Jupiter's POV
"Ako ang bida ngayon! Wag kang kokontra kung ayaw mong masipa sa mukha! A-a-aah!"
Kelan pa ko naging tagahatid ng lasing? Nasa kalagitnaan na kami ng highway nang bigla kong maalala na hindi ko pala alam kung anong adress ng babaeng to! Agad kong tinabi ang sasakyan para tawagan si Neptune pero hindi nya sinasagot yung phone nya. Aish! I.D? Tama baka nandun address nya. Kinuha ko yung bag nya at nagsimulang maghalungkat ng gamit nya pero wala syang ibang card kundi ATM card lang tapos puro na agad make up yung laman ng bag nya. Cellphone.
"Hoy asan cellphone mo?"
"Cellphone? C-e-l-l-p-h-o-n-e?"
"Oo, cellphone. Nasan cellphone mo?"
"Nakay Nathan! Hahahaha!"
Shit.
"San ka umuuwi?"
"Sa bahay. Hahaha!"
Konte na lang ihuhulog ko na to sa kotse.
"Saan ang bahay mo?"
"Bahay ko? Hmm. Nasa Earth! Hahahaha!"
"Put---o cheese. Relax ka lang Jupiter. San banda sa Earth?"
"Sa Southeast Asia! Rock and roll to the world! Hahaha!"
"Aish! San banda sa South East Asia?! Ayusin mo ihuhulog kita dito sa kalsada!"
"Sa Philippines. Bwahahaha! Ampangit mo!"
"At ako pang pangit ngayon?! Nakita mo bang sarili mo sa salamin ngayon?! Para kang ginahasa sa mukha mo!"
Tae this nahahighblood ako sa babaeng to! She flip her hair in one side and hold my face.
"Lahat ng lalake naglalaway sakin kaya alam Kong nagsisinungaling ka. Shit you po."
Taas ng level ng self confidence ah , pero totoo ngang maganda siya kahit na ganito siya ngayon. Para siyang natural na nakablush on. Pinalo ko yung kamay nya at mukhang seryoso na siya ngayon, siguro naman matinong sagot na ang makukuha ko sa kanya.
"San ka nakatira?"
"Sa puso mo. Hahahaha!"
Naisandal ko yung ulo ko sa manobela ng sasakyan sa sobrang stress ko.
"Seryoso Heart, San ka nakatira kasi ihahatid kita!"
YOU ARE READING
Jupiter's Heart (ON HOLD)
Teen FictionFRICTION UNIVERSITY BOOK TWO A story of two hearts wounded by the past, yet find its way together mending the broken pieces back. Join Jupiter in his journey in search of his long lost heart.
