"Wooooh!" sabay na nagsisisigaw at nagtititili sila ni Nicole pagkapasok na pagkapasok nila ng kwarto nya. Kakauwi lang nila galing sa gig kung saan sila tumugtog. Alam nyang kagaya nya ay kanina pa din nito pinipigil ang ngiti at kilig."Syet! Ikaw na talaga bru, ikaw na ikaw na!" kinikilig na sigaw ni Nicole. Masayang-masaya siya sa gabing yun, dahil hindi nya lang nakita sa personal si Taylor, nakausap at nakasama pa nya ang binata.
"Grabe bru, kung makikita mo lang yung mga tingin nya sa'yo. Yung mga pasimple nyang ngiti kapag nagsasalita at tumatawa ka. At ang pinaka the best dun? Nung nilapit nya yung mukha nya sa'yo para tignan ang mata mo. Kung hindi ako nahawakan ni Charles, malamang nagsisisigaw na ako sa kilig. Kala ko hahalikan ka ni Taylor. Syeeeeeet!" nagtatatalon na sabi ni Nicole habang tumitili. Umupo naman siya sa kama at tinakpan ng kamay nya ang mukha nya at sumabay sa pagtititili ni Nicole.
Aba, muntik na siyang atakihin sa puso nang ilapit ni Taylor ang mukha nito sa kanya nung oras na yun.. Buti na lang at agad na nagsilapitan ang mga kasama nito, kundi inilapit nya na din ang mukha nya sa binata para mahalikan ito.
Pero syempre joke lang 'yon, maglulupasay muna siya bago nya magawa yun.
Hindi man siya tumitingin kay Taylor ay aware na aware naman siya sa presensiya nito. Paano nya mababalewala ang lalaki kung mula nang dumating ang mga ito sa bar hanggang sa makauwi sila ay ramdam na ramdam nya ang malakas na pagkabog ng puso nya.
"So, anong pakiramdam?" nakangiting tanong ni Nicole, sabay bawi, "Dapat ko pa bang tanungin sa'yo yan? Ako nga itong kanina pa kinikilig, ikaw pa kaya. But infairness bru, pwede kang maging best actress sa galing mong magtago ng pagka-kilig mo."
"Anong sabi nila Charles?"
"Ano pa ba, e di kinikilig din ang tumbong no'ng dalawa." Umupo ito sa tabi nya at nagpatuloy, "Hindi kaya na-love at first sight siya sa'yo?" kinikilig na sabi nito with matching hampas sa braso nya, ibang klase talaga kiligin ang bestfriend nya.
"Agad-agad? Malay mo curious lang siya sa akin."
"Utot mo, nako ha, ginigigil mo kong babae ka. Kukunin nya ba naman ang number mo kung hanggang curiosity lang ang habol nun?"
"Desisyon ka bru. Malay mo naman baka gusto lang makipag-kaibigan." Napahiga nyang sabi. Hinampas naman siya ng kaibigan ng katabing unan at tumayo para kunin ang shoulder bag nito at naglabas ng pang-tulog nitong damit.
"Sige andun na tayo, gusto nyang makipag-kaibigan. Pero alam mo, iba talaga eh. Ang lakas ng chemistry nyong dalawa. Yung tipong, kahit umupo lang kayo ng magkatabi, may spark na agad na naki-create. Parang..." 'di na natapos ni Nicole ang nililitanya dahil binato na nya ito nang unan. Mas malala pa ang kaibigan mag-daydream kesa sa kanya.
"Bakit ba eh sa totoo naman. Yung dalawang unggoy nga kilig na kilig habang pasimpleng tumitingin sa inyong dalawa eh." Natatawang dugtong ng kaibigan at binato din sa kanya ang unan..
"Para ka kasing sira, ang layo agad ng tinatalon mo."
"Ito naman, Delusional na kung delusional. Try mo kayang maging open sa mga possibilities. Maganda ka bru, talented at sobrang bait pa. May mga babae pa nga na nagkaka-crush din sa'yo eh. At lalaki lang si Taylor para hindi makita yun."
"Reality check Nicole, anong panama ko sa ex-wife nyang sikat na ramp model sa Amerika?"
"And double reality check Amber, kakasabi mo lang. EX-WIFE. Past Tense. Wala na sa present at lalong wala na sa future. I mean, come on. Maganda nga si Kelly. Pero basehan ba yun para hindi ka magustuhan ni Taylor? Just look on the bright side, bru. Kelly is a man's girl of their dreams. Pero bakit sa hiwalayan sila bumagsak ni Taylor?" tanong ni Nicole. Nang hindi siya sumagot ay umupo uli ito sa kama nya at nagsalita uli, "Alam mo, hindi ko alam kung bakit naging vocalist ka, samantalang sobrang baba ng confidence mo sa sarili mo. Ewan ko ba sa'yo, kesa pababain mo ang sarili mo dyan, bakit hindi mo na lang i-enjoy yung pagkakilig mo." Tumayo na ito at nagtuloy sa banyo.
BINABASA MO ANG
Taylor and Me (Completed)
RomanceWhat happens when a long time fan meets his/her long time idol? Meet Amber de Asis, isa siyang fan ng isang banda noong highschool palang siya. Nag-aral siyang tumugtog ng iba't ibang instrumento at nagtayo ng sariling banda sa pag-asang makikita ng...