Chapter 28: Memories (Part 1)

323 26 32
                                    

"Shit!" galit na sigaw ni Bella at binato ang kopitang may laman na alak sa salamin, gulat na tinignan naman ni  Kelly ang repleksyon ng babae sa basag na salamin.

"Sigurado akong alam na ni Vlad at Raven na magkasabwat tayong dalawa, at ang biglaang pagpunta nina Taylor sa isla nila Trace ang naging sagot nito para hindi natin maabot ang dalawa! That son of a b**ch! Matapos nya akong ilang ulit na pahiyain noon, ngayon ay inilalayo nya naman sa akin ang kaligayahan ko!" galit na sabi nya at sinunod na binato ang bote ng whiskey na iniinom nila. Kasabay iyon ng pag-alala nito sa nakaraan.

"Vlad, hindi mo man lang ba sasagutin yung mga sulat sa'yo ng mga admirers mo? Kahit kailan, suplado ka." Narinig nyang sabi nang noo'y disi-sais anyos na si Luna. Naroon sila sa isang malaking puno ng mangga na nagsisilbi nilang tambayan kapag oras ng break nila. Nasa gilid na bahagi iyon ng malaking eskwelahan nila. At sa paibaba ng punong iyon ay mayroong isang malinis na ilog kung saan madalas na nagtatago sina Vlad, Taylor at Trace kapag tinatamad pumasok.

Si Luna ang tinuturing na Campus Queen ng eskwelahan nila. Sabi sa kanya ni Heather, nagsimulang mahilig si Luna sa pagmomodelo noon pang grumaduate ang mga ito noong grade school. 1st year high school na kasi sila ng makilala ang noo'y apat palang na magkakasamang sila Taylor, Luna at magkakambal na Vlad at Heather.

Nakilala at nakasama nila si Trace noong 2nd year high school na sila, ang sabi ni Vlad ay nakilala nito si Trace noong nagbakasyon ito sa Davao. At mula noon ay inaya na daw nito si Trace na doon na din sa Manila mag-aral, pumayag naman ang grandfather ni Trace na sinusuportahan ang apo sa desisyon nito. Madalas namang umuuwi si Trace sa bahay ng mga ito sa Davao upang dalawin ang lolo na nagmamay-ari ng isang malaking fruits and vegetable farm sa buong Davao. Sa ngayon ay nakatira ang binata sa apartment kung saan naroon din sina Taylor at Vlad.

Rich kids, mga sunod sa luho. Pero masyadong responsible ang tatlo kahit sa murang gulang palang. Mga pilyo man gawa ng pagka-bata ay hindi lumalampas sa limitasyon nila ang tatlong binata. At kinaiinggitan nya naman si Luna dahil pagmomodelo rin ang pangarap nya.

"Huwag mo akong kulitin, brat. Wala ako sa mood." Sabi ni Vlad at tumingin sa gawi nila ni Heather na katabi nyang nakaupo sa bench na naroon, kunwaring pinagpatuloy nya na lang ang pagbabasa ng istoryang kailangan nilang gawan ng summary para sa subject nila.

"Bakit hindi mo gayahin ang dalawang yun, tahimik na naka-upo habang nag-aaral." Dagdag na sabi ng binata  at kunot-noong tinuro sila ni Heather, inismiran lang ito ng babaeng katabi.

Mula noong 1st year palang sila ay nagkagusto na siya kay Vlad, ang mga mata nitong parang nakakalusaw kung tumitig ang gustong-gusto nyang asset nito. Kaya mula noon ay sumasama-sama na rin siya kay Heather, lalo na nang malaman nyang kakambal nito ang lalaking nagugustuhan.

"May kapartner na ba kayo sa sabado?" tanong ni Taylor na ang tinutukoy ay ang nalalapit na prom. Katabi ng lalaki si Trace  na nagbabasa rin ng binabasa nilang libro ni Heather. Sa ilang taon ni Trace sa Pilipinas ay nakakaintindi at nakakapagsalita na rin ito ng tagalog, pwera sa malalalim na tagalog na natututunan naman nito sa Filipino subject nila. Trace was pure Italian, at bilib din siya sa binata.

All of them excels in any subjects. At yun ang isa sa dahilan kung bakit kina-iinggitan ang samahan nila sa eskwelahang iyon. Good and brainy companions, idagdag pang campus heartthrobs ang tatlong lalaking kasama nila. Lahat silang anim ay pawang matatalino, iba nga lang ang magkakambal na Heather and Vlad na parehong naglalaban para sa pagiging Valedictorian ng huling taon nilang iyon sa high school.

"Heather's my partner." Maikling sabi ni Vlad at tumingin kay Trace na wari'y inaasar nito ang lalaki. Pigil ang ngiti namang umakbay si Taylor kay Luna at uminom sa hawak-hawak nitong lata ng softdrinks.

Taylor and Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon