Chapter 46

83 7 0
                                        

*Heart's POV

Matapos naming kumain ng dinner bumalik na kami sa hotel at talagang lutang padin ako hanggang ngayon. Nakikita ko padin ang oh so gwapong mukha ni Sehun! Kyaaah! Kinikilig padin ako sabay bagsak ko ang katawan ko sa kama ng hotel. Grabe medyo napaos din ako sa kakasigaw ko kanina haha! Alam kong tinatawanan ako ni Jupiter pero bes feel na feel ko padin ang concert ngayon. Parang gusto ko na din tuloy umattend bukas sa day 2! Charing hahaha! 9:43 na ng gabi, matapos kong kumuha ng damit dumiretso na akong banyo.

"Ya mauuna akong gumamit ng banyo ha."

Sabi ko kay Jupiter habang umiikot ikot papuntang banyo. Kinakanta ko padin ang Don't Go hahaha! Pagpasok ko sa banyo agad kong nilock ang pinto, bumalik pa ako ulit para siguraduhing na lock ko.

Of course I tried the jacuzzi, ang mahal ng bayad dito tapos di ko man lang susubukan. I open the curtain at talagang kitang kita ang city lights dahil nasa 56th floor ang room namin.  Picture ako ng picture habang nakalubog ako sa tubig, naka sleeveless shirt pa ako at shorts kasi ayokong mag two piece. Matapos ang kaartehan ko sa banyo nagpalit na ako ng inner garments ko, hindi na muna ako nagbihis binalot ko lang muna sarili ko ng tuwalya dahil naisipan ko munang magblow dry ng buhok. Hee ang cute ng bra ko ngayon color black tapos may mga maliliit na white logo ng EXO. Hahaha!

"Asan ba yung hair dryer?"

Nakita ko din naman ang hair dryer na nasa tapat ng salamin, agad akong lumapit dito ngunit sa kashungahang palad nadulas ako. Biglang nag slow motion ang lahat habang nadudulas ako, pakiramdam ko nga naririnig ko na din ang background music ng mga choir na kumakanta dahil sa kashungahan ko!

"Aaah!"

My butt arouch! Ang sakit bes!

"Heart?! Anong nangyari? Ok ka lang diyan?"

Nakita ko ang paggalaw ng doorknob, tatayo na sana ako ng napapikit ako sa sobrang sakit ng leeg ko owemgee! Nafracture ata leeg ko!

"Heart?!"

Jupiter started banging the bathroom door at talagang nataranta ako ng bonggang bongga dahil nakatowel lang ang lola niyo!

"Teka huwag mong bubuksan!"

Pero huli na ang lahat dahil nasira ang lock at tuluyang nabuksan ni Jupiter ang pinto. Aargh! Ang sakit talaga ng leeg ko! Agad siyang lumapit sakin at talagang bakas sa mukha niyang nagaalala siya bubuhatin niya na sana ako nang bigla nanaman akong nagpanic dahil nakatuwalya lang nga ako!

"Andwae!"
(No!)

Huy nakapagkorean pa ako ng wala sa oras! Buti na lang at naintindihan niya.

"B-bakit may masakit ba sayo? Teka hihingi ako ng tulong."

Agad kong hinawakan ang kamay niya para pigilan siya. Pagtatawag siya ng tulong mas madaming makakakita ng kahihiyan ko. Alam kong kailangan kong madala sa hospital ngayon para malagyan ng neck brace pero ayoko namang pumunta dun ng nakatuwalya lang!

"Buhatin mo'ko."

Utos ko kay Jupiter agad niya din namang nilagay ang kamay niya sa ilalim ng legs ko at dahil dun para naman akong shunga na sumigaw ulit ng.

"Stop! Wait lang."

Agad niya din naman akong binitawan huhu nalilito na siguro siya ngayon. Pano kasi ambilis ng tibok ng puso ko sa tuwing nahahawakan niya ako para din akong nakukuryente na ewan! Homaygas umayos ka Heart na fracture ang leeg mo there's no time to be choosy and pabebe! Huminga ako ng malalim bago ulit ako nagsalita.

Jupiter's Heart (ON HOLD)Where stories live. Discover now