*Jupiter's POV
"Ayoko naaa!"
Sigaw ko habang patuloy na umaandar ang sea dragon. Taena! Parang masusuka na ata ako!
"Hooo!"
Heart is enjoying the ride dahil tinataas niya pa yung dalawang kamay niya. Ayoko na talaga sa tuwing tinataas kami parang diniduyan din mga lamang loob ko!
Tumagal pa ng halos dalawang minuto yung ride at sa wakas tumigil na din. Nagsialisan na yung mga kasabay namin pero ako nahihirapan pang tumayo dahil naginginig pa yung tuhod ko!
"Jupiter! Bilis!"
Sasagot pa sana ako sa kanya nang hilain nanaman niya ako!
"Dun naman tayo!"
Napahawak ako sa tuhod ko nung makita ko kung anong tinuturo niya.
"Sling shot?! The hell no!"
Sinong matinong tao na sasakay diyan?! Ititirador kayo pataas habang nakaupo!
"Masaya yan promise!"
Kahit anong ayaw ko talagang hinila niya ako papunta dun! Uuwi na'ko ayoko na!
♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥
"Ready na ma'am, sir?"
PUT-o cheese! Nag thumbs up si Heart dun sa lalake at nararamdaman ko na ang pagatras ng ride para kumuha ng buwelo. Napahawak ako sa parang seeatbelt na kinabit nila. Kumakaway pa si Heart sa camera na naka kabit sa unahan namin.
"Ayan na!"
Heart scream when the ride stop as a signal na any minute e ititirador na kami pataas. Napapikit ako ng mata sa paghintay, pero napadilat din naman ako agad nung wala pang nangyayari.
"Ba't walaaaaah!"
Hinayupak na ride to! Hindi ako nakahanda! Akala ko malala na yung sea dragon mas malala pa tong sling shot ride! I shut my eyes tight as I grip the seat belt. Packing tape! Para akong mauulol ng wala sa oras!
"This is amazing!"
Sigaw ni Heart habang nasa itaas na kami she hold my left hand and I slowly open my eyes, lahat ng kaba ko napalitan ng excitement nung makita ko ang city lights. Woah ang ganda. Pagkatapos niyong itirador sa taas eh dahan dahan din kaming binaba kaya kitang kita talaga namin ni Heart ang city lights.
"Say Polly!"
She point at the camera in front of us as she made a finger heart sign.
"Polly!"
Sabay naming sabi, pagkatapos nun ligtas naman kaming naibaba. Inalis yung safety gears namin at pansin kong di padin binibitiwan ni Heart yung kamay ko. Instead of letting me go hinila nanaman niya ako papunta sa isang babae na nagmamanage ata ng mga kuha nung camera sa sling shot ride.
"Miss pa copy ako ng kuha ng cam."
"Sige ma'am, may USB po ba kayo o isesend ko na lang sa phone niyo?"
"Isend mo na lang sa phone ko."
She let go of my hand and look for her phone in her sling bag. Tahimik lang akong nakatingin sa kamay ko confuse with what I'm feeling right now.
Pagkatapos niyang magcopy ng video nauna siyang maglakad sa'kin. Nung napansin niyang hindi ako nakasunod nilingon niya'ko.
"Uy halika na."
YOU ARE READING
Jupiter's Heart (ON HOLD)
Teen FictionFRICTION UNIVERSITY BOOK TWO A story of two hearts wounded by the past, yet find its way together mending the broken pieces back. Join Jupiter in his journey in search of his long lost heart.
