*Heart's POV
On the way home pinahinto ko saglit si Jupiter sa 7/11 dahil may bibilhin lang akong chocolate na paborito ng kambal, pumayag din naman sya kasi may bibilhin din daw sya. Nung nasa cashier na kami para magbayad sakto rin na nag flash yung breaking news update at halos himatayin ako nung makita ko yung mukha ko at ni Jupiter sa TV screen. Pati si Jupiter nakatulala lang din sa TV.
"Kasalukuyan padin pong hinahanap ng mga awtoridad sina Heart Sandoval at Jupiter Huang na nawala nuong Lunes..."
Biglang napaturo sa aming dalawa yung cashier. Pagkatapos naming makuha yung bayra dali dali kaming sumakay sa sasakyan at talagang pinaharurot ni Jupiter ang pagtakbo. Pagdating namin sa bahay ko may isang police mobile sa labas ng bahay, hindi ko na hinintay si Jupiter na makababa tumakbo na agad ako papasok at kitang kita ko sa sala ang umiiyak kong mama habang yakap yakap si papa, nasa loob din sina Neptune at ang pamilya nya pati na din ang mama at papa ni Jupiter.
"Noona!"
Sabay na sigaw ng kambal kong kapatid lahat din sila napatingin sa akin.
"Ya! San ka ba nagpunta?! Alalang alala kami sa iyo hindi din namin macontact yung phone mo! Bigla ka lang nawala!"
For a moment gusto kong matawa dahil sa mga reaction nila.
"It was a long story mama but it's ok now. I'm perfectly fine."
Napatingin ako kay Jupiter na nakatayo lang sa likuran ko. Agad ko syang hinila sa tabi ko para makita sya ng mga magulang nya.
"We are perfectly fine."
I said rephrasing my line. Humingi ng paumanhin sina mama at papa sa mga police dahil sa abala at nakatanggap kami ng malutong na sermon ni Jupiter mula sa mga magulang namin.
"Anong pumasok sa utak nyo at naisipan nyong mag road trip ha? Ok lang naman yun eh pero sana man lang nag text kayo para malaman namin na safe kayo!"
Sermon ni mama habang naglalakad ng pabalik balik sa harap namin ni Jupiter. Naka upo kaming dalawa sa sala at talagang ginigisa nila kami ng mga tanong! Sinabi kong nag road trip kami alangan namang sabihin ko na nag emo emo etong si Jupiter at nawala kami sa kabukiran eh mas lalong magagalit tong si mama.
"Mama, sorry na po. Itetext ko naman po kayo eh kaso wala pong signal dun sa pinuntahan namin tapos nahulog pa po yung cellphone ni Jupiter sa ilog kaya hindi na kami nakapagtext sa inyo."
Medyo huminahon naman din si mama at umupo na pero ang sumunod naman na nagtanong yung kambal kong kapatid.
"Eh bakit hindi kayo naka uwi agad?---po?"
Psh! Dinagdagan pa ng po eh hindi naman talaga sila nagpopo sa akin!
"Naubusan kami ng gas at aabutin ng isang oras bago makarating sa nagbebenta ng gas buti na lang at may tumulong sa amin. Pinatuloy kami sa bahay nila, pinakain at pinatulog tapos kinaumagahan binigyan kami ng gas kaya kami nandito ngayon at safe. Ok na? Medyo napagod ako sa byahe 5 hours panaman yung byahe."
YOU ARE READING
Jupiter's Heart (ON HOLD)
Teen FictionFRICTION UNIVERSITY BOOK TWO A story of two hearts wounded by the past, yet find its way together mending the broken pieces back. Join Jupiter in his journey in search of his long lost heart.
