"Hoy! Kanina ka pa hinahanap nina tita." tawag sa kanya ng pinsan nyang lalaki nang sumilip ito sa kusina habang inaayos nya ang ibang handa nila na naluto na nya. Halos kaka-off nya lang ng cellphone nya dahil tumawag si Taylor para batiin siya. It's almost New Year at nasa labas na ang mga pinsan at kamag-anak nila na pinapanood ang mga naggagandahang fireworks sa kalangitan. Mga torotot lang ang binili ng daddy nya at ilang mga lusis na sinisimulan nang sindihan ng tito Augustus nya.
Lumipas ang Pasko na hindi sila nagagambala ng kung sino mang nanggugulo sa kanila. At dahil dun, napagpasyahan nila Taylor na mag celebrate ng Pasko at Bagong taon sa mismong mga pami-pamilya nila. Kinabukasan ng celebration ay sila naman magkakaibigan ang magtitipon-tipon at magkakasiyahan.
Noong matapos ang pasko at kina Heather sila nag-celebrate, ngayong matapos ang bagong taon ay gusto ng mga kaibigan na doon sa kanila ganapin ang celebration. HIndi naman tutol ang mga magulang nya dahil mas mapapanatag daw ang loob ng dalawa kapag naroon ang mga ito sa bahay nila.
Madaling-araw nang matapos ang celebration ng pamilya nila. Naka-apat na bote ng beer din siya kaya ramdam na ramdam nya ang pagka-hilo. Nagtimpla siya ng kape at dumiretso sa terrace ng kwarto nya. Nang makaupo na sa couch na naroon ay kinuha nya ang cellphone na nasa bulsa at binasa ang mga messages na naroon, ang iba ay galing sa mga kaibigan ni Taylor at ang iba ay galing sa tatlong kaibigan at dalawang kabanda nya.
Napatingin siya sa tatlong unread messages ni Taylor, nasa ikatlong message na siya nang mapatingin uli sa huling part ng text nito. Binasa nya uli para makasigurado siyang hindi siya naghahalusinasyon, pero hindi nagbago sa paningin nya ang huling nabasa nya.
Kakatapos lang ng celebration namin. Alam kong hindi ka pa matutulog. I can't sleep, I'm coming over. Let's watch some movies.
Tinignan nya kung anong oras nito nai-send iyon, na halos kaka-send lang nito. Kaya dali-dali siyang tumakbo sa banyo para mag-hilamos at mag-toothbrush, hindi pa nakuntento, naglinis pa siya ng katawan nya. Simpleng pajama set lang ang sinuot nya, kinalimutan nya nang magsuot ng mga nighties mula nang sinimulan ng tatlo ang pagiging all-around body guard nya. And trust her mom to be so conservative, ito ang bumili ng mga pajama nya.
Saktong nakapagbihis na siya nang maramdaman nyang may tao sa terrace ng kwarto nya. Kinakabahang kinuha nya ang gitara at nakahandang ihahambalos rito kapag pumasok ito sa loob. Huli na para tumakbo siya palabas dahil nasa sliding door na ang kamay ng taong nasa labas at binubuksan ang pinto, nagtago siya sa kurtinang nakatakip sa sliding door. Nawala lang ang kaba nya nang marinig ang mahinang tawag ng sa kanya ng lalaking nagbukas ng pintuan ng terrace nya.
"Babe..." tawag ni Taylor at tuluyang pumasok sa kwarto nya. Agad na binaba nya ang hawak na gitara at nilapitan ito.
"God, tinakot mo ako." sabi nya at niyakap ito. Natatawa namang humalik ito sa noo nya.
"Sorry, naka-lock na kasi yung mga pinto sa ibaba kaya dito na ako dumaan. Kamusta ang celebration?" tanong ni Taylor at humiwalay sa kanya. Dumiretso ito sa maliit na study table at kinuha ang laptop nya.
"Okay naman, masaya. Kayo?" She asked back at tumingin dito, kinuha ni Taylor ang tasa ng kape nya at inubos iyon. Nakalimutan na nyang inumin yun kanina dahil sa nabasa nyang text nito.
"Ayun, nalasing sila. Hindi naman kasi ako uminom ng marami. Balak ko kasi talagang pumunta dito ngayon." Nangingiting sabi ng nobyo at unti-unting lumapit sa kanya.
"Napag-usapan naman natin na dito tayo sa bahay nyo magse-celebrate kasama ang mga kaibigan natin, pero kung sasabay ako sa kanila na pumunta dito, hindi ko magagawa ang mga balak kong gawin sayo." Dagdag na sabi nito at pinag-umpugan ang mga noo nila at ikiniskis ang ilong nito sa ilong nya. Akala nya ay hahalikan siya nito pero naramdaman nyang lumayo ito sa kanya at kinindatan siya.
BINABASA MO ANG
Taylor and Me (Completed)
RomanceWhat happens when a long time fan meets his/her long time idol? Meet Amber de Asis, isa siyang fan ng isang banda noong highschool palang siya. Nag-aral siyang tumugtog ng iba't ibang instrumento at nagtayo ng sariling banda sa pag-asang makikita ng...