Dalawang linggo matapos ang recording ng banda nila Taylor ay ini-schedule ang Album Launch ng banda sa isang malaki at sikat na restobar sa Quezon City. At dahil si Ridz ang nag-oorganize ng event, halos lahat ng GBA Artist ay naroon.Tatlong banda lang silang naka-line up na tutugtog sa gabing iyon. Ang bandang Dandelion na matagal na nilang nakakasabay sa mga gigs at isa sa tatlong banda na naka-kontrata sa GBA, ang banda nila at syempre ang banda nila Taylor na siya ring kahulihang tutugtog.
Pagdating nila sa venue ay wala pa ang sila Taylor, kaya kesa lumabas sa kinasasakyang van ay nag-soundtrip na lang muna siya. Nagpaalam naman sa kanya sila Nicole para kumuha ng maiinom nila sa loob ng bar.
Naisip nya si Taylor. Nang matapos ang recording ng collaboration nila ay dumalas ang pagpunta nito sa bahay nila. Hindi naman naaasiwa ang binata sa mga magulang nya dahil madalas na isinasama nito sila Nicole, Blaire at Charles. Nanonood lang sila ng kung ano-anong movie na mapag-tripan ng apat. Palagi rin itong dala si Jasper na agad kinatuwaan ng mga magulang nya. Tuwang-tuwa naman lalo ang mommy nya dahil madalas na ipinagluluto sila nito. Wala naman sinasabi ang daddy nya, pero palagi nitong nakakausap si Taylor, madalas ay tungkol sa parenthood daw ang pinag-uusapan ng dalawa. Atleast, hindi na ganoon ka-civil ang daddy nya rito.
Isang linggo mula nang tumambay-tambay ang apat sa bahay nila ay umalis uli ang mga magulang nya para sa business trip nito. Ganun pa rin ang naging routine nilang apat, basta pagkatapos ng recording ng banda nila ay doon na sila tumutuloy sa bahay nila. Minsan nga ay dun na nakikitulog ang tatlo. Except kina Taylor at Jasper, kinahihiyaan kasi ng binata na maki-tulog roon.
Naalala nya nang minsang tinamad siya magluto at bumili si Taylor ng snacks para sa kanila. Ice cream ang unang nakita nya kaya yun ang kinuha nya sa dala-dala nito. Kinarga nya si Jasper at umupo sa couch nila, sumunod naman ito na may hawak-hawak nang isang can ng softdrinks at tumabi sa kanya, kinuha naman nila Blaire ang paper bag na may laman ng ibang snacks, pumuwesto ang tatlo sa may carpet nila na basta saan na lang umupo.
Nakakailang subo na sila ni Jasper ng Ice cream nang walang sabi-sabing kinuha nito ang kutsarang ginagamit nila at yun din ang ginamit nito para makikain sa kanila ng Ice cream.
Indirect kiss!! kinikilig na sabi ng utak nya.
"Ang damot nyo ha. Binili ko 'yang Ice cream pero 'di nyo man lang ako inaalok ni Jasper." Sabi nito na sumubo uli sa hawak-hawak nyang kalahating galon ng Ice cream. Kumuha ulit ito at nilapit sa kanya para makakain siya, sinunod nitong subuan si Jasper na tuwang-tuwang nilalaro pa ni Taylor. Pasimpleng tumingin sa kanya ang tatlo na noon ay kumakain na rin nang dala ni Taylor. Kasalukuyan silang nanonood ng A Walk to Remember. Tragic-love story ang trip ng tatlong lalaki.
"Anong ginagawa mo?" tanong nya na pilit inaagaw dito ang Ice cream.
"Eh di kumakain ng Ice cream. Huwag mong agawin, hawakan mo na lang si Jasper para hindi masyadong malikot." Sabi nito at sinubuan ulit siya. Nag-baby talk pa ito para sabayan si Jasper. Pinigilan nyang mapangiti, ang cute-cute ng mag-ama habang ginagawa iyon.
"Alam mo Taylor, ang swerte ng babaeng magiging girlfriend mo." komento ni Blaire na nagpaubo kay Nicole. Masuyo namang hinimas ni Charles ang likod nito.
"Oo nga naman bro. Wala ka bang planong manligaw sa isang babae?" tanong naman ni Charles at tumingin sa kanya. At dahil sa biglaang tanong ay nawala ang atensyon ni Taylor sa kanila ni Jasper at tumingin kay Charles, inagaw nya naman dito ang Ice cream na hawak at patay-malisyang nanood na lang ng palabas, pumunta kasi si Jasper sa kandungan nito.
"Hoy mga Maritess ha. Pero oo nga, Taylor. May balak ka pa bang magkaroon ng mommy itong cute na cute na Jasper na 'to?" tanong ni Nicole at lumapit kay Jasper na bigla uling bumalik sa kanya.
BINABASA MO ANG
Taylor and Me (Completed)
RomanceWhat happens when a long time fan meets his/her long time idol? Meet Amber de Asis, isa siyang fan ng isang banda noong highschool palang siya. Nag-aral siyang tumugtog ng iba't ibang instrumento at nagtayo ng sariling banda sa pag-asang makikita ng...