Chapter 12: Tenuta Catalina

586 71 115
                                    

"Ma'am, nasa baba na po ang sundo nyo." Tawag sa kanya ng maid nila na sumungaw sa pinto ng kwarto nya habang nagsusuklay siya sa harap ng tokador. Kagabi pa siya namumublema sa isusuot, hanggang sa ibigay sa kanya ng mommy nya ang naipamili nitong pasalubong mula sa overseas trip nito.

It's a fitted white casual dress na umabot ng bahagya sa tuhod nya, at dahil hindi siya sanay mag sandals ay sneakers uli ang sinuot nya.

Nagmamadaling kinuha nya ang jacket at panyo ni Taylor na personal nyang nilabhan at ang regalo nya sa anak nina Vlad at Raven saka lumabas sa kwarto.

Kinakabahan siya. Ito kasi ang first time na may dadalaw sa bahay nila, of course di kasama doon ang mga kabanda nya.

Nasa hagdanan na siya ng saktong papasok ng bahay si Taylor, may dala itong isang bouquet ng white roses. Ang mga magulang nya namang nakaupo sa sala ay sabay na napatayo nang sabay silang bumungad sa magkabilang direksyon. Humakbang palapit sa kanya ang mga magulang nya.

"You look beautiful, Sweetheart." Sabi ng daddy nya at iniabot ang kamay nya, pero wala sa ama ang atensyon.

Taylor, as usual, looks good with his plain white polo shirt na naka-tupi ang sleeve hanggang siko nito, black jeans and sneakers. Nakangiti itong nakatingin at lumapit sa kanila.

"Good Afternoon, Ma'am, Sir.. I would like to formally introduce myself. I'm Taylor Daniel Evans, It's a pleasure po na makilala po kayo ng personal." Magalang na sabi ni Taylor at ginagap ang dalawang kamay ng magulang nya. Lihim na tumingin naman sa kanya ang Mommy nya na parang nanunukso. Tumikhim naman ang Daddy nya bago nagsalita.

"It's nice to meet you too, Mr.Evans. Marami akong naririnig na balita tungkol sa'yo.." sabi ng Daddy nya at tumingin sa kanya. She gently hissed. Natawa naman ang Mommy nya.

Of course hindi totoo yun, her dad wasn't even like watching celebrity news and such.

"Come on darling. It's our daughter's first date.."

"It's not actually a date Mom, a-attend lang kami ng birthday." Salo nya naman sa mga sasabihin ng Mommy nya. Tumingin naman ang Daddy nya kay Taylor.

"This is for you, Ma'am. " sabi ni Taylor at binigay ang hawak nitong bouquet sa Mommy nya. Lihim na napangiti ang ginang.

"So nice of you, Thank you." Sabi ng Mommy nya at inamoy ang bulaklak. Taylor looked pleased with himself.

"Thank you po sa masarap na carbonara na pinadala nyo po sa amin the other day. Nagustuhan po namin ng mga kapatid ko." He said, sincerity on his face.

"Salamat at nagustuhan nyo. " nakangiting sabi ng Mommy nya at ibinigay ang bulaklak sa maid nila para ilagay iyon sa vase.

"Take care of my daughter Mr.Evans." sabi ng Daddy nya, binigay na ang kamay nya kay Taylor. Inilagay naman ng binata ang kamay nya sa braso nito.

"Don't worry Sir. I'll take care of her." Sagot naman ni Taylor, the look on their faces are priceless. Parang nag-uusap ang dalawang lalaki sa pamamagitan ng tinginan nito. Gaya na rin sa kung paano mag-communicate ang mga babae sa body language. Her dad on his unusual and almost intense look na parang nagbibigay ng babala kay Taylor. While Taylor on the other hand, on his usual open-honest face. Reassuring, gentle and confident smile, but nonetheless, may ibang gustong sabihin ang tingin na iyon sa Daddy nya. Kaya nagulat pa siya ng ngitian ito ng ama at tapikin ito sa balikat.

"Please be home before midnight, Cinderella." Sabi ng Daddy nya sa kanya at iniakay na sila palabas at inihatid hanggang sa kotse ni Taylor. Nagtataka man ay sumunod na lang siya.

"Mag-ingat kayo sa byahe, Taylor." Sabi ng Mommy nya bago siya pasakayin ng binata sa passenger seat. Lumapit siya sa mga magulang at humalik sa dalawa. Lumapit naman si Taylor sa Mommy nya at hinagkan ang kamay nito, nakipag-shake hands naman dito ang Daddy nya.

Taylor and Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon