*Jupiter's POV
Last day of their medical mission, same routine pero maagang natapos dahil konte lang pumunta kesa kahapon. 2 pm na at nagsisimula na silang magimpake ng gamit, matapos kong ayusin ang gamit ko niyaya ako ni Heart na dumaan muna saglit sa bahay nina mang Paeng.
"Waah ang dami pading bunga ng mangga nila."
Sabi ni Heart sabay tingala sa puno ng mangga nina mang Paeng. Natatandaan ko pa dati isang basket talaga ng hilaw na mangga ang pinadala nila sa amin.
"Doc! Tuloy kayo!"
Sigaw ni aleng Beth mula sa bintana ng bahay nila. Ganon padin ang ayos ng bahay nila, sa ilalim ng punong mangga ay isang kamang gawa sa kawayan kung saan kami kumain dati. Pagpasok namin sa bahay nila pinaupo kami ni aleng Beth, wala si mang Paeng dahil nasa sakahan siya.
"It's funny how one night in this house holds a long term memory."
Napangiti ako sa sinabi ni Heart habang nakatingin sa pinto ng kwartong tinulugan naming dalawa dati.
"Doctor ka nga talaga."
She raise her brow at me wondering why did I say that.
"I'm talking about your choice of words. If a writer or an artist like me would rephrase your statement it would be 'it's funny how one night in this house can hold a thousand memories."
She nod her head with a smile on her face when she finally understand my point. Pinatong ni aleng Beth ang bagong luto na sweet corn sa lamesa.
"Bagong harvest yan. Tikman niyo."
Kumuha agad si heart ng mais at talagang feel na feel niya ang pagkain.
"Ang tamis! Waaa ang sarap po nito aleng Beth thank you!"
Kumuha na din ako ng isang mais at totoo ngang iba ang tamis ng sweet corn nina aleng Beth.
"Mamaya may pabaon akong ibibigay sa inyo para matikman din ng nga magulang niyo ang mais ng barangay Makisig. Teka ihahanda ko muna ha."
Umalis si aleng Beth at naiwan ulit kami ni Heart sa lamesa.
"May Joke ako."
Sabi ni Heart habang nakatingin sa mais na kinakain niya.
"Siguraduhin mo lang na nakakatawa yan ha baka mamaya mabulunan ka naman!"
Huminga pa siya ng malalim bago siya nagsalita. Hindi niya pa nga nasasabi ang joke niya eh natatawa na siya.
"Ano ang hahaha! Wait lang. Ano ang sinabi ni mais sa ibang gulay nung graduation nila?"
Pigil na pigil na siya sa pagtawa dahil namumula na ang mukha niya.
"Ano?"
"CORNgratulations! Hahaha!"
Bwisit hahaha! Natatawa ako hindi dahil sa joke niya kundi dahil sa tawa niya.
"Alam mo mas nakakatawa pa yung pagtawa mo kesa sa joke mo hahaha!"
YOU ARE READING
Jupiter's Heart (ON HOLD)
Teen FictionFRICTION UNIVERSITY BOOK TWO A story of two hearts wounded by the past, yet find its way together mending the broken pieces back. Join Jupiter in his journey in search of his long lost heart.
