*Heart's POV
I open my left eye as I felt the bus stop, nakatulog kami ni Jupiter sa tagal ng biyahe. Nasa baranggay Makisig na ba kami? Binuksan ko ang kurtina na nakatakip sa bintana namin. Oh? Mukhang pamilyar tong lugar na to sakin. Nung lumingon ako sa direction ni Jupiter natutulog padin siya. Tumingin din ako kay Mj na nasa kabilang isle lang.
"Nandito na tayo."
Sabi niya sabay stretch ng kamay niya. I gently tap Jupiter's cheeks. He rub his eyes and yawn before stretching is hands and looking at me. Such a cutie!
"Nandito na tayo?"
Tanong niya, I raise my brows as I blink my eyes twice at him.
"Yup, nandito na tayo."
Nagsibabaan na din ang ibang kasama namin sa bus at sumunod din kami ni Jupiter, pagbaba namin may sumalubong sa amin na magasawa, sila siguro ang kapitan ng barangay.
"Magandang araw po sa inyo, kami po'y nagpapasalamat na napili niyo ang aming barangay para sa inyong medical mission."
Nagkatinginan kami ni Jupiter at sabay pa naming tinuro ang magasawa na nasa harap namin.
"Mang Paeng?"
Sambit ni Jupiter sabay turo niya sa lalakeng nagsalita sa harap namin.
"Aleng Beth?"
Sambit ko din sabay turo ko sa babaeng nasa harap namin.
"Uy kayo palang dalawa!"
Masayang bati ni aling Beth sa amin. Hahaha! Lumapit agad kami ni Jupiter sabay yakap namin kina aleng Beth at mang Paeng. Grabe lang kasi sa dinami daming baranggay na pwede naming gawan ng medical mission eh dito pa talaga?
"Magkakilala kayo?"
Tanong ni Allysa habang nakatingin samin. Nagkatinginan kami ni Jupiter dahil hindi namin alam ang isasagot ng inunahan kami ni aleng Beth.
"Minsan na silang naligaw dito sa amin, malakas ang ulan nung araw na 'yon kaya pinatuloy namin silang dalawa sa bahay. Nakakatuwa kasi magkasama padin silang dalawa hanggang ngayo---"
"Hindi ko po siya boyfriend."
Putol ko sa sinasabi ni aleng Beth. Hahuu! Sinasabi ko na nga ba akala nila dati eh magkasintahan kami ni Jupiter.
"Ha? Hahaha! Naku akala ko eh magkasintahan kayo. Ang sweet sweet niyo nga nung---"
"Aleng Beth! Hahaha! Punta na po tayo sa location ng medical mission?"
Putol ko ulit sa sinasabi niya baka mamaya iba pang masabi ni aleng Beth.
"Ay oo nga! Hahaha! Hali na kayo nang maihanda niyo na ang gamit niyo."
Nagsimula silang maglakad tapos sumunod na din ang iba naming kasama. Hirap na hirap ako sa pagbitbit ng tatlong bag ko, ang dalawa eh nakasabit na sa magkabilang braso ko tapos may isa pa akong bag na bibitbitin. Bubuhatin ko na sana ang isa pang bag nang biglang may dakawang kamay na humawak sa magkabilang sling neto.
YOU ARE READING
Jupiter's Heart (ON HOLD)
Fiksi RemajaFRICTION UNIVERSITY BOOK TWO A story of two hearts wounded by the past, yet find its way together mending the broken pieces back. Join Jupiter in his journey in search of his long lost heart.