*Heart's POV
Dinala ni Jupiter ang bear sa sasakyan niya para hindi kami mahirapang magbitbit, ambigat kasi. Habang hinihintay ko siyang makabalik nakita ko yung haunted house na pinipilahan ng mga tao. Nice!
"San ka nanaman nakatingin?"
Napalingon ako kay Jupiter na kakarating lang. I smile as I hold the sleeves of his jacket and start walking.
Pagkatapos kong ipakaita ang ticket namin pinayagan na kaming pumasok pero sa pinto pa lang hinawakan na ako ni Jupiter.
"Heart sa iba na lang tayo."
Luh? Bakit? He's scanning his eyes around observing the house. Hahaha!
"Don't tell me takot ka?"
I smiled playfully as I poke him in his arm.
"Hindi no!"
Sigaw niya sabay pitik sa daliri ko.
"Oh hindi naman pala halika na!"
Hindi na siya nakaimik dahil hinila ko na siya papasok. Dinig na namin ang mga sigaw ng mga nauna sa amin, nagpapalitan ng red and blue lights sa loob tapos may mga sapot na din ng gagamba na nakasabit sa taas. Patuloy lang kami sa paglalakad ng biglang nagsisisigaw tong si Jupiter sabay yakap sakin. Hahaha!
"Aaah! May humawak sa paa ko!"
"Hahaha! Relax ka lang."
Agad niya din naman akong binitawan pero nakadikit na siya sakin habang naglalakad kami, nakalagpas kami dun sa part na may humahawak ng paa, nung napadpad kami sa isang madilim na hallway ng bahay may nakasabay pa kaming magcouple na nandun din, wala namang nakakagulat dun except sa white lady na pasulpot sulpot at talagang kay Jupiter na sigaw ang naririnig ko. Napapahawak din siya sakin paminsan minsan pero parang may iba ata siyang nahawakan. Hinampas ko yung kamay niya na nakahawak sa braso ko.
"Aray! Ba't mo'ko hinampas!"
"Ikaw nanghahawak ka ng puwet."
Kahit dim ang ilaw alam kong naka busangot na siya habang nakatingin sakin.
"Pano kita mahahawakan sa puwet eh nasa upper portion lang ng body mo yung kamay ko?"
Tinaas niya yung dalawang kamay niya, sasagot pa sana ako nang bigla namang may humawak sa puwet ko. Pusang gala sino yun?! Siguradong hindi si Jupiter dahil nakataas yung dalawang kamay niya.
"May humahawak sa puwet ko."
Kalmado kong sabi kay Jupiter. Biglang naging seryoso ang mukha niya sabay hila niya sa'kin palapit sa kanya. Magkaharap kaming dalawa ngayon and I can see him scanning the area.
"Wag kang gagalaw."
Bulong niya sakin. I nod my head and after a few second may humawak nanaman sa puwet ko and this time Jupiter grab the hand that's touching my butt.
"Bastos ka ah."
Sabi ni Jupiter dun sa lalakeng naka itim, pinilipit niya ang kamay neto and I can see that he's in pain. Hinila siya ni Jupiter palabas ng haunted house at nakasunod lang ako sa kanya, he seems so agitated right now.
YOU ARE READING
Jupiter's Heart (ON HOLD)
Teen FictionFRICTION UNIVERSITY BOOK TWO A story of two hearts wounded by the past, yet find its way together mending the broken pieces back. Join Jupiter in his journey in search of his long lost heart.