas kasama si Nicole, nilalaro si Jasper. I really love this. Bigla kong naalala nung nasa isla tayo." sabi ni Kim at tumingin sa kanya. "Sabi ko na nga ba, I have this feeling na makakasundo ka talaga namin."

"Aww, memories. Sana maisipan uli ni Taylor na isama uli tayo sa isla." dagdag naman ni Queenie at ngumiti sa kanya. "I'm glad you two figured it out already. bagay na bagay talaga kayong dalawa."

"Figured....what?" she asked.

"Girl, halata na kaya kayong dalawa nun. Yung mga pasimpleng tinginan nyo, yung kakaibang glow na uma-aura sa inyong dalawa kapag magkasama kayo. And mind you, I never saw Taylor na sobrang saya sa company ng isang babae. Not even his late wife." sagot ni Kim na kinuha naman ang carrots para hiwain. Sabay na tumawa naman sila ni Queenie.

"That's mean. Buhay pa si Kelly." natatawang sabi nya.

"Kim, seriously. Hindi ka pa rin ba nakaka-move on sa galit mo kay Kelly? And stop comparing Amber to that bitch." natatawa ding sabi ni Queenie na tumingin kay Nicole at Makie na kakapasok lang sa kusina.

"Where's Jasper?" tanong nya agad kay Nicole nang umupo ang kaibigan sa harap nya at tinikman ang frosting para sa cake na nasa malaking bowl. Pinalo nya naman ito ng hawak na spatula.

"Ito naman,  tinitikman ko lang, damot nito. Andun sa labas, karga ng labidabs mo... Can we help too?" tanong ni Nicole na tinanguan nya at tinuro ang nakasalang na sauce ng spaghetti para tignan iyon. Ibinigay nya naman kay Makie ang mga gulay para sa salad at pinaghiwa ito. Mga kaibigan ni Taylor at mga kapamilya lang naman nito ang dadalo sa party kaya nagpa-cater na ito ng ilang pagkain, mas maganda daw kasi kung may handa sila na personal nilang ginawa.

"Look who's talking, ako ang pinupuna mo dyan samantalang kung maka-bitch ka wagas." Kim rolled her eyes in amusement, pinukol naman ito ni Queenie ng naabot na grapes na nasalo naman nito.

"Si Kelly na naman ba ang topic dito? Kawawa naman yun, mina-murder nyo na namang dalawa." natatawang sabi ni Makie.

"Come on girls, it's Jasper's birthday. Mommy nya pa din ang pinag-uusapan natin." sabi nya na sinimulan nang lagyan ng frosting ang cake. Simpleng design lang naman ang gagawin nya. Yellow daw ang unang narecognized ni Jasper na color and there was a yellow star pillow in Jasper's room, at yun ang nakikita nyang madalas na hawak nito. So si Spongebob ang gagawin nyang design.

"Amber, we can't help it. And Jasper is Taylor's SON. Hindi kailanman nagpaka-ina si Kelly sa kanya." sabi ni Kim, iiling-iling naman sila Queenie at Makie at puzzled naman na tumingin sa kanya si Nicole. Hindi pa nga pala nito alam ang dahilan kung bakit naghiwalay sina Taylor at Kelly.

Sasagutin nya na sana si Kim nang marinig nila ang boses ni Eric. Parang may kaaway ito sa labas kaya dali-dali silang pumunta sa kung saan ang pinanggagalingan ng boses.

Taylor and Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon