*Jupiter's POV
Ginawan nga ako ng strawberry cake ni Heart at halos maubos ko ang ginawa niya dahil sa sobrang sarap. Feeling ko nga dapat hindi dress shop ang business niya. Dapat nagtayo siya ng café or pastry shop.
4 p.m na nang makauwi ako sa condo at para akong baliw ngayong gabi na nakahiga sa kama ko habang nakatingin sa kisame at ang malala pa diyan? Hindi ko man lang namamalayan na nakangiti na pala ako.
Bigla kong naalala ang ngiti ni Heart habang masayang umiikot kasabay ng pagbagsak ng tubig at siguro ngang nasisiraan na ako ng bait nung maalala ko ang reaksiyon niya nung makita ko ang inner garment niya, para siyang nawalan ng dignidad sa expression ng mukha niya.
"Oo akin siya! Bakit?!"
Bigla akong napabangon at nahawak sa dibdib ko nang maalala ang sinabi niya kanina kay Clare. Damn I'll surely love her possessiveness if she's really my girl. Gulat na gulat ako na napatingin sa sarili ko salamin dahil sa sinabi ko.
"Did I just imagine her being my girl?! What the fvck?"
I got my phone and switch it on at nagulat ako ng makita ang pangalan ni Heart sa screen ng phone ko.
"Good night Jupiter. Thank you nga pala kanina. Wala kang nakita ha! Hahaha! 😂🙈"
Para akong baliw na ngingiti tapos biglang sisimangot! Napahiga ulit ako sa phone para tingnan ang instagram ko na ginawa ni Heart at nagulat ako sa dami ng notification ko. Isa pa lang ang finafollow ko at si Heart yun, agad ko namang binuksan ang IG niya at tumambad sakin ang isang picture niya na nakasuot ng large brown sweaters habang may hawak na tatlong puting rosas na pinitas namin kanina sa Laura's. Natawa pa ako nang makita kong madaming hair clip ang nakakabit sa buhok niya, nag soscroll down pa ako at natatawa padin akong pinapanood ang ibang video niya sa IG, at totoo ngang hindi siya nagsusuot ng two piece dahil madami siyang pictures sa beach pero nakasuot lang siya ng shorts at sleeveless na damit.
Ipagpapatuloy ko na sana ang pag scroll down ko nang bigla kong mapindot ang heart button at talagang napatyo ako sa kama ko dahil sa gulat. Watdapak Jupiter! Wala namang problema kung ilike ko ang post ni Heart ang kaso lang one year ago na yung photo na nilike ko! Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sobrang katangahan ko! Anong idadahilan ko sa kanya? Haay! Alam niya na sigurong Bigla akong napatingin sa side table ko at sa susing nakasabit sa gilid neto, 9:45 na ng gabi pero hindi ako makatulog kaya kinuha ko ang susi at dumiretso sa art room ko.
Naging busy ulit si Heart sa hospital pero lagi siyang nagtetext sakin at ngayong papunta na ako sa Grazelle company tinawagan niya ako through video call.
"Ano ready ka na? Wag kang kabahan ha!"
Bigla akong natawa sa mukha niya, she's wearing a doctor's quote at alam kong nasa hallway siya ng hospital ngayon.
"Ba't parang ikaw yung kinakabahan?"
Tumawa siya at napakamot ng ulo niya sa tanong ko tapos narinig kong may tumawag sa kanya, at kahit hindi ko nakita alam kong si Mj yun.
"Jupiter hinahanap na nila ako, kaya mo yan basta relax ka lang mamaya pag nakaharap mo na yung CEO ng Grazelle. Fighting!"
Kinindatan niya ako tapos nag end na yung call. Napatingin ako sa relo ko at saktong 3:25 na ng hapon, napahinga ako ng malalim sabay ayos ng tie ko dahil naka suit ako ngayon tapos lumabas na ako sa kotse ko at naglakad papasok sa Grazelle Republic.
YOU ARE READING
Jupiter's Heart (ON HOLD)
Teen FictionFRICTION UNIVERSITY BOOK TWO A story of two hearts wounded by the past, yet find its way together mending the broken pieces back. Join Jupiter in his journey in search of his long lost heart.
