Chapter 27: Magical

339 32 49
                                    

AN: Paalala ko lang po sa nagbabasa nito. RESTRICTED Chapter. Patnubay ng magulang ay kailangan. Bow.

"This is heaven." sabi ni Luna sa kanya nang magpasama ang babae na maupo sila malapit sa dalampasigan, may mga pinalagay na doon ang mag-asawang Trace at Heather na mga upuan na may masisilungan just in case may mga bisitang pupunta sa Isla. Kakatapos lang nilang mag lunch matapost manggaling sa paglilibot-libot sa buong isla at ngayon ay inaya na sila ni Taylor maglangoy sa dagat. Dahil kataasan pa ng araw ay inaya muna siya ni Luna na maupo roon. Tinignan ng dalaga ang mga nobyo nilang binabagtas ang kailaliman ng dagat. Tinuturuan kasi ni Taylor si Wayne kung paano mag-surfing.

"Mas maganda sana kung nandito tayo para magbakasyon, hindi para magtago kayong dalawa ni Taylor." dagdag na sabi sa kanya ng babae at inabot ang sunblock na nasa bag nito. Pagkuwa'y pinatalikod siya ng dalaga at nilagyan ang likod nya.

"Gusto kong magpasalamat dahil nag e-effort kayo para sa amin ni Taylor. Alam mo, buong buhay ko sila Nicole lang ang mga naging kaibigan ko. Hirap akong i-consider ang ibang tao dahil natatakot ako na baka iwan nila ako sa huli." mahabang sabi nya at humarap dito, ibinigay naman ni Luna sa kanya ang hawak na sunblock at sinenyasan siyang lagyan naman ang likod nito, tumalima naman siya at pinatalikod na ang babae.

"Ganyan din ako, Amber. As a model, bilang lang ang mga taong nakilala kong mapagkakatiwalaan talaga. Kung may mga tao man na mapagkakatiwalaan ko ng lubos, walang duda na sina Vlad, Heather, Taylor at Trace yun. Lagi silang nandyan para sa akin, tinuring talaga nila akong isang tunay na kapatid na babae. Kahit na ba sobrang sutil ko sa kanila." natatawang sabi ni Luna at huminto sa sinasabi at humarap sa kanya.

"Don't get me wrong, pinagkakatiwalaan ko rin kayong dalawa ni Raven,. Pero yung tiwala ko kina Taylor nasa ibang level." dagdag na sabi nito at kinuha sa kanya ang hawak na sunblock, kumuha ito ng kaunti at ipinahid sa sariling katawan.

"What about Wayne? Hindi mo ba siya pinagkakatiwalaan?" pigil ang ngiting tanong nya, natigil naman si Luna sa pagpapahid ng sunblock at tumingin sa direksyon nila Taylor, kasalukuyang nahulog si Wayne sa ginagamit nitong surfboard.

"Honestly may doubt ako. Hindi naman yung doubt na totally wala akong tiwala sa kanya. Hindi ko kasi alam kung hanggang kailan kami magiging ganito, kung hanggang kailan ko siya makakasama." sagot ng babae sa kanya at pinagpatuloy uli ang paglalagay ng sunblock. Ang sobrang sunblock na kinuha nito ay ipinahid sa kanya para naman malagyan nya rin ang ibang parte ng katawan nya.





"Bakit naman?" naguguluhang tanong nya, kung tutuusin ay halos hindi na nga mapaghiwalay ang dalawa.

"Basta, sinabi na naman sa inyo ni Vlad kung saan nya nakilala si Wayne di ba?" natatawang sabi sa kanya ni Luna at inabot ang juice na nasa tabi nito, umiiling-iling pa itong tumingin kina Wayne at Taylor na kumaway naman sa kanila. Sabay nilang kinawayan ang dalawang lalaki na ipinagpatuloy ang ginagawa.

"Try me." maikling sabi nya at tinignan ang reaksyon nito, seryoso namang tumingin uli ito sa kanya.

"Huwag na, hindi naman importante yun." sabi ni Luna at hinawakan ang kamay nya. Napabuntong-hininga siya at tinignan na lang ang babae na tumingin sa dagat at pinagmasdan sina Wayne. Waring nahulog silang dalawa ni Lunasa pag-iisip nang hindi napansin na mula sa kung saan ay sumulpot ang dalawang lalaki, dala-dala ang mga surfboard na ginagamit ng mga ito.

"Ang daya nyo, sabi nyo apat tayong lulusong sa dagat. Nakakailang rounds na kami ni Wayne, hindi pa rin kayo sumusunod." humihingal pang sabi ni Taylor at tumabi sa kanya, tumabi naman si Wayne sa nobya.

"Ninanamnam pa kasi ng magandang balat namin ang sunblock, kaya bumalik na kayo dun at susunod na kami." sagot ni Luna at marahang tinulak si Wayne na kakamot-kamot ng ulo.

Taylor and Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon