*Heart's POV
Nakasunod lang ako sa kotse ni Jupiter at huminto kami sa tapat ng isang Jollibee branch. Nakita ko na siyang bumaba ng sasakyan niya at agad ko din namang pinatay yung makina ng sasakyan ko at sumunod sa kanya sa loob. Pagpasok ko nakapila siya sa counter.
"Kakalunch mo lang kakain ka nanaman?"
Nakatingin lang siya sa board kung saan puwedeng pumili ng pagkain.
"Hindi ako nakakain ng maayos kanina. Halos nakatatlong subo lang nga yung si Mariz sa pagkain niya, nakakahiya naman kung lalamon talaga ako sa harap niya."
Nung siya na ang oorder nag order siya ng rice at dalawang spicy chicken joy and pineapple juice tapos napatingin siya sakin kasi magkatabi lang kaming dalawa.
"Ikaw anong gusto mo?"
Naexcite ang lola nyo mga beshies! Libre na to! Nagorder ako ng extra large na fries at jolly spaghetti tapos large din na pineapple juice. Nung na punch na yung order nagulat ako nung nilahad niya yung palad niya sakin.
"Ano yan?"
Inosenteng tanong ko sa kanya.
"Ikaw magbabayad."
What?! Ako magbabayad?! Nakasimangot na ako habang nakatingin sa kanya.
"Sinet up mo ako sa isang blind date sa Lam Xiang and do you know how much is the food in that restaurant? "
Aish! Sinadya kong tapakan yung paa niya bago inabot sa cashier yung bayad nang nakangiti. Ang dami dami niyang pera kuripot.
"Chinese ka talaga, kuripot."
Pabulong na sabi ko sa kanya.
"Masipag kami hindi kuripot."
Bulong niya sakin bago umalis. Teka! Ako'ng pabibitbitin niya ng order namin?!
"Langyang Jupiter to."
Bitbit ko na yung tray papunta sa table kung saan naka upo si Jupiter.
"Yey fried chicken."
Rinig kong sabi ni Jupiter. Pansin kong paborito niya ang fried chicken.
Focus na focus siya as pagkain ayaw paistorbo. Magsasalita ako sasabihan ako ng shhh! Kaasar, matapos naming kumain halatang busog na siya dahil napasandal siya sa upuan niya sabay himas ng tiyan niya.
"So ano na? Ano nang gusto mo sa babae nang mahanapan kita."
Kinamot niya ang baba niya na parang iniisip kung ano nga bang ideal girl niya.
"Wala eh, hindi ko alam. Minsan na aattract ako sa maliit minsan naman sa matangkad, minsan sa chubby, minsan din naman sa payat, minsan sa maputi minsan sa morena, minsan naman sa mahinhin, minsan sa carefree."
Nakatulala lang ako sa kanya with a question mark in my face. Paano ako makakahanap ng ideal type niya aber?
"Wow napaka specific at informative talaga ng description mo Jupiter. San kaya ako makakahanap ng maputi, morena, maliit, matangkad, chubby, payat, mahinhin at carefree at the same time ha? Asan?!"
YOU ARE READING
Jupiter's Heart (ON HOLD)
Teen FictionFRICTION UNIVERSITY BOOK TWO A story of two hearts wounded by the past, yet find its way together mending the broken pieces back. Join Jupiter in his journey in search of his long lost heart.
