Chapter 32: The Chase

296 14 9
                                    

"Saan nyo ba ako dadalhin?" tanong nya sa dalawang babaeng nasa harapan matapos nyang pindutin ang singsing na binigay ni Raven sa kanya. Kung anuman ang silbi nun ay hindi nya alam, she just trusted Raven's word. Nakatali ang magkabilang kamay nya sa barandilya ng sinasakyan nilang speedboat, mabuti na lang at naisipan nyang gawing pendant ang singsing bago pa man sila makaalis noon papuntang isla.

"Anong gagawin nyo sa akin?" tanong nya muli at tinignan sina Kelly at Bella na galit na nakatingin sa kanya. Tumingin siya sa paligid, mabagal ang pagtakbo nila kaya alam nyang malayo na sila sa isla.

"Nasaan si Jasper?" tanong sa kanya ni Kelly at mariing hinawakan siya sa baba nya.

"W-wala siya sa isla. Hindi namin siya isinama ni Taylor dahil-----"

"Kung ganun wala sa isla si Jasper." putol ni Kelly sa mga sasabihin nya at binitawan ang pagkakahawak sa mukha nya. Bumaling ito kay Bellana nakamasid lang sa kanila.

"Relax Kelly. Kung wala man sa isla si Jasper, eh di mas maganda. Pag-planuhan na lang natin ang pagkuha sa kanya. Sa ngayon, uunahin na muna nating idispatsa ang babaeng yan." sabi ni Bella at ngumiti ng nang-uuyam, kinilabutan siya sa uri ng tingin na iyon ng babae. Pero hindi siya dapat panghinaan ng loob.

"Ano bang gagawin natin sa babaeng 'to?" tanong ni Kelly at kumuha ng sigarilyo at sinindihan iyon.

"Hindi ka ba nakikinig? Ididispatsa natin yan. May iba ka bang idea kung ano ang sinasabi ko?" pabalewalang sagot ni Bella at tumingin sa binabagtas nilang dagat. Hindi siya makapaniwala sa gustong ipahiwatig nito.

"Naloloka ka na ba? Ang plano lang natin, kukunin lang natin siya para takutin si Taylor." naguguluhang sabi ni Kelly at tumingin sa direksyon nya, nakikita nya sa mga mata ng babae ang pagtutol. At mula doon ay nakabanaag siya ng pag-asa.

"Nagbago na ang isip ko, dear cousin. Mas maganda kung makikita mismo ng mga mata ko kung paano siya mamatay. At sa ayaw at sa gusto mo, yun ang gagawin ko." sabi ni Bella at iniwas ang tingin sa kanya.

"Magpapahinga na muna ako, bantayan mong maigi yan. Kung hindi, ikaw ang malalagot sa akin." dagdag na sabi ni Bella kay Kelly at umupo sa tabi ng nagmamaneho ng speedboat. Lumapit naman sa kanya si Kelly at tumabi malapit sa kinatatayuan nya. Malayo-layo na rin ang tinatakbo nila nang magsalita ito.

"Hindi ko akalaing ganito ang gagawin ni Bella, Amber. Maniwala kang hindi ito ang gusto kong mangyari." sabi sa kanya ni Kelly na sa tono na siya lang ang makakarinig.

"Ang gusto ko lang ay ang mabawi ang anak ko." dagdag pa nito at tumingin sa gawi ni Bella na nakita nyang nagsuot ng sunglasses at wari'y naghahandang matulog.

"Kelly, nakikiusap ako. Kung yun lang ang gusto mo, sasamahan kitang kausapin si Taylor, matutulungan kita. Alam mo kung gaano kabait si Taylor, Kelly. Wag mong gawin 'to sa kanya. Huwag mong gawin 'to kay Jasper." sabi nya at tumingin sa mga mata ni Kelly, hndi nya alam kung mapapapayag nya si Taylor pero kung yun lang ang paraan para matulungan nya si Kelly, gagawin nya.

Bella was out of control, kung hindi ay wala sana siya dun ngayon. Atleast with Kelly, nakakatanaw pa siya ng kaunting pag-asa. Umiwas sa tingin nya ang babae at tumingin sa walang hanggang karagatan.

"Huli na para tulungan kita, Amber. Narito tayo sa dagat, at kung magagawa man kitang pakawalan ngayon, hindi ka rin makakaligtas kay Bella. It would be a suicide kung lalangoy ka, walang kalapit na isla na maari mong languyin mula rito. At malamang na hindi ka rin-------"

"I'm a good swimmer, Kelly. At aaminin kong yan ang naisip ko kanina nang sabihin ni Bella na papatayin nya ako." sagot nya at tumingin sa direksyon ni kung saan naroon ang babae. Mukha namang hindi nito naririnig ang pinag-uusapan nila.

Taylor and Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon