Chapter 7: First night..

762 104 185
                                    

"Hi, mind if I join you?" nakangiting tanong sa kanya ni Heather, kakatapos lang ng masayang hapunan nila at naisipan nyang maupo sa upuan sa labas ng bahay. Tanaw na tanaw doon sila Trace at Taylor na gumagawa ng bonfire at naglalagay ng mga blanket sa buhanginan. Ang tatlong magkakapatid naman ay naglalagay sa mga cooler ng mga iinumin nila. Ang mga kaibigan naman nya ang nagdala ng mga pagkain.

"No. Please have a sit." Nahihiyang sabi nya rito. Tumabi ang babae sa kanya at tumingin sa asawang kumakaway sa kanila. Kumaway din si Heather at ngumiti.

"Alam mo, I know this may sound rude, pero akala ko kanina, ikaw ang bagong girlfriend ni Taylor." ngumiti ang babae at hinawakan siya sa kamay. "Sorry.."

"No, it's.. it's okay." nahihiya pa ding sabi nya. Ngumiti ulit si Heather at binitawan ang kamay nya. Tumingin uli ito sa asawa, lovingly smiling at him kahit na hindi nakatingin sa kanila si Trace.

"Kinausap kami ng lihim kanina ni Taylor, at kanina lang namin nalaman ang tungkol kay Jasper. And I'm glad that he seemed to be moving on now. Or rather, naka-move on na." she sheepishly grinned at nagpatuloy, "Taylor is my cousin, Amber. Siguro nasabi na sa inyo yan ng magkakapatid, pero si Taylor ang pinaka-close sa amin ng kakambal kong si Vlad. Kaya nang magpakasal si Taylor at nanirahan sa Amerika ay labis kaming nalungkot. At higit kaming nasaktan nang nalaman naming naghiwalay na sila ni Kelly. As his cousin, I want what's the best for him too." nangingiting sabi ni Heather at tumingin sa dalawa na nang mga sandaling iyon ay napapalibutan na ng mga kasama nila. Andun na din sila Nicole.

"Mula noong nakipag-divorce si Taylor ay kailan lang siya uli nakipag-usap sa amin. At hindi miminsang naidasal naming mag-asawa na sana, mahanap nya na yung babaeng talagang mamahalin siya. Utang namin sa kanya ni Trace ang kung ano mang kaligayahan na nararanasan namin ngayon."

"How did you and Trace ended up together?" curious na tanong nya. Tumingin muna uli ito sa kanya at masayang ikinuwento nito sa kanya iyon.

Nasa kalagitnaan na sila ng pagkukwentuhan ng tawagin sila ng mga kasama nila. Magkahawak kamay naman silang tumayo at sumunod.

---------------------

Masaya silang nagkukwentuhan at nagkakatawanan ng mga past experiences nila nang biglang tumayo si Trace at Heather, magkahawak-kamay ang dalawa na pumunta sa gitna.

"We'd like to thank you guys. At sana maging maganda din ang simula ng pagkakaibigan natin." sabi ni Heather and gazed at Trace lovingly.

"So we'd like to propose a toast, to our new found friendship. At sana ituring nyo rin kaming hindi na iba sa inyo." Trace gently smiled at itinaas ang hawak nitong beer, ganun din ang ginawa nilang lahat.

Nang matapos ay nagpaalam sa kanila si Taylor na titignan daw si Jasper sa loob na sa oras na yun ay natutulog na, kasama ang yaya. Tinignan nya ang mga taong naroon. Magkakatabi sa tig-iisang blanket ang mga mag-asawa na naglalambingan na animo may mga sariling mundo. Sina Charles, Blaire at Nicole naman ay masayang nagku-kwentuhan at isinali sa usapan ang mag-asawang Trace at Heather.

Nang bumalik si Taylor ay dala-dala na nito ang isang wireless keyboard at ang acoustic guitar ni Eric. Agad namang kinuha ng nakakatandang kapatid iyon at tumabi uli sa asawa. Masuyong tumabi naman si Taylor sa tabi nya.

"Alam nyo naman na gumagawa kami ngayon ng comeback album, right?" tanong ni Taylor while randomly playing the keys. They nodded in return.

"I'm writing this particular song in my mind a while ago, when me and Amber were watching twinkle series. And I think I'm going to-----" hindi na naituloy ni Taylor ang sasabihin dahil nagsalita bigla si Heather.

"Wait, you watched my movie?" nagtatakang tanong ng babae. Half-amused, half-shocked.

"Yeah, it's not that bad like what I'd expected." he sheepishly grin. "But I still hate that sparkling part."

Taylor and Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon