Chapter 48

137 5 1
                                        

*Heart's POV

Three days after watching the concert lagi kong niyaya si Jupiter pero busy daw siya. Thursday na ngayon ng hapon at wala akong magawa sa bahay dahil hindi pa tapos ang one month leave ko. Wala na din ang neck brace ko kasi magaling na ang leeg ko.

"Itext ko kaya siya?"

Psh hindi na baka mamaya istorbo lang pala ako sa kanya. Matapos kong maligo naisipan kong mamili ng bagong foundation at lipstick sa Grazelle Republic, paubos na din ang ang perfume at body wash ko.

Since hindi pa ayos ang sasakyan ko sumakay na muna ako ng bus. It's a busy day in Grazelle Republic ang daming tao, at talagang nakapila sila sa loob.

"Anong meron?"

Tanong ko sa isang babae na nakapila rin.

"Ah may bagong labas na summer design ang Grazelle tapos 30% less ang new designs ngayong araw."

Really?! Agad akong pumila kasma nila. Bes discount na yan sayang naman.

Ilang sandali lang nagsimulang umusad ang pila at excited akong makita ang new designs ng foundation. Box pa lang nakakainlove na ang design! Hindi lang ako ang natuwa pati na din ang ibang mga babae na nandito. First time kong matuwa ng ganito sa design ang cute sobra! Bitbit ko na ang box nang makita ko si Jupiter sa hallway ng Grazelle.

"Anong ginagawa niya dito?"

Pero hindi siya nagiisa, kasama niya si Mariz. Masaya silang nagkukwentuhan at ang lapad pa ng ngiti ni Jupiter habang nakatingin kay Mariz. Akala ko ba busy siya? Hindi ako nagdalawang isip na salubungin sila at mukhang nagulat si Mariz nang makita niya ako.

"Heart, it's nice to see you again."

Napilitan akong ngumiti sa kanya.

"Magkakilala pala kayo?"

Hindi ako nainform mga bes na magkakilala pala sila!

"It's a long story. Tamang tama nagmemeryenda kami ni Mariz, gusto mong sumama?"

Tanong ni Jupiter sakin. Hah may bago na pala siyang meryenda buddy at pinapasama niya pa ako! Ano gagawin niya akong third wheel?! Ha?!

"Sige. "

Lumabas kami ng Grazelle Republic at talagang pinagbuksan pa ni Jupiter ng pinto si Mariz. So what Heart hindi mo siya kailangan para magbukas ng pinto kaya mo ding magbukas ng pinto!

"Anong gusto mong kainin?"

Tanong ni Jupiter sakin.

"Gusto ko ng combo meal D."

Nakapoker face na sagot ko sa kanya. Pangiti ngiti pa siya sa sagot ko tusukin ko kaya yang mata mo! Tumayo si Jupiter para umorder at naiwan kami ni Mariz sa table. Sumandal ako sa upuan ko sabay cross ng braso ko habang nakatingin sa kanya.

"So pano kayo nagkakilala ni Jupiter?"

Ngumiti siya sa tanong ko sabay sandal niya din sa upuan. Owemgee do I look like a joke?!

"Ikaw kayang nagpakilala kay Jupiter sakin."

Huwat! Halos malaglag ako sa upuan ko dahil sa narinig ko kay Mariz. Para akong shunga na tinuro ang sarili ko.

Jupiter's Heart (ON HOLD)Where stories live. Discover now