Chapter 3

121 8 1
                                        

Lumabas ako sa boutique na nakasimangot. Sobrang bait ko kasi alam niyo yon? Naka abot na ako sa food court ng mall sa kakalakad nang napahinto ako. Ewan ko kung bakit pero parang may nakalimutan ako. Nandito naman yung bag ko, wallet, and phone. Anong nakalimu---Hala!

"Si Neptune!"

Tumalikod agad ako para sana bumalik sa boutique nang nakita ko si Neptune na nakatayo sa may bandang likuran ko. I showed her my smile and peace sign. Talagang nawala sa isip ko na kasama ko pala si Neptune. Lumapit sya sakin sabay kurot sa braso ko.

"Arouch."

"Langya ka, nagthank you lang yung mukhang tipaklong na Andrew na yun nakalimutan mo na ko."

"Sorry naaaaaa! Tsk! Kasi naman eh! Gusto ko yung damit na yun eh!"

Kibit balikat na nakatingin si Neptune sakin.

"Kung sana sinabi mo kay Andrew na gusto mo yung damit. Yan mahirap sayo masyado kang mabait. Hindi mo pinaglaban yung damit diba? Pag hindi mo pinaglaban wala kang karapatang manghinayang pagnawala gets mo? Lika na maghahanap tayo ng mas bongga dun na damit."

"Mas bongga?"

"Oo yung abot hanggang leeg yung slit tingnan natin kung di pa kusang lalapit yang Andrew na yan."

Natawa ako dun sa hanggang leeg ang slit. HAHAHA!

"Maka slit wagas? Puro slit ganon? Hahaha!"

"Oo tapos backless para pak na pak!"

"Pak ganern! Hahaha! Dami mong alam Neptune lika na."

**************************

"Ang sakit ng paa ko Bes."

Reklamo ko kay Neptune. We're currently having a smoothie at talagang napagod kami sa kakahanap ng dress. 

"Ok lang at least naka hanap tayo ng damit na pang tapat dun! Mwahahaha!"

"Mwahahaha!"

Mga baliw hahaha! Bigla kaming nakaramdam ng hiya nung narealize naming nakatingin na pala yung ibang costumers samin. Hahaha!

"Ah nga pala Neptune, nakapagdecide ka na ba kung sang University ka papasok next year?"

Neptune took a satisfying gulp from her strawberry smoothie before answering.

"Hindi ko pa alam. Pero kasi Heart--ano---hehe!"

Jupiter's Heart (ON HOLD)Where stories live. Discover now