*Heart's POV
5:30 a.m nasa labas na kami ng hospital at naghihintay ng bus, ngayong araw kami pupunta sa barangay makisig which is five hour drive away from the city. Kokonte pa lang kami na naghihintay at ilang saglit lang dumating si Mj.
"Dami mong dala ah."
Bati niya sakin habang nakatingin sa mga dala kong bag. Kulang pa nga tong daka ko, napatingin din ako sa mga bag ng mga kasama naming babae at parepareho lang kami sa dami ng bitbit namin pero oo nga yung bag ng mga lalake iisa lang. Luh?
Madami kaming kasama kasi pati students ng medical school nag volunteer din. Nung dumating ang bus si Mj na mismo ang nagbitbit ng gamit ko, aakyat na din sana ako nang maynakalimutan akong kunin sa office.
"Mj mauna ka nang sumakay may kukunin lang ako sa office ko."
"Samahan na kita."
"Hindi na, saglit lang ako."
Habang naglalakad ako papasok sa hospital tinawagan ko si Jupiter at ang sabi niya eh papunta na din siya. After getting my pouch lumabas na agad ako, pagakyat ko sa bus nakita ko na si Jupiter na nakaupo malapit sa isle and when he saw me he raise his hand pero hindi lang siya ang nakataas ang kamay, pati si Mj nakatingin sakin at parehong bakante ang seat na nasa tabi nila. Nasa left side ng bus si Mj habang si Jupiter naman ay nasa right side talagang pareho silang nakaupo malapit sa isle. Kanino ako tatabi? Pagpinili kong umupo sa tabi ni Mj baka magalit si Jupiter at kung uupo naman ako sa tabi ni Jupiter baka maoffend si Mj.
"Excuse me doc."
Tumabi ako para makadaan si Allysa and I sigh with relief nung umupo siya sa tabi ni Mj. I smile at Mj as I make my way to Jupiter. Nung nakaupo na ako sa tabi ni Jupiter I heard him mumble something under his breath.
"Anong sabi mo?"
Tanong ko but he just look at me as he cross his arms.
"Nothing."
He's acting like a sassy kid again.
"Ah excuse me doc. Heart are these yours?"
Napatingin ako sa bag na itinuro ni Allysa na nasa paanan niya.
"Ah oo, teka kukunin ko."
Tatayo pa sana ako pero hinawakan ni Jupiter ang noo ko para paupuin ako ulit.
"Ako na."
Tumayo siya sabay kuha sa tatlong bag na nasa paanan ni Allysa at lipat sa upuan namin.
"Buong bahay mo bang binitbit mo?"
Tanong niya sakin pagkatapos niyang mailipat ang mga bag ko. I crinkled my nose as I look at my bag.
"Kulang pa nga yan madami pa sana akong dadalhin."
Hindi ko pa nga nadala yung hair dryer ko tsaka pagkain naman ang laman ng isang bag. Food is life kaya nagdala talaga ako ng madaming pagkain. Napatingin ako sa dala niya, isang malaking hiking bag, tripod, professional camera at napa wow ako nung makita kong nilabas niya ang isang drawn camera.
"Totoong lumilipad to?"
Tanong ko sa kanya sabay himas ko sa drawn na nasa kamay niya. I heard him laugh as he give it to me.
"Alangan namang gumagapang yan."
I didn't mind his sarcasm at all kasi hinahawakan ko padin yung puting drawn and I can really say that it's original.
YOU ARE READING
Jupiter's Heart (ON HOLD)
Teen FictionFRICTION UNIVERSITY BOOK TWO A story of two hearts wounded by the past, yet find its way together mending the broken pieces back. Join Jupiter in his journey in search of his long lost heart.
