Pumasok kami sa bahay ni Nathan na magkahawak kamay. Perfect timing, nasa sala silang lahat. Napalingon sila sa amin at kitang kita ko kung pano napalitan ng simangot ang ngiti ni Neptune nung makita nya yung kamay namin ni Nathan. Pero shet sino yang Oppa na katabi ni Neptune? Ang gwapo gwapo mga bes!
"Nathan yan ba boyfriend ni Neptune? Shemay ang gwapo."
Naramdaman ko ang pagpisil ni Nathan sa kamay ko sabay ngiti nya sa akin.
"Baka marinig ka, ako boyfriend mo dito diba?"
Para kaming mga bubuyog ni Nathan na nagbubulungan.
"Oo hehe, pero crush ko talaga boyfriend ni Neptune."
Bigla nya akong pinandilatan ng mata. yay katakot!
"Heart."
Gigil na tawag ni Nathan sakin.
"Aish, oo na eto na magseseryoso nako."
Binalik namin ang tingin namin sa kanila at lahat sila nakatingin samin pero agaw pansin talaga kung pano kami tingnan ni Neptune.
"Ah, haha! I'm sorry I forgot to introduce her. Everyone meet Heart Sandoval, my girlfriend."
Nagulat ako nung biglang umiyak mommy ni Nathan. Hala hindi ba nila ako type?
"My baby boy is no longer a baby boy dad!"
Ahh! Hahaha! Akala ko Kung ano na. lumapit Din papa ni Nathan sa amin
"Wow! My son is already a man! I'm so proud of you! Hahaha!"
Napatingin ako sa direction ni Neptune gustong gusto ko syang sabunutan dahil parang napunta lang sa wala yung effort ko! Lumapit kami sa kanila and she smiled. Psh! You can fake everyone in this room but not me bitch. I know that was a fake smile!
"I'm happy for you Nathan. Alagaan mo si Heart best friend ko yan."
Ngumiti si Nathan sabay akbay nya sa akin. Pero shems lang nakakadistract talaga yung boylet ni Neptune ang gwapo gawapo gusto ko tuloy kagatin cheeks nya! Rawr!
"Promise hindi ko paiiyakin si Heart."
Bumalik ako sa katinuan ko nung naramdaman ko yung kurot ni Nathan.
"Ah- haha! Nakakahiya naman. Hello po sa inyong lahat. Salamat po sa pagtanggap nyo sakin para kay Nathan. Akala ko kasi di kayo payag sa relasyon namin."
YOU ARE READING
Jupiter's Heart (ON HOLD)
Teen FictionFRICTION UNIVERSITY BOOK TWO A story of two hearts wounded by the past, yet find its way together mending the broken pieces back. Join Jupiter in his journey in search of his long lost heart.
